Chapter 31: Fading Memories

72 2 0
                                    

Chapter 31: Fading Memories

(Caia's POV)

Nagising ako nang may nagvibrate sa bulsa ko. Pikit-mata ko itong kinuha at unti-onting minulat ang mata para tignan ang phone ko.

Goodmorning, Corin! Magkita-kita daw tayo sa Clarkson's mall mamayang 11 am. - Red

Napabangon ako nang mabasa ito. Anong oras na ba? Nakita ko sa wall clock ko na 9 am pa lang. Tumayo ako at nagtungo sa comfort room para maghilamos. Pagkatapos ko ay nagluto muna ako ng makakain. Ngunit bago pa ako makarating sa kitchen ay nakarinig na ako ng ingay sa kusina. Agad akon tumakbo papunta doon at agad na lumuwag ang pakiramdam nan makita si ma'am Ericka na nagluluto.

"Kinabahan ako sayo!" Sabi ko at hinawakan ang dibdib ko.

"Tss, hindi ka manlang naglalock ng pinto mo! Paano kung may pumasok dito?!" Sigaw niya sakin. Napakamot naman ako sa ulo ko. Siguro ay dahil sa nakatulog ako kagabi sa sobrang pag-iisip. "At ano 'yang itsura mo?" Tanong niya sakin.

"Maigi na nga at nagganito ako," Sabi ko at kumuha ng tubig sa ref. Tinanggal ko 'yung wig ko at pinatong sa table. Ang kati kasi sa ulo. Naiirita ako. Lumaylay ang asul at mahabang buhok ko sa may baywang.

"Bakit?" Tanong niya sakin habang nagluluto.

"Hindi ko naman alam na ang dami ko palang iniwan dito," Sabi ko.

"Teka nga, bakit ka pa naka-uniform? Oh by the way, nice name plate," Sabi niya. Oh, right. May name plate pala na inilalagay sa uniform namin.

"Nakatulog ako kagabi." Sabi ko at nagshrug. Tinignan niya ako ng parang 'what the hell' at hinarap ako.

"Pwede 'bang sabihin mo sakin mula sa simula? Naguguluhan ako eh," Sabi niya.

"Alin? 'Yung nakatulog ako o 'yung sa school?" Tanong ko. She rolled my eyes on me.

"The latter," Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Hmm, first, iniwanan ko 'yung bestfriend ko ng walang paalam. Next, may boyfriend pala ako dati--" Bago pa niya ako patapusin ay bigla siyang naggasp at nagsalita.

"What?! Lagot ka sa nanay mo!" I just gave her my blank face. Hello? As if na kilala ko ang nanay ko.

"Yeah, and the fact na siya pa ang nagmamay-ari ng 24 Cafe Latté." I said. She snickered.

"Talaga? Baka nga meant to be kayo?" Sabi niya at tumawa. But it affect me.

"Wait, bakit ko nga ginagawa ang lahat ng ito?" Nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng tinanong ko ito.

"Nag-uumpisa na ito," Mahinang sabi niya. "Caia, lutuin mo ito. May gagawin lang ako saglit." Sabi niya at nagmamadaling umalis. I frowned at itinuloy ang pagsasangag. Inilagay ko ito sa plato matapos kong lutuin. Nakita ko sa dining area na nandoon na ang mga ulam. Wow, masarap ang breakfast ko ngayon. Pumunta akong sala para icheck si ma'am Ericka. Buti na lang at nandoon siya. Ayokong mag hide and seek dito sa bahay. Masyadong malaki.

"Ma'am Ericka, kain na tayo." Pagtawag ko sa kaniya. Seryosong-seryoso siya habang nagsusulat ng kung ano.

"Teka, sandali." Sabi niya at dahan-dahang tumayo. Pumunta na ako sa dining area at hinintay si ma'am Ericka na dahan-dahang naglalakad habang nagsusulat.

"Para saan ba 'yan?" Tanong ko sa kaniya habang naglalagay ng fried rice sa plato ko.

"Para sayo," Sabi niya habang chinecheck 'yung mga sinulat niya. Agad namang napakunot ang noo ko. Hinarap niya ako at inabot ang papel sakin. "Lagi mo 'tong babasahin, okay?" Sabi niya. Kinuha ko naman ang papel at binasa ito.

Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon