Chapter 30

404 9 2
                                    

Kinusot-kusot ni Lucy ang nanlalabong mga mata. Kumunot ang noo niya habang binabalikan ang nangyari kahapon. Sinuklay niya ang may kahabaan na buhok bago tumayo para makumpirma ang hinala niya. Sa mga pamilyar na gamit at disenyo ng kuwarto ay sigurado siya na sa loob siya ng unit ni Jakob

Hangga’t maaari ay ayaw na niyang ma-involve kay Jakob. Tapos na siya sa binata. Hindi na niya hahayaan na muling mahulog sa mga laro ng binata tapos sa huli ay siya rin ang matatalo at maiiwang luhaan.

Napangiti siya nang mahagip ng mga mata ang mga gamit niya. Nandoon na rin naman siya lulubos-lubusin na niya. Walang tunog na pumasok siya sa banyo para gawin ang morning routine bago muling sinuot ang backpack at binitbit ang maleta niya. Ayaw niyang magtagal sa lugar na iyon dahil nanunuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng binata na lalo lang nagpapairita sa sistema niya.

Hindi na siya nagulat nang mabungaran ang seryosong mukha ni Jakob paglabas niya sa kuwarto nito na tila hinihintay talaga ang paglabas niya.

“And where the hell are you going?” Sa tono nito ay para bang may gagawin siyang kasalanan sa binata.

Inismiran lang niya ito saka dumaan sa gilid nito. “Aalis.” Pinalamig niya ang boses niya para malamn nito na hindi siya natutuwa na manatili sa pagmamay-ari nito.

Bubuksan na sana niya ang pintuan nang higitin nito ang hila-hila niyang maleta. “At saan ka naman pupunta if you leave here?”

Sinalubong niya ang mga mata nito na napakalamig.

“Sa friend ko.”

Hindi nito binitawan ang maleta niya kaya naman para silang mga bata na nagtu-tug of war sa maleta.

“Bitawan mo nga! Ano ba?!” hindi mapigilan na sigaw niya sa binata na kung hindi siya namamalikmata ay tumaas pa ang gilid ng mga labi. Mukhang tuwang-tuwa pa ang depungal!

“Hindi ka ba bibitaw!?”

“Nope.” Jakob smiled at him. “Come on. Wala kang kakilala na mahahagilap ngayon. Even your friends. I know that they’re out of town. It’s already dark outside. Huwag mong sabihin na susuungin mo ang delikado’t madilim na lansangan ngayon para lang maghanap ng matutulugan mo?”

“Wala ka ng pake do’n. Saka…bakit kakilala mo ba lahat ng friendship ko? FYI, attorney marami akong friends kaya tsupe!” Napipikon na tinabig niya ang kamay nito.

Pero hindi nagpatinag ang lalaki imbis ay nginitian pa siya nito. Kung dati ay napapatulala siya sa ngiti nito ngayon ay halos hambalusin niya nag mukha nito sa inis. Nakakainis lang dahil kahit ata anong reaksiyon nito ay ang gwapo pa rin nito sa paningin niya. Gusto man niyang isipin na ang pangit nito para naman tuluyan na siyang ma-turn off sa lalaki pero hindi eh. Hindi effective dahil wala ‘atang kapangitang taglay ang itsura nito sa paningin niya.

Nakarinig sila ng doorbell pero hindi pa rin nito binitawan ang maleta niya kaya sa inis niya ay padabog na binitawan niya ang maleta saka matalim na tiningnan ang binata na fresh na fresh at mukhang modelong sa harapan niya at may ngiting tagumpay.

“Kung ayaw mo. Edi wag. Kainin mo yang maleta ko. Hmp!” sigaw niya sa mukha nito bago binuksan ang pintuan pero natigilan siya ng mabungaran si Nay Lory at lalaki na may bitbit na mga supot ng grocery.

“Lucy? Naku, gising ka na pala, ija. Kumain ka na ba? Hala, halika at ipag-iinit kita ng ulam. Naku…na-miss kitang bata ka.” Binitawan ng matanda ang mga labit at inabot sa lalaki na dumiretso na sa kusina.

Mahigpit siyang niyakap nito saka muling kinamusta.

“Huh? Opo, nay. Okay lang ako hehehe Eh, busog pa po ako.”

When A 'Certified' Single Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon