Chapter 21

418 9 0
                                        

Napairap si Lucy sa kasama na puro junk foods, beer at mga instant food ang inilalagay sa cart nito. Na sa loob sila ng supermarket ng mall kalapit ng restaurant na pinagtratrabahuhan niya. Maaga kasi siyang nag-out para samahan ang nobyo na mag-grocery para sa unit nito.

One-week na rin silang in a relationship ng binata in that span of time nakita niya kung gaano ka-workaholic ang nobyo. Halos wala itong kapaguran sa mga inaasikaso mabuti na lamang at medyo nabawasan na ang trabaho nito sa kompanya ng mga ito dahil sa kapatid.

Gayunpaman, hindi naman siya napapabayaan nito. Hindi nakakalimot ang binata na sunduin siya sa trabaho saka sila magdi-dinner sa labas. Minsan nga ay siya na ang nagsasabi rito na hindi na nito kailangan na sunduin siya o minsan ay ihatid dahil alam naman niya ang hectic schedule nito.

Noong una ay naiilang pa siya sa presensya ng nobyo lalo pa’t tampulan sila ng tukso ng mga kakilala at katrabaho.  Pero sa ilang araw lamang ay mabilis na panatag ang loob niya sa binata na hindi mahirap makasundo sa mga bagay-bagay.

“Hindi mo kailangan ng maraming beer, Jakob. Saka bakit ba puro mga chips at instant noodles ang kinukuha mo?” Pinulot niya ang ilang chips at lata ng beer saka muling ibinalik sa estante.

“What?” Pinasadahan niya ang ayos ng abogado.

Napangiti siya sa binata na ngayon ay seryosong nakatayo sa harap niya habang lutang na lutang ang kagwapuhan sa navy blue suit na suot.  Kakagaling lang nito sa trial court at muling nanalo na naman sa isang big time case. Hindi man sabihin nito ay alam niya na pagod at kulang sa tulog ang binata pero sinundo pa rin siya nito sa resto.

Napangiti siya. “Better.” Lalong kumunot ang noo nito sa sinabi niya. 

Idinipa niya ang kamay saka lumapit sa binata at yumakap sa beywang nito. Hinawakan niya ang mukha nito saka hinilot niya ang kunot sa noo nito. Mukhang effective naman ang ginawa niya dahil agad na nawala ng kunot sa noo nito saka ngumiti bago siya yakapin.

“I’m tired, Hon.” bulong nito sa kanya na s’yang ikinangiti niya lalo.

In span of their relationship na-obserbahan rin niya na may mga kilos ito gaya ng sa bata lalo na kapag pagod at stress na ayaw nitong ipakita sa kanya.

“Hmmm… kaya nga binigyan kita ng power hug. Bakit ba naman kasi nagyaya ka pa rito? Dapat nagpahinga ka nalang sa bahay mo.” Kumalas na siya sa yakap ng nobyo kahit umungot pa ito.

“I want to see you to ease my tiredness. Isa pa wala rin talagang akong grocery sa unit, naka-leave kasi si Nay Lory dahil may sakit ang anak niya.”

“Okay. Ako na ang bahalang mamili. Pero ibabalik natin ang mga beer mo. Bawas-bawasan mo ang pag-iinom ng beer… baka maging acidic ka. Kumain ka ng healthy foods. Katulad ng mga prutas. These would do.” Iniabot niya ang mga prutas na napili niya sa binata. Hindi na niya pinag-abalahan na tingnan man ang itsura ng binata na tahimik lamang sa gilid niya.

“Hindi maganda sa katawan na puro mga take out mga kinakain mo. I’ll make some fruits shake and some salad later. Pwede mo naman i-ref iyon, pero huwag mong patagalin, ha.” Muli niyang inabutan ito ng mga prutas at mga gulay para sa salad na gagawin niya.

Inabutan niya ulit ng karton ng fresh milk at mga can ng pineapple juice ito. Pero natigilan siya nang hindi nito kinuha ang inaabot niya.

Tumayo siya ng tuwid saka nilingon ang binata na mariing nakatitig lamang sa kanya.

“Anong nangyari sa iyo? para kang---” hindi pa siya tapos magsalita nang hapitin nito ang beywang niya papalapit saka mabilis na hinalikan siya nito sa labi. Sandali lamang iyon pero parang hinahabol na siya ng kabayo kung tumibok ang puso niya.

When A 'Certified' Single Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon