Hindi nagtagal umalis na si Lucy sa loob ng hotel. Pumasok siya sa katabing restaurant ng hotel saka nanghihinang umupo. Hinubad niya ang suot na heels dahil nanakit na ang sakong niya.
Padadalhan na lang niya siguro ng mensahe si Jakob na nagkaroon siya ng emergency. Maya-maya ay natigilan siya ng may umupo sa kaharap na upuan niya –si Nich na mukhang sinundan siya.
“Why are you here?” lakas loob na tanong niya sa lalaki na ngayon ay parang wala lang na umorder ng steak at alak.
“I’m just helping my cousin.” kibit-balikat na anito.
“Ano namang kinalaman ko sa pagtulong mo kay Jakob…sir?”
Saglit lang at dumating na rin ang inorder nitong pagkain para sa dalawang tao. Nagsisimula na itong kumain nang muling nagsalita. “You like him…No…you had fallen in love with him.”
Sa tono nito ay parang siguradong-sigurado ang lalaki sa sinabi nito kaya’t wala na sigurong silbi kung tatanggi pa siya sa nararamdaman para sa pinsan at kaibigan nito. Sa lahat ng kaibigan ni Jakob si Nich ang alam niyang lumaki kasama ang binata. Madalas nahihiwagaan siya sa mga kilos nito pero lahat naman ata ng kaibigan ni Jakob ay mahihiwagaan ka sa mga personalidad.
Tumahimik siya at walang imik na sinimulang kainin ang steak na ini-order nito para sa kanya.
“Jakob always thought that she’s in love with Tamara since childhood…”
Hindi siya nagpahalata na naapektuhan sa sinabi nito.
“At least, that’s what he believes in.” patuloy nito.
“Sinasabi mo ba na hindi naman talaga niya minahal si Ms. Tamara?”
Tumango ito saka uminom ng wine. “When his mother died it’s Tamara who always helping him out. From time to time, Tamara supported and consoled him…”
“A-huh?”
“Somehow, Jakob developed this idea that he loves Tamara because he felt at ease whenever Tamara is there to help him. She reminded him as his mother.”
Napa-titig siya sa kaharap na umiinom ng alak. “What? He didn’t really love Tamara. Maybe he liked Tamara. But that’s just because he values Tamara as same as his mother.”
“Ano ‘yon? Motherly love pala ang nararamdaman ni Jakob kay Ms. Tamara and not as romantic love? ‘Yon ba ang gusto mong sabihin?”
Ngumiti ang kausap saka sumandal sa upuan. “U-huh. Nakuha mo rin. Haven’t you notice how he changed when he met you?”
Umiling siya. As far as she can remember ganoon pa rin naman si Jakob—abnormal at mahirap tantiyahin ang ugali.
“He doesn’t mingle with other people. He would only talk with his friends, family, his assistant and Tamara. Alam mo ba kung ilang staff na ni Spencer ang nawalan ng trabaho dahil sa kanya?”
Tumango lang siya. Naalala niya na nawalan rin siya ng chance na makapagtrabaho sa kompanya ng mga ito dahil sa binata. “He’s good at handling his emotions, but with you? Nah…You seem triggering his calm side. Alam mo ba na wala sa amin na nakakapigil sa kanya tuwing mag-coconfess kay Tamara. But, you little girl, you were able to distract him that time. Remember on your birthday?”
Nagdududang tiningnan niya ito. “Stalker ka ba?”
“Nah. It was Ray who told us. Do you know that from that night ay hindi na niya tinigilan si Spencer kakatanong tungkol sa’yo? Na lasing na hinahamon niya pa si Ray dahil lang may numero kayo ng isa’t isa…And maybe that night he already figured out that he likes you.”
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romance"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...