Chapter 18: Planning Trouble

124 6 0
                                    

Chapter 18: Planning Trouble

(Caia's POV)

Bakit ang labo ng paligid? Kulay puti lang ang nakikita ko.

Bigla akong napabangon nang maalala ko na dinala ako nila Cyprian sa School's Infirmary.

"She's awake," napalingon ako sa nagsalita, si Bryle. Agad siyang lumapit sakin. "Hey, are you alright?" Tanong niya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"I am okay." Sabi ko at nagnod.

"You made me worry." Sabi niya at nagbuntong hininga. Napangiti na lang ako-- not when Cyprian pushed Bryle away.

"Do you want to eat anything?" Kalmadong tanong niya sakin na akala mo'y hindi niya tinulak si Bryle.

"What's wrong with you?!" Sigaw ni Bryle kay Cyprian.

"What's your problem?" Sabi naman ni Cyprian at sinamaan ng tingin si Bryle. Nagtitigan silang dalawa. I can see spark--- not love-- of hatred.

"Hey, hey. Stop that. Hanggang dito ba naman mag-aaway kayo?" Mahina kong sabi. Well, wala pa akong lakas. Tumingin sila sa isa't isa ng masama bago tumigil. I sighed. They're really rivals.

"I'm gonna buy your food. What do you want?" Mahinahong sabi ni Bryle. Wala akong gustong kainin..

"I'm not hungry," Sabi ko.

"But you have to eat." Pagprotesta ni Cyprian. Hay, bakit ba ang kulit nila?

"Sige, ako ng bahala." Sabi ni Bryle at lumabas ng room ko. Bakit may sarili akong room? I mean, pwede naman ako doon sa parang clinic lang. May bed na magkakatabi, curtains lang ang naghihiwalay.

"Take a rest," sabi ni Cyprian at umupo sa chair sa tabi ng kama ko.

"Pwede ka doon sa couch. Hindi naman masisira 'yun kapag inupuan mo," Sabi ko sa kaniya at humiga.

"No, dito lang ako. I'm fine here." Nagmatigas pa. Hinayaan ko na lang siya at tinitigan ang ceiling ng room ko. Well, kahit saan ka naman tumingin, kulay puti ang makikita mo. Kaya lang, mukhang doon kumportableng manatili ang mata ko.

"Why in a sudden, Cyprian?" I asked him. Kasi parang may kakaiba sa kinikilos niya simula noong dumating si Bryle. I mean mas naging malapit pa siya sakin.

"Huh?" Tanong niya. Kung sabagay, wala naman siyang maiintindihan sa sinabi ko.

"Wala," Sabi ko at tumalikod. Tumapat ako sa pader at pinaglaruan ito na akala mo ay makakasulat ako gamit ang kamay ko lamang.

"I told you to ignore him," Biglang sabi ni Cyprian.

"He's such a good guy to be ignored." Mahinang sagot ko. Isa pa, mahirap iwasan ang isang taong alam mo namang walang ginawang mali sayo.

"Pero kasalanan niya kung bakit ka nandito." What? Lumipat ako nang pwesto ko at hinarap siya. Hindi ko naman alam na medyo malapit pala siya sa pwesto ko.

"This isn't his fault. He was trying to protect me pero may bigla na lang bumagsak sa harap namin. And in the first place, ako ang nagdala sa kaniya sa crowd." Sabi ko sa kaniya. What's wrong with Bryle ba? Mababait na kilos naman ang pinapakita niya sakin.

"He was trying to protect you?" Tanong niya. I sighed. Parang may ginawa kaming krimen ni Bryle at ako ang nahuli kaya naman ako ang iniimbistigahan.

"Oo, noong nakapunta kami sa unang pinagkakaguluhan, agad niya akong hinarangan upang hindi ito makita. Tinakpan rin niya ang tainga ko para hindi ko marinig ang sinasabi ng mga students, kaya wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Pero pag-alis namin doon, sa harap ko na mismo bumagsak yung.. yung.." Bigla akong natigilan nang maalala ko 'yung katawan ng kaklase namin.

Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon