Chapter 26

442 14 4
                                        

Makaraan ang dalawang buwan ay hindi rin natiis ni Lucy ang pagkabagot sa bahay nila. Palagi rin naman kasing umaalis ang mga magulang dahil nga parehong guro kaya halos buong araw ay ang pinsan na si Selma lang ang nakakasama niya. Si Claire naman ay sa nobyo na nito tumutuloy at madalang na magawi sa bahay nila.

Hindi niya sinabi sa mga magulang ang tunay na dahilan niya kung bakit siya biglang umuwi sa kanila. Hindi naman siya nito pinilit na magkwento, hinayaan siya ng mga ito at pinayuhan na magpahinga muna sa kanilang bahay.

At dahil wala siyang masyadong pinagkakaabalahan ay nabalot rin siya ng pagkainip hanggang sa nagpaalam rin siya sa mga magulang na muling babalik sa syudad. Hindi siya pinigilan ng mga ito pero pinasama nito ang pinsan na si Selma na nakaplano na rin ang pag-alis papunta sa syudad.

Wala naman sa kanyang problema iyon. Magkasama silang tumuloy sa bahay ng tiyuhin na masayang-masaya dahil madadagdagan na naman daw ang kanyang mga anghel na alagain. Kasama rin nila si Jacy na hindi na ata lumalaki bagaman tumataba.

Muli rin silang nagkita ng mga kaibigan at dating mga kasama sa trabaho. Si Goyo ay sa kompanya pa rin ng mga Ladesma nagtratrabaho. Si Pamona ay may bagong nobyo at si Erys naman ay kakapanganak lang sa panganay nito na si Hezekiah.

Nang mabalitaan na naghahanap sila ng trabaho ni Selma ay tinulungan sila ng mga ito maghanap kung saan may vacancy. Syenpre hindi kasama roon ang restaurant na dati niyang pinagtratrabahuhan. Hangga’t maaari kasi ay ayaw na muli niyang mag-cross ang mundo nila ng dating nobyo.

Huling balita niya sa dating nobyo ay ang kompirmadong pakikipag-date nito kay Ms. Tamara. Matapos mabasa ang blogpost about sa dalawa ay hindi na muli siya nagbukas pa ng mga social media account. Inabala lang niya ang sarili sa pakikipagkwentuhan kay Selma at mga kapit-bahay na sobrang daming baong kwento.

“Hello, Lucy? Good news. Naghahanap daw ng staff para sa clothing boutique iyong kapit-bahay namin ni Cal. Mabait iyon. Tamang-tama maglalalaunch siya ng panibagong boutique. Hihintayin daw kayo bukas sa main branch nila.”

“Talaga? Thank you talaga, Erys. Loveyah, sizzz. Darating kamo kami. Ano nga ulit iyong pangalan ng boutique?”

“Hidalgo clothing lines. Send ko ‘yong address. Just look for Ms. Trisha L. Hidalgo.”

Kinabukasan ay magkasama silang pumunta ni Selma sa opisina na sinasabi ng kaibigan na hindi naman nila akalain na well-established ang sinasabing clothing lines company ng kaibigan. 

JusskoPoRudy! Hindi niya ini-expect na nasa top trending list ang boutique na pag-aapplyan nila.

“Ang laki pala ng boutique na sinasabi ni Ate Erys. Hindi naman ako na-inform na mukhang well-established company na ang boutique ni Ma’am Trisha.”

“Hindi lang ikaw ang hindi na-inform ng babae na iyon. Ako rin. Ready ka na ba sa interview?”

Tumango ang kaibigan saka excited na hinigit na siya papasok sa elevator. Na sa fifth floor ang opisina ni Ms. Trisha, ang mismong babae raw ang nagi-interview sa mga nag-aapply rito para makasigurado na maayos ang makukuha nilang mga staff. Nakakabilib nga dahil hindi lang nito basta-basta ina-asa sa HR department ang pag-iinterview.

“Kinakabahan akes. Pero kere lang naman, couz. Saka—”

Pasara na ang pintuan ng elevator ng may kamay na pumigil doon para muling bumukas. Dahan-dahan na iniangat niya ang mga mata sa mukha ng lalaking pumigil sa pintuan at tila natuod siya sa kinatatayuan nang makilala ang lalaking mukhang natigilan din nang makita siya.

Bumagal ang takbo ng oras. Hindi siya makagalaw at tila nabingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Ilang linggo na nga ba? Hindi. Ilang buwan na nga ba nang huli niyang masilayan ang mukhang halos gabi-gabi ay siyang dumadalaw sa panaginip niya? Natulala siya sa mukha nito. I-lang linggo na nga ba… ilang…

When A 'Certified' Single Falls In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon