Chapter 2

612 17 0
                                        

Katulad nang inaasahan, hindi natanggap si Lucy sa kompanya ng mga Ladesma dahil sa lalaking tawagin na lang nating Jakob Ladesma, ang binatang nagpahiya sa kanya sa harap ng mga boss ng kompanya ng mga ito.

"Lucy paki-assist si Kitty sa table seven."

Halos hingalin silang staff sa French restaurant dahil sa dami ng customer ngayon. May malaking salo-salo kasing ginanap sa resto idagdag pa ang mga bigating bisita sa VIP lodge nila sa second floor.

May isang buwan na rin siyang nagtratrabaho sa restaurant. Hindi man siya natanggap sa kompanya ng depungal na Ladesma ay natulungan naman siya ni Erys makahanap agad ng trabaho. Ini-rekomenda siya ng asawa ng kaibigan sa may-ari ng restaurant na pinagtratrabahuhan niya ngayon. May dugong pransis ang binatang amo nilang mukhang na-bored na sa marangyang buhay sa France kaya umuwi sa Pilipinas, at nagpatayo ng French restaurant na agad pumatok sa mga tao.

"Lucy, 'yong order sa VIP room. Ikaw na bahala," utos ng manager nila.

May tatlong VIP room sila sa second floor na tanging mga customer na may VIP card lamang ang may access. Karaniwang mga mayayamang kaibigan o investor ng boss nila ang gumagamit ng VIP room nila. Gamit na gamit nga ang mga VIP room sa mga love/wedding proposal, engrandeng date at mga pakulo ng mga customer nila. So far, marami-rami na ang na-uto at nagpa-uto sa loob ng mga rooms na iyon, lalo pa't mga mukhang palikero ang karaniwang VIP customer nila.

Pinunasan muna niya ang pawis saka inayos ang lukot na palda. Kailangang presentable sila sa harapan ng mga customer nila lalo pa't may pagkama-arte ang mga ito.

"Here's your or—der." Napatigil siya nang si Jakob Ladesma at isang pamilyar na babae ang mabungaran niya sa loob. Kasama nito ang babaeng sumampal dito noon sa comfort room.

Yes! Standing in front of her was Jakob Israel Ladesma, ang lalaking nagpahiya sa kanya at dahilan kung bakit siya hindi natanggap sa kompanya ng mga ito.

Itinikom niya ang bibig nang maigi saka pumasok sa loob ng room at dahan-dahang inilapag ang mga pagkain sa eleganteng lamesa. Mukhang hindi naman siya nakilala ng dalawang lihim na ipinagpasalamat niya.

"Matagal na kitang mahal, Tamara. Please do accept my proposal or just give me a chance para mapatunayan kong totoo ang nararamdaman ko para sa iyo." Napaingos siya sa lambing ng boses ng binata sa kaharap nito. Pasimpleng sinulyapan niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay ni Tamara.

"Jakob," mahinahon ani Tamara. "You do not understand."

Umiling-iling si Jakob. "Anong hindi kita maintindihan? We'd been together for several years. Simula pagkabata ay tayo na ang magkasama. Of course, I understand you."

"Iyon na nga, Jakob. Simula pagkabata magkasama na tayo at mukhang na misinterpret mo ang mga ginagawa ko para sa iyo."

Gusto niyang ngumiwi sa mga heartbreaking dialogue ng dalawa. Mukhang gaya ng dati ay busted pa rin ang binata sa babae. Siguro dahil sa sama ng ugali at kawalan ng konsiderasyon nito. Pwede ba niyang sabihing 'deserved nito iyon?'

"Enjoy your meal," bulong niya takot na maka-istorbo sa dalawa. Nakahinga siya nang maluwang nang mukhang hindi naman siya napansin ng dalawa habang ibinababa ang mga pagkain.

"What did I misinterpret?"

"Nakababatang kapatid lang ang turing ko sa'yo."

"W-What did you say? Nakababatang kapatid? You're joking, right?" hindi makapaniwalang ani ng binata.

Balak na niyang tahimik na umalis sa loob dahil ayaw naman niyang masaksihan ang mala-teleseryeng eksena ng dalawa sa pangalawang pagkakataon. Pero wala 'atang balak ang tadhanang paalisin siya nang matiwasay.

When A 'Certified' Single Falls In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon