Chapter 5: Kidnapped
(Caia's POV)
Bakit ang aga-aga ang daming chismis na kumakalat?
"Ano kayang pinag-uusapan nila?" Tanong ni Corin.
"Tigilan mo nga, ang chismosa mo." Saway ni Darcy.
"Hmf! Bahala ka nga." Sabi ni Corin at nagpout. We headed to our first class at naabutan ang classmates at teacher namin na naghihintay. Well, we're special.
"Okay class, have you heard about the news? I bet marami ng may alam." Sabi ni ma'am Ericka. She really looks familiar to me. Siya ang teacher namin for medicine ang she's really pretty and sexy.
"Yes ma'am," sabay sabay na sabi ng kaklase namin. I think yun yun kanina?
"Ma'am hindi ko pa po alam!" Sabi ni Corin at sumimangot.
"I'll say it anyway. So, it's about a student na nawawala." Sabi ni ma'am. Nawawala?!
"Aish, hindi parin ba sila titigil?" Sabi ni Zed. Hindi titigil? Who?
"Well, mukhang hindi. You should always be alert. Especially girls." Sabi ni ma'am. I really didn't get it.
"Eh pano na 'yan ma'am?" Tanong ng isa naming kaklase.
"Nagstart naman na na iressolve ito. Syempre, ang mga jug-eom ay hindi titigil sa pagkuha ng mga estudyante rito," sabi ni ma'am. Jug-eom?!! You mean sa Eonduu High?!
"Bakit po sila nangunguha ng students?" Tanong ko. I'm so curious.
"Hindi nila pinapaalam." Napalingon naman ako kay Drexel. Panong hindi?
"Tama si Drexel, ang mga imformation na ganoon ay private at tanging faculty lang ng school ang nakaaalam." Sabi ni ma'am. I'm starting to predict things. Why? For what? Paano kami malilinawan kung hindi nila sasabihin samin? Napabalik naman ang attention ko kay ma'am nang nagsalita siya muli.
"But, don't overthink about it. Let's move on at magfocus sa klase natin." Sabi ni ma'am. At nagturo na siya ng ways ng paggamot ng mga iba't-ibang sugat. Kakaiba siya kaysa sa normal na panggamot ng mga doctor. Hindi ko alam pero may iba silang pills dito. The others are leaves. It's so weird nga eh. Paggamot sa sugat mo, bigla na lang itong maglalaho na parang hindi ka nagkaroon ng sugat. Ma'am ericka showed it to us. Kinalmot niya ang kamay niya at ginamot ito. Wicked. Pero bigla na lang ito naglaho ni walang scars na natira.
Matapos namin na magtry ng iba't ibang gamot, nagbreak muna kami. Next subject namin ay ang magtraining na naman.
"Haay, sakit sa ulo ng paggagamot." Sabi ni Corin at naupo. Andito kami sa cafeteria since break naman namin.
"Wala ka namang naintindihan, bakit sasakit ang ulo mo?" Haay, wala na talagang pag-asa 'tong dalawang 'to.
"Tigilan mo nga ako Zed. Bago pa kita putulan ng dila." Sabi ni Corin.
"Sadista," I said.
"Oo, huhu ipagtanggol mo ako sa mangkukulam na 'yan Caia!" Sabi ni Zed. Para talagang bata.
"Manahimik na nga lang kayong dalawa." Saway ni Darcy. Lord, ilang saway ba ang kailangan namin sa isang araw? Ang kulit kasi nitong dalawa eh.
"I like your hair," bigla naman akong napalingon kay Zed. Eh?
"Edi pahaba ka rin ng buhok," sabi ni Drexel. Tumawa naman kami.
"Hindi kasi yun. Ang ganda kasi kulay blue." Sabi ni Zed. Napatingin naman ako sa buhok ko. Yeah, blue nga siya. Nakapagtataka kung paano ako nagkaroon ng ganitong buhok. Did I dyed it before?