Napa-ikot ang mga mata ni Lucy nang marinig ang tilian ng mga pinsan niya sa loob ng bahay. May dalawang araw na rin ang lumipas nang biglaan siyang napauwi sa bahay ng mga magulang sa probinsya. Nahospital kasi ang kanilang inay matapos tumaas ang presyon nang umamin ang kapatid niya na na buntis ng anak ng mayor sa kanilang bayan.
Nagkagulo sa bahay nila dahil hindi alam ng mga magulang na may kasintahan pala ang anak. At ang lukarit niyang pinsan na si Selma ay over-acting na tumawag sa kanya tungkol sa kalagayan ng inay niya. Nakapagpaalam tuloy siya sa trabaho at napauwi nang biglaan, mabuti na lamang at nailabas na rin ang ina kahapon. '
Pasalamat nga niya dahil nadala sa pagmamakaawa at pagdradrama si Manager Shen at Boss Spencer para payagan lang siyang mag-leave ng isang linggo. Kung hindi pa niya idinaan sa paluha-luha epek ay hindi rin siya papayagan ng dalawa dahil mag-iisang buwan pa lamang siya.
“Ayan! Lucy!!!! Daliiii!!! Ayan ‘yong abogado na sinasabi ko sa inyo na makalaglag panty ang kagwapuhan! Dali tingnan nyo.”
Kanina pa ngirit nang ngirit si Selma habang nanunuod ng balita sa tv. At ang gaga hindi naman pala balita ang inaatupag kung hindi ang abogado na kanina pa nito bukang bibig. Trending daw kasi ang abogado dahil sa mga short video nitong nag-trending. Kumalat ang mala-model na litrato raw ng binatang abogado na pinagkakaguluhan sa social media.
“Ate Lucy…taraaa! Tingan mo lang para maniwala ka na sa amin.” Hinigit siya ni Alex sa kanilang sala.
“Sino ba sa mga iyan ‘yong pinagkakaguluhan ninyo, aber?” tanong niya sa tatlong pinsan na kinikilig habang mataman nakikinig kay Jakob na nagbibigay ng statement sa ilang reporter tungkol sa ipinanalong kaso.
“Ayon oh!”
Sinundan niya ang tinuturo ng mga ito. Napakunot ang noo niya nang makita si Attorney Ray na katabi ni Jakob.
“Ahh, si Attorney Raymond Montecarlo ba? In fairness ha, magaling kayo pumili.” Malawak na ngiti niya sa mga nakababatang pinsan na agad umiling-iling.
“Yap. Gwapo nga rin si Attorney Montecarlo kaso balita ko ay ikakasal na raw iyan. Pero hindi siya ang sinasabi ate, kung hindi iyong nagsasalita.”
“Kaya nga. Si Attorney Jakob Israel Ladesma hehehhee”
Muntikan na niyang maibuga ang iniinom na juice sa sinabi ng mga pinsan.
“Ang gwapo niya noh?”
“Anong gwapo diyan sa depungal na iyan? Hindi nyo ba nakikita mas gwapo kaya si Attorney Ray diyan.” Lintiya niya saka mapait na ngumiti sa mga pinsan na agad pinagtanggol ang abogado.
“Hindi ka lang talaga marunong mag-appreciate ng mga hot at gwapong lalaki.”
“Kaya nga ate, kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh.”
“Laman kaya si Attorney Ladesma ng newsfeed ko. Ang gwapo! Grabe he he he”
Nilapitan niya ang tatlo na nakaupo sa sofa at isa-isang pinagkukurot.
“At talagang pinagtanggol nyo pa? Hala, umuwi na kayo tumulong kay Tiya Chet kaysa pagpantasyahan nyo yang pangit na abogado na iyan. Saka pagabi na rin.” Taboy niya sa tatlo na kanya-kanyang reklamo.
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romance"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...