Chapter 39: Eventide Fairy
(Caia's POV)
Friday ngayon at kasalukuyan akong nasa coffee shop para magtrabaho. Hindi ako tumigil sa pagtrabaho. Hindi rin naman ako pinigilan ni Lucas. Pero lagi niyang sinasabi na maglotion ako dahil baka pumangit daw ang kamay ko. Tsk. He's acting like he's my boyfriend. Err, hindi nga naman kami nagbreak dati. Ngayon ay okay lang sa kaniya na lumapit ako kay Mason. He trust me daw. Tss.
"Mason!" I hissed at him. Eh paano okay na 'yung ginagawa kong coffee tapos biglang binangga 'yung braso ko. Tumawa siya ng sobra. And yeah, nagstart na akong gumawa ng coffee. At kahit ayaw ko, ako ang nagseserve ng coffee kay Lucas.
"Okay naman gawa mo, ah?" Sabi niya at tumawa. Gawd! This people! Nawawala ako sa sarili ko dahil sa kaniya.
"Shut up!" Sabi ko sa kaniya at tumawa na naman siya.
"Akin na, ayusin natin." Sabi niya at tinulungan akong gumawa ng kape. "Para kanino ba 'to?" Tanong niya.
"Sakin," Sabi ko. Binitawan niya 'yung jar at hinarap ako.
"Seriously?" Tanong niya.
"What? I can do whatever I want here." Sabi ko sa kaniya. Alam na niya na ako si Corin pero hindi naman siya nagulat. Ewan ba. And we hid it to other staffs. Sinabi na lang nila na umalis si Corin.
"Oh well, buti hindi ka pinapagalitan ni Sir." He said then chuckled.
"As if," I said. 'Yun pa? Sus.
"Done," Sabi niya at inabot sakin 'yung kape. Cappuccino siya actually, ang nilalagay ko dun kanina ay.. a b c d. Wala akong malagay eh. Bakit ba? Pinalitan niya ito ng MC at may design na maliliit sa paligid.
"MC?" Tanong ko sa kaniya.
"Merry Christmas." Sabi niya at ngumiti. I gasped. Minsan lang ako magpakita ng emotion. Pero seriously? Hindi pa rin nawawala ang ngiti na nakapinta sa mukha niya. "Disperas na ho ng pasko ngayon. Bakit 'di mo alam, ha? Magtatampo sayo si God." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Kaya pala ilang weeks na kaming walang pasok.
"That's not his real birthday kaya." Sabi ko. Kaya pala nag-aaya si Red na magsleep-over ako sa kanila. And nakareceive rin ako ng letter kanina sa locker ko. But I didn't open it. Tinatamad ako.
"Anyway, nakabili ka na ba ng gifts mo?" Tanong niya. Umiling ako.
"Do I have to?" Tanong ko. He laughed.
"You know, hindi man importante ang regalo pero nakapagpapasaya naman ito ng mga tao. So, maki-ride na lang tayo. I'm going to buy gifts later. May hindi pa ako nabibilhan. Sama ka?" Sabi niya sakin. Inisip ko kung sasama ako. Pwede namang pumunta na lang ako kila Red mamayang gabi. Well, papayag na lang ako na sa kanila matulog. Ayokong malungkot sa christmas.
"Sure," Sabi ko. He smiled; as usual.
"Gift ko, ah?" Sabi niya sakin.
"Wala akong pera," I said coldly. He chuckled.
"C'mon, Corin. You're a rich girl." Sabi niya at ngumiti. Tss, Corin pa rin ang tinatawag niya sakin. Dun daw kasi siya nasanay.
"Mayaman ka rin naman. Ano pang kailangan mo?" Sabi ko sa kaniya at ininom ang coffee. Hoo, ang sarap.
"Edi mag-effort ka," Sabi niya at sumandal sa bar ng kitchen. I frowned.
"That's not my thing," Sabi ko. Tumawa naman siya.
"So, 'di mo ako bibigyan?" Tanong niya at umaktong malungkot.
"I'll think of it," Sabi ko. Well, sa kaniya lang ako nakikipag-usap ng maayos dahil, ewan ba. Kumportable siyang kasama eh. He smiled. "May regalo ka na ba sakin?" Tanong ko sa kaniya. Umakto siyang nag-iisip.