Chapter 19: Calling Danger
(Caia's POV)
Well, I've been discharge sa School's Infirmary kanina. Ngayon, nandito na ako sa dorm namin, nagbibihis. Nabalik na ang pasok dahil bahala na daw silang ayusin ang gulong iyon. Gusto ko sana na tumulong. Pero alam kong pipigilan nila ako.
"Caia! Let's go!" Sigaw sakin ni Corin. Agad naman akong lumabas ng kwarto ko at tumakbo papunta sa pintuan ng dorm namin na parang bahay.
"Coming!" Sigaw ko pabalik sa kaniya habang tumatakbo. Nang marating ko 'yung pintuan ng dorm namin ay nagsuot na ako ng sapatos at lumabas. Nakita ko naman silang dalawa-- ay mali, tatlo--- anim sa tapat ko.
"Uhm, good morning?" Bati ko sa kanila.
"Good morning!" Sabay sabay na bati nila. Nag-umpisa na kaming maglakad ng sabay-sabay.
"Simula ngayon, lagi mo na kaming kasama. Hindi pwedeng walang nagbabantay sayo," Sabi ni Corin. How I wish na magtagal iyon. Pero ayos na rin at ngayon sila nag-umpisa.
"Hay nako, tigilan niyo nga ako." Sabi ko at tumawa.
"Sus, eh madamdamin ka pala. Sana sinabi mo samin. Edi sana marami nang bodyguard ang nakapaligid sayo," Sabi ni Zed with actions. Nagtawanan naman kami.
"Bodyguards? Hindi niya kailangan nun. Ako lang kailangan niya, poprotektahan ko siya." Sabi ni Bryle at kinindatan ako.
"Tss, protektahan your face." Rinig kong sabi ni Cyprian. Ah no, namin pala haha. Nagtawanan lang kami hanggang sa makarating kami sa classroom. Well, I have to enjoy this day.
"Good morning classmates!" Bati ko sa kanila. Nanahimik silang lahat nang marinig ang boses ko. Saglit lang ay bumalik sila sa mga ginagawa nila. Medyo na-disappoint ako. Pero okay lang, alam kasi nila na ako ang may kasalanan. Bravery is the only answer to this.
"I don't think na dapat---" I cutted Bryle's words at nagsalita. I just gave him an 'okay' smile.
"It's okay. I know it's my fault." Sabi ko kay Bryle at umupo na sa bakanteng upuan. Well, I'm not here to be a superhero na magpapakitang anghel sa kanila. I'm not gonna force them if they don't like me. I just have to accept this. Buong klase namin ay doon ko lang itinuon ang atensyon ko. Hindi ko kasi maatim na lumingong sa kahit anong parte ng classroom namin. Alam kong kahit saan banda akong tumingin, ayaw sakin ng mga nakikita ko.
Lunch break na namin kaya matamlay akong nagliligpit ng gamit ko. I'm not really in mood to talk. Nagulat ako nang may pumunta sa harap ko. Akala ko si Corin lang o si Darcy kaya hindi ako umimik o tumigil manlang sa ginagawa ko.
"Hello, sorry sa inasal ng classmates natin kanina. Siguro natatakot lang sila," Napatigil ako nang boses ng iba ang narinig ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, nakita ko ang isang magandang babae sa harap ko. Eell, she's probably our classmates. Pero hindi ko kinikilala ang mga classmates ko, just my friends.
"Ayos lang 'yun. Naiintindihan ko naman. Una na ako ah?" Sabi ko at ngumiti sa kaniya. Naglakad na ako palabas ng classroom namin at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Gusto ko lang iwasan ang pagtutunguhan ng topic. Nakalimutan kong hintayin sila Corin kaya tumigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad ko. Nanatili ako sa pwesto ko upang hintayin sila subalit si Bryle lang ang nakita ko.
"Hey, susunod na lang daw sila satin. Tara na?" Ani nito nang makalapit sakin. Nagnod lang ako at sinabayan siya sa paglakad.
"You.. look bothered." Pagbasag niya sa katahimikan. Ngumiti ako bago sumagot sa sinabi niya.
"Hmm, hindi naman. Hindi ko lang talaga ramdam ang araw ngayon." Sabi ko at bahagyang ngumiti.
"Talaga? Gusto mong pasayahin kita?" Sabi niya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.