Napangiti si Lucy ng makompirma na si Jakob nga ang lalaking naka cap at aviator kanina sa loob ng coffee shop.
“I knew it. It’s really you.”
Wala naman siyang balak na hintayin ang binata kung hindi lang dahil sa kaheta ng singsing na nakalimutan niyang ibigay dito. Hindi na rin niya naibigay iyon kay Boss Spencer dahil nga nagmamadali na rin siyang nag-out dahil sa kagagahan niyang pagdra-drawing sa mukha ni Jakob.
Ang walanghiya! Nang makitang palabas na ito ay humarang siya sa daraanan nito. Pero parang hangin na nilampasan lamang siya. No choice siya kung hindi ang sundan ang depungal na akala mo kung sinong may ari ng establismento na iyon.
“Hay.” Buntong-hininga niya. Kung hindi nga niya sinearch ang pangalan ng binata sa internet hindi siya maniniwala na abogado talaga ito. Madalas kasing isip-bata ang depungal.
“Saglit nga.” Habol pa rin niya ang lalaki na tumigil naman sa harap ng kotse nito.
“What do you need?” supladong tanong nito bago pa man ito pumasok sa mamahalin na sasakyan nito.
“’yan. ‘yan ang rason siguro kung bakit ka palaging binabasted.” Mabilis na nagbago ang awra ng lalaki na animo naglalabas ng dark force.
Kaya nakangiwi na iniiwas niya ang mga mata rito saka nag-peace sign. “Joke lang naman. Hehehe… ‘di na mabiro.”
“Look. Wala akong panahon makipagbiruan sa kagaya mo na ang lakas ng loob na gawing drawing book ang mukha ko. Alam mo ba na pwede kitang ipatanggal sa trabaho mo?” Sa sinabi ng lalaki, tila nabuhusan siya ng malamig na tubig saka siya alanganin na ngumiti sa binata na halata ang asar sa mukha.
“Ikaw naman hindi ka na majoke. Nabura mo naman ah.” ngiwi niya.
“So, it’s really you?” paninigurado nito na siyang ikinalaki ng mga mata niya. Geez! Mukhang magaling talang magpa-amin ang binata.
Walang emosyon siya nitong tiningnan saka kibit-balikat na tinalikuran siya.
“Huh? Hindi ba?” parang tanga na tanong niya rito na siyang dahilan kung bakit muli itong lumingon sa kanya.
“Tsk! Tingnan mo nga kung nabubura ang siraulong marker na ginamit mong isip bata ka.” singhal nito saka tinanggal ang cap at aviator na suot nito.
Saglit siyang napatahimik at kinagat ang ibabang labi. Nagpipigil ng tawa.
“Stop laughing you idiot!” singhal nito sa kanya.
Pero hindi niya napigilan ang sarili dahil napahalakhak siya ng todo sa itsura nito. Damn! May mga natira pang itim na marker sa paikot ng mata nito at yung sungay? Hindi pa rin natatanggal.
“Hahahahahahahah. M-Mukha kang panda na tinubuan ng sungay hahahahaha. T-Teka lang, sino may gawa n’yan? Hahaha” hawak ang tiyan niyang tanong niya. Halos maubusan siya ng hininga dahil sa katatawa.
Tiningnan siya nito ng matalim saka madilim ang mukha na naglakad ito papalapit sa kanya. Shit! Mukhang ginalit niya ang tigre.
Domoble ang ata ang galit at inis nito sa kanya kaya bago pa man tuluyan itong makalapit sa kanya ay natataranta niyang naibato ang hawak na kaheta na nadampot niya sa backpack. Sumapol iyon sa ulo nito na lumikha ng tunog. Biglang itong tumigil. Narinig niya ang mga singhap ng ilang tao na dumaraan na napatigil din. Ang isa pa nga ay literal na na-ihulog ang bola ng basketball na pinaglalaruan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/229992860-288-k41502.jpg)
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romance"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...