PDS. Check.
Requirements. Check.
Memorized lines for an interview. Check.
Clothes. Check.
Posture. Check.
Naka-ilang ulit na si Lucy kaka-check if may nakalimutan pa siya. Huminto siya saglit sa bukana ng company lobby para kalkalin ang loob ng bag at envelope na dala. She was afraid that she forgot something.
Sa sobrang abala niya sa pagtingin sa loob ng bag, hindi niya namalayang nakagitna pala siya sa daanan. She stopped from what she was doing when someone bumped into her. Mabuti na lamang at maagap niyang nahawakan ang mga dala.
Matalim na tiningnan niya ang nakabangga sa kanya. Napa-ingos siya nang hindi man lang ito tumigil o tumingin pabalik. Nag-iinit ang ulong tiningnan niya ang naka-leather jacket at black jeans na lalaki.
'Malasin ka sana!' she silently cursed.
Sinusumpa pa rin niya ang lalaki nang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag na si Goyo. Dati niyang katrabaho ito after mag-resign ay sinuwerte ito sa isang malaking clothing company na pagmamay-ari ng mga Ladesma. At dahil minalas at natanggal siya sa trabaho noong nakaraang buwan, pinayuhan siya nitong subukang mag-apply sa kompanya ng mga Ladesma.
"'Te, ano? Nasaan ka na? Parating na raw ang mga boss. Dumiretso ka na lang sa 8th floor ha. Hintayin kita rito. Bilisan mo at ayaw ng mga boss ng late comer."
"Sige sige. Paakyat na ako."
Hindi na siya nag-aksiya ng oras at dali-dali siyang naglakad papunta elevator. Pasara na ang pintuan ng elevator nang maagap na napigilan niya ito. Mabuti na lamang at nakaabot sya. Muli niyang cheneck ang mga dala saka inayos ang suot na bestidang pinahiram pa sa kanya ni Pamona. Abala siya sa pag-aayos nang may tumikhim sa tabi niya.
Napakunot ang noo niya nang mapansin ang lalaking s'yang nakabangga sa kanya kanina. Seryoso itong nakatingin sa kanya.
'Ano'ng problema nito'? At dahil parang nakai-insulto ang tingin nito ay tinitigan din niya ang mga mata nitong unti-unting nagiging pamilyar sa kanya.
"Staring is rude," tinatamad na suway nito.
Sa'n nga ba niya ito nakita? Pilit niyang inalala kung saan nga ba niya ito nakita. Mayamaya ay halos lumuwa ang mga mata niya nang maalala ang lalaking nagnakaw ng unang halik niya.
"Ikaw!"
Pero mukhang hindi na siya maalala nito dahil kumunot lang ang noo nito sa kanya. At ang depungal nagawa pang ngumisi sa kanya bago maangas na nagsalita.
"What? Can't get enough of my face?"
How dare him! Napakayabang!
"Tsk! Yabang."
Sana hindi n'ya na lang nakita ang pagmumukha ng binata. Pero mukhang hindi naman siya nito naaalala kaya keber na. 'Past is past' ika nga nila.
Iniiwas na lamang niya ang tingin dito saka inabala ang sarili sa pagme-memorize ng mga linyang maaaring itanong sa interview.
"...efficient and looking...f-forward...," bulong niya sa tabi habang sinasaulo ang ilang linya
"Stop memorizing your answer. You'll never pass the interview that way." Tiningnan niya ito nang masama.
"Anong pake mo?" ingos niya. Hindi na muli ito nagsalita not until biglang tumigil ang elevator na siyang ikinatili niya. Napakapit siya nang mahigpit sa dingding ng elevator. Kulang na lamang ay yakapin niya iyon.
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Storie d'amore"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...