I just want to say "Hi! And thank you" to kieljsh Treasyochi 😊
Nakatulala si Lucy habang nakahiga sa malambot na kama ni Jakob. It's the second day wala pa rin siyang lakas ng loob para tawagan ang binata o kausapin man lang ito. Sinasadya niyang hindi sagutin ang mga tawag nito. She doesn't know what to say or how will she ever say it.
Kahapon ay naka-usap niya si Nay Lory at maging ito ay kinumpirma na hindi talaga gusto ni Jakob na makipaghiwalay sa kanya ng mga panahon na iyon. Maging ang pagkaka-aksidente nito ay alam din ni Nay Lory kaya hindi kaagad nakauwi ang binata sa Pilipinas.
"Saksi ako kung gaano nasaktan ang batang iyon, Ija nang nawala ka sa kanya. Halos lunurin nga ang sarili niyon sa alak at trabaho. Noong una ay hindi ko rin maintindihan kung bakit ginawa iyon niya pero saka lang ako nalinawan ng magkwento si Tamara sa akin nang muling bumalik rito si Jakob." kwento ng matanda kagabi nang magtanong siya rito.
Tahimik na tinitigan niya habang hinahaplos ang singsing sa kanyang kamay. Naalala niya muntik na niya iyon itapon nang makipaghiwalay sa kanya ang binata pero somehow hindi niya magawang itapon. Bukod sa napaka-sentimental niyon ay naghihinayang rin siya na itapon ang ganoong kaganda at kahalagang bagay.
Pinagsawa niya ang sarili sa pagtitig doon habang nag-iisip ng malalim. Ni hindi niya alam ang hirap at sakit na pinagdaanan ni Jakob. Hindi niya alam na pinoprotektahan lamang pala siya nito. Napangiti siya nang mapait.
Aminin man niya sa hindi alam niya sa sarili na mahal niya ang lalaki. Hindi naman nawala sa puso niya ito. Natabunan lang siguro pero hindi na niya iyon maari pang burahin doon. Pero ngayon? hindi niya alam kung deserve niya pa ba ang pagmamahal ng binata? Nagdududa siya kung karapat-dapat ba siya para dito. Lalo pa't wala man lang siyang maitulong para rito.
Na sa pagkakatulala siya nang biglang kumalabog ang pintuan ng kuwarto. Humahangos na pumasok si Ms. Tamara holding her cellphone. Tamara looked worried and about to cry. Nagtataka na napatayo siya saka sinalubong ang babae.
Ginanap niya ang kamay nito saka nagtatanong na tiningnan ang dalaga na hmihingal pa.
"S-Si Jakob..."
"Yeah? What happened? Is he alright?"
Lumabi muna ito bago huminga ng malalim saka nagsalita. "He got shot."
Kumurap-kurap siya. "He got what?"
"He got shot, Lucy."
Muli siyang napakurap-kurap. Ilang sandali siyang natuod sa kinatatayuan habang dina-digest ang sinabi ng kaharap. "Pardon?" naniniguradong tanong niya muli. Parang bumagal ang takbo ng utak niya. Ni wala siyang maintindihan sa narinig.
HInawakan ni Ms. Tmara ang magkabilang balikat niya saka siya tinitigan sa mga mata. "He got shot. It was a hired killer, tauhan ni Tan."
Wala sa loob na napakagat siya sa kuko saka hindi mapakaling nagpabalik-balik sa puwesto. "H-How... how is he?"
She was damn worried kung ano-ano ng senaryo ang na sa isip niya ngayon and mostly ay hindi magaganda ang mga iyon. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa ngayon pa na nasagot na ang mga katanungan sa isipan niya.
Maiiwan na naman ba siya muli?
"He was rush at the hospital. Ino-operahan na ngayon siya. We have to wait for a couple of hours to get an update."
Napalunok siya saka kinagat ang ibabang labi trying to surpress her tears. "Malala ba? H-Hindi n-naman siguro siya m-mawawla hindi ba? H-Hin—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang mahigpit na yakapin siya ni Ms. Tamara. "It's okay, Lucy. Jakob is one of the hell strong man. He will fight for you." Paninigurado nito habang hinihimas ang likod niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/229992860-288-k41502.jpg)
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romance"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...