Chapter 13: Leader
(Caia's POV)
Lumapit ako sa may gem. May nararamdaman kasi akong kakaiba. It's also attracting kaya gusto ko makita sa malapitan. Nagulat ako ng bigla itong lumutang. May nagawa ba ako?? Tumigil ito sa harapan ko na ikinagulat ko, ng classmates ko, pati si Sir. Hahawakan ko na sana ito kaso..
"Job well done?" Napalingon kaming lahat sa may pintuan. Isang matandang babae. But she's still beautiful.. why do I feel something bad? May kasama siyang mga tao na naka-kulay itim. "No."
"Take that sweetie. Don't hurt her or else you'll die!" Nagulat ako ng bigla niya akong tinuro. Natatakot ako..
"Stop this, Irina!" Sigaw ni Sir at hinarangan ako. "Don't touch her!" Sigaw ni Sir at biglang hinawi 'yung mga nakakulay itim. Pero nagulat ako ng may kulay blue na ilaw dun, blade. Tumalsik ang mga dugo nito at natumba.
"Why would I? That's the gem that I've been looking for! Mapapasaakin na rin ang lahat!" Sigaw niya at humalakhak. She's crazy.. "fire!" Sigaw niya. Bigla namang nagpaulan ng mga bala ang kalaban. Pero dahil sa ability ng classmate namin, may nabuong box sa paligid namin at nawala rin ito agad. It's a shield.
"Ellaine..." rinig kong bulong ng kaklase namin at umiyak. What's that for?
"I don't think na kaya niyo silang kalabanin," sabi nung babae at tumawa.
"Lumaban kayo!" Sigaw ni Sir.
"Pero.." may umangal na kaklase namin kaso biglang sumigaw si Sir.
"Katawan lang nila 'yan! Pero hindi sila 'yung mga kaibigan niyo!!" Dahil sa sigaw ni Sir, lumaban ang mga classmate namin kahit na hindi nila kaya. Samantalang ako, natulala na lang. Ayaw gumana ng kapangyarihan ko. Ano ng gagawin ko?? Merong nakalapit na nakakulay itim sakin hahawakan na sana ako nito kaso bigla itong tumigil. Nagulat ako ng pinugutan ito ng ulo ni Cyprian gamit ang sword niya.
"Stay at my back!" Sabi ni Cyprian sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Caia!" Napatingin ako sa classmate ko. May hinagis siyang gun at nasalo ko naman 'to. Binaril ko 'yung nasa harap kong alagad nung babae pero nagulat ako ng arrow ang lumabas dito. Pero hinayaan ko na lang at binaril ang mga kalaban.
Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. "Hey there sweetie, wanna come with us?" Sinilip ko kung sino ang nasa likod ko at nakita ko 'yung babaeng tinawag na 'Irina' ni Sir.
"Dang!" Rinig kong sigaw ni Cyprian.
"Don't touch her!" Nakita ko Sir na papalapit saamin at naglabanan naman silang dalawa. Ano 'bang kailangan niya sakin? Biglang may humila sa kamay ko kaya napabalik ako sa realidad.
"You must be alert sa mga ganitong oras-- Ouch!" Sabi ni Drexel. Agad kong binaril 'yung kalaban dahil nasugatan nto si Drexel.
'Are you okay?' Tanong ko sa kaniya gamit ang social mind. Nakita kong nagsmirk siya habang kinakalaban anng mga kalaban.
'Of course,' sabi niya. Nagpatulog lang kami sa paglaban. Nasugatan narin ang braso't binti ko. Bigla akong nakaramdam na may pumulupot sa leeg ko. Napatingin ako sa likod ko, wala namang humahawak sakin pero nasasakal ako. Nakita ko ang isang babae na nakasmirk sakin. Anong gagawin ko?? Binaril ko 'yung babae at nakaramdam naman ako ng pagluwag ng pagsakal sakin. S-siya ba yun?
"I told you not to hurt her!" Sabi nung Irina at tinaas 'yung kamay niya. May lumabas na kuryente dito at agad namang natumba ang babae. Bakit? Hindi ba dapat sinasaktan rin niya ako ngayon?
"Are you okay? Oh my gosh, may galos ka na!" Sabi nito sakin at lumapit. Umastras naman ako.
"Don't get near me," sabi ko at tinaas ang baril ko. Nagulat naman ako nang tila nasaktaan ito.