Patakbong bumaba si Lucy sa hagdanan. Pagkagising na pagkagising niya ay humahangos na hinanap kaagad niya si Jakob. Iniikot niya ang paningin sa loob ng sala saka patakbong pumunta sa kitchen hoping na makita ang hinahanap, pero bumagsak ang balikat niya nang si Nay Lory lamang ang nadatnan niya roon.
"Nay? Si Jakob?" hinihingal na tanong.
"Kaaalis lang ija. Mukhang nagmamadali eh."
Hindi makapaniwala na napaupo siya sa isa sa mga highchair roon. Para saan ang pagpupuyat niya kagabi?
"Eh? Alam nyo ba kung saan siya pupunta?"
Umiling-iling ang matanda habang pinaghahain na siya ng almusalan. "Wala sinabi, ija. Basta nagmamadali silang dalawa ni Chan umalis. Hindi ba kayo nagkausap kagabi?"
This time, siya naman ang napailing-iling. "Hindi! Napuyat pa po ako, nay kakahintay tapos hindi ko rin naman pala siya makakausap. Nakakainis naman. Bakit ba ganoon ang alaga nyo nay? Hindi man lang...Hindi man lang...Alam nyo po 'yon. Hindi ko ma-explain. Basta nakakainis siya."
Wala siyang nagawa kung hindi sa pagkain na lamang ibaling ang inis na nararamdaman para sa binata. Prepared na prepared na siya kagabi eh. Alam na alam na nga rin niya kung ano-ano ang sasabihin rito pero ni 'hi' 'hello' hindi niya nasabi. Alam nyo 'yon...nakaka-frustrate lang.
Muli siyang bumalik sa kuwarto ng binata kung saan siya nakahiga kanina. Teka...bakit nga ba siya ulit nasa loob ng kuwarto nito? Napasabunot siya sa buhok.
Sa inis niya ay nakalimutan na niyang itanong ka Nay Lory. Nafru-frustrate na napaupo siya sa kama saka pabagsak na nahiga muli.
Paano na ngayon? Ngayon pa naman ang balik ni Erys mula sa bakasyon. May usapan pa naman sila nila Goyo na magkikita-kita sa bahay nila Erys mamaya. Napa-aga kasi ang pag-uwi ng tatlo mula sa kani-kanilang mga lakad. Naikwento na rin niya sa mga ito ang nangyari sa kanya. Pero paano nga siya makakaalis sa bahay ni Jakob?
Maya-maya ay natigilan siya nang may mahagip ng paningin. Kunot noong tumayo siya at lumapit sa maliit na picture frame na sa bedside table ng binata. Kinuha niya iyon saka nagtataka na tinitigan ang picture na nasa loob.
What the...Geez! Bakit...
"Sh*t! Confirmed. Ako nga ito..." bulalas niya habang nakatitig parin sa litrato nilang dalawa ni Jakob.
Kuha iyon noong nag-out of town sila sa villa ng pinsan nito, sa may dampa noong pinanuod nila ang nakaka-amazed na mga alitaptap sa puno ng mangga. Nakayakap sa kanya ang binata mula sa likod at mayroong malaking ngiti.
Mga panahon na punong-puno sila ng mga pangarap para sa isa't isa at magdamag na nagsasabihan kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Napangiti siya ng mapait. Bakit kailangan pang itago iyon ng binata? Hindi nga ba ay si Tamara ang gusto nito kaya nga nakipaghiwalay ito sa kanya. Naguguluhan siya. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit parang may mali na hindi niya ma-point out?
Nitong mga nakaraang araw ay napupuno ng mga katanungan ang isipan niya. Ang dami kasing bagay na hindi niya maintindihan tulad ng bakit siya kailangan na ikulong nito sa bahay? Bakit ba mukhang pinagkakatiwalaan ito ng uncle niya? Bakit parang walang Ms. Tamara na sumasaway sa abogado? Hindi ba dapat nagseselos ito at pinapalayas na siya ngayon sa bahay ng nobyo nito tulad sa mga pelikula? Bakit kailangan siya nitong protektahan? Protektahan saan? Kanino?
Naputol ang malalim nap ag-iisip niya nang tumunog ang cellphone niya. Hindi niya kaagad sinagot iyon dahil unregistered number. Pero nang muling tumunog iyon ay sinagot narin niya only to find out that Jakob was the one whose calling her.
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romansa"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...
