Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa bumalagta si Jakob na ngayon ay nagmamaneho. Jakob tricked Lucy para maisama sa debut ng pinsan nito. Kinasabwat pa nito ang tiyuhin niya para mapalabas na kakain lang sila sa labas. Kaya pala todo asiste ang tiyuhin niya sa isusuot at ayos niya.
“Stop killing me on your mind. Come on. Kung sinabi ko sayo hindi ka sasama.”
Gusto sana niyang sabunutan ito kaso sayang naman masisira niya ang kagwapuhan nito ngayon. Pomadang-pomada pa naman ang tuxedong suot nito maging ang buhok nito ay bagay na bagay sa itsura ng binata.
Samantalang siya, hindi siya mapakali sa suot na bestida. Naco-concious siya lalo na’t makikita siya roon ng mga kamag-anakan ng binata. Mamaya matulad siya sa mga pelikula na inaapi sa mga ganoong okasyon.
JUSKOPOO inday!
“Stop overthinking. They’ll like you.”
“Uwi na lang ako. Iba nalang ang isama mo, Jakob. Nahihiya ako.” Sinulyapan lang siya nito.
“Walang uuwi.”
Sa sobrang kaba napahawak siya sa palawit ng kwintas na binili nito na para bang doon kumukuha ng lakas ng loob. Saka siya humarap sa binata na mataman na nagmamaneho.
“Ayos lang ba suot ko? ‘Yong itsura ko? Hindi ba mukhang assistant mo ako?” Pinasadahan ng binata ang ayos niya saka ngumiti’t umiling.
“Nah. Your gorgeous.” Pinigilan niyang kagatin ang labi para pigilan ang kilig sa sinabi nito.
Lumabi siya na s’yang ikinatawa ng binata. “Stop laughing. Nga pala. Wala akong regalo.”
“We have. Nasa backseat.”
“Eh, regalo mo ‘yon. Wala ako.” she frustratedly said.
“It’s us. Stop frowning.” Inabot pa ng isang kamay nito ang noo niyang nakakunot habang na sa daan parin ang atensyon. Agad niyang inalis iyon.
“’Yong make up ko. Mabubura.” ungot niya na muling ikinangiti nito.
Muling bumalik ang pagka-conscious niya nang pumasok sila sa malawak na bulwagan ng hotel. Ang yaman naman pala talaga ng pamilya nito. Marami rin ang tao sa loob na pulos mga kilala sa lipunan. Awra pa lang ng mga ito mararamdaman mo na hindi lang basta-basta ang mga ito.
“Ang bongga naman dito. Nag-rent pa talaga ng hotel.” bulong niya sa binata na naka-alalay sa beywang niya.
Inilapit nito ang mukha sa tainga niya saka bumulong rin sa kanya. “It’s their hotel.”
“What?!” Mas malala pa pala sa iniisip niyang yaman ng mga ito.
“Eh, kung umuwi na lang kaya ako?” Hinarap siya ng binata saka nakataas ang kilay na tumingin sa kanya.
“Ah-eh, sabi ko nga pasok na tayo.” Higit niya sa binata na seryosong nakatingin lang sa kanya.
Halos mapuno na ng mga bisita ang lugar. Marami rin siyang nakitang mga pamilyar na tao—businessman, model, influencer, politician at mga tao na siguro ay sa billboard lang niya nakikita. Marami rin ang bumabati sa kasama niyang mukhang sanay na sanay na sa mga ganitong okasyon.
“Kuya Jakob! Here you are.” Sinalubong sila ng dalaga na kapansin-pansin ang suot na pink gown. Daig pa nito ang isang prinsesa sa suot nitong kumikinang na korona. Walang duda na ito na ang Blaire na siyang may kaarawan ngayon.
Iba rin ang lahi ng mga Ledesma, walang tapon sa mga kagandahan at kagwapuhan.
“Blaire, happy birthday!”
![](https://img.wattpad.com/cover/229992860-288-k41502.jpg)
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romance"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...