Before Jonel could think it through, he cupped Leila's face and kissed her. Her lips had the same taste just like their first kiss. It's still a sweet temptation making him crave for more. He wanted to devour her lips and mouth wholly but—
"That's great, guys," the photographer said with a laugh in his voice.
Jonel released her and took an abrupt step backward...
Lucy swiftly scanned the romance novel she was flipping on her hand. It was written by her favorite romance author. At hindi niya palalampasin ang pagkakataong mabasa ang nobelang isinulat ni 'Renata' kahit kanina pa siya sinusulyapan ng bantay ng convenience store.
She unconsciously touched her lips. She was curious if she would feel the same. Ano bang feeling na mahalikan sa labi? She never been kissed. Bata pa lamang siya kinukwento na ng lola nila kung gaano ka-magical ang unang halik that's why she believed that her first kiss must be held in reserved for his 'right man'.
Kaso mukhang tatandang single siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng nobyo kahit isa man lang. She's already 28 years old, palipas na sa kalendaryo kaya hindi normal na single pa rin siya hanggang ngayon. Kung bakit ba naman kasi ang judgmental niya sa mga dumaang manliligaw. Hindi naman siya mukhang artistahin para mag-inarte. Pero kahit ordinary ang beauty at maliit lamang siya ay may sinabi naman siya pagdating sa GMRC and personality.
"Ate." Naputol ang pagda-daydream niya nang may kumulbit sa kanyang balikat. Napangiwi siya nang makita ang bantay ng store na nakataas ang isang kilay habang sinisipat ang hawak niyang libro.
"Bakit?"
"Bibilhin mo ba iyan? O hindi? Nagugusot na kasi sa halos araw-araw mong pagbabasa niyan. Hindi mo naman binibili."
Mabilis na binalik niya ang maharlikang librong nasa 370 PHP ang presyo saka nakangiwing ngumiti sa tindera.
"Uhmm, hindi po. Pero don't worry, tita bibili naman ako ng—" Inikot niya ang paningin sa mga stall ng grocery. Nang mahagip ng paningin ang whisper with wings ay kaagad niyang inabot iyon.
"...Nito."
Inirapan siya ng babae bago kinuha ang napkin papunta sa counter. Naglakad siya pasunod sa counter at kaagad binayaran ang napkin. Hindi na niya inintindi pa ang katarayan ng cashier na hindi naman kagandahan. Ilang araw na siya nagpapabalik-balik sa convenience store na iyon nang walang binibili. Pasimpleng binubuklat at binabasa lamang niya ang mga naka-display na libro roon. Wala pa kasi siyang extra money para sa mga kinalolokohang libro dahil wala pang isang linggo siya sa bagong trabaho.
Matapos na maging tambay ng ilang taon sa kanilang bahay sa probinsya ay nagpasya na siyang lumuwas sa siyudad kasama ng kanya Tita Berto na kabilang sa mga dumaraming LGBTQ+. Hindi na kasi niya kaya ang pressure sa pamilya niyang halos lahat ay guro, idagdag pa ang katotohanang mas nauna pang makapagtrabaho sa kanya ang bunsong kapatid na isa na ring guro.
Siya nga lang daw ang naligaw ng landas sa pamilya nila ayon sa mga chismosa nilang kapit-bahay kaya bago niya mahigit ang dila ng mga ito ay sumama na siya sa Tita Berta niya. Hindi naman talaga siya naligaw ng landas dahil nakapagtapos naman siya ng Office Administration, ang kaso tinamad siya after ng graduation kaya nagpahinga muna siya sa kanila nang mahigit ...sabihin na lang nating ilang taon. Medyo napatagal lang ng very light ang pahinga niya.
"Salamat po," aniya sa tinderang inirapan lamang siya.
Bago siya tuluyang lumabas ay sumulyap pa siya sa mga librong naka-display. Napabuntong-hininga na lamang siya saka kinapa ang pitakang ilang libo na lamang ang laman. Buti na lamang kamo ay naihanap siya ng trabaho ng tita Berto niya sa isang publishing company. Ayaw na rin kasi niyang umasa sa pamilyang nasa probinsya dahil baka sermonan at pabalikin lang siya ng mga ito sa probinsya, e'di makikita na naman niya ang mga chismosang kapit-bahay at nagyayabangang mga ex-batchmate niya. E'di siya na naman ang kawawa? Ang napag-iwanan?
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romansa"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...