Epilogue

702 18 3
                                    


Halos mabali ang leeg ni Lucy kakatanaw sa mga pasahero na naglalakad papalabas ng arrival area ng paliparan. It has been a week at sa wakas matapos ang hindi mabilang na mga pagtatawagan at pagfa-facetime nila ng binata ay makikita na niya muli ito sa personal.

Kasama niya si Sep na isang oras pa lang bago ang dapat arrival time ni Jakob ay hinigit na niya patungo sa airport. Sa sobrang excited niya ay nakalimutan niya na dapat ay hihintayin niya sila Ms. Tamara at sila Goyo para sama-sama silang pupunta sa airport.

Palingon-lingon siya sa mga tao mula sa barikada na harang. Abala siya sa paghahanap sa nobyo nang marinig ang matinis na boses ni Goyo at Pamona sa likuran. Napangiwi siya nang patakbong lumapit ang dalawa sa puwesto nila, sa likod ng dalawa ay sina Ms. Tamara kasama si Neon at si Erys na mukhang nakatakas na naman sa asawa at sa panganay nito.

"Lucita! Babaita ka talaga! Naku naku..." Hindi pa man tuluyang nakakalapit si Goyo ay ramdam na niya ang pagkainis ng kaibigan. Isa kasi ito sa excited na excited sa padating ni Jakob sa bansa para raw ituloy ang naudlot na lovestory nilang dalawa.

"Hindi ba sinabi namin na sasamahan ka namin nila Erys na sumundo diyan sa jowa-jowaan mo? Aba! Biruin mo ba naman na isang oras bago arrival time ng jowa mo ay nandito ka na." reklamo ni Pamona na tila aalis ng bansa sa black leather skirt and red tube top na pinatungan ng black coat.

Nakasuot rin ang babae ng black shade- na paniguradong pinantatago nito sa mugto pa ring mga mata kakaiyak sa ex nitong nakabuntis ng ex rin-at ng malaking sun hat. Nakakuha tuloy ang babae ng mga atensyon idagdag mo pa na malapit lang din sila Ms. Tamara at Neon na kahit nakasombrero at naka-mask ay mafe-feel mo ang presensya.

"Ang tagal nyo kasi...saka ano ba 'yang suot mo Pamona?"

Lumapit ang dalawa sa barikada saka luminga-linga. "Ang tagal naman ng jowa mo, Lucita. Saka 'wag mo yang pansinin si Mona." Umirap si Goyo sa katabi. "Bruha ka! Nakakahiya ka Mona. Aba, tinalo mo pa ang mga artista sa suot mo."

"Tsk! Inggit ka lang. Tse!"

Hinayaan na niya ang dalawang katabi na magtalo. Inabala niya ang sarili sa pagmasid-masid sa mga dumadaan. Ilang sandali pa at tila tumigil ang oras nang may mahagip na pamilyar na bulto ang mga mata niya.

Ilang saglit pa siya napatulala habang abala pa rin ang dalawang kasama sa pagtatalo.

Her man...

Her man was back again. He was really here.

"Nakauwi na rin siya." nakangiting bulong niya saka hindi makatiis na pasadahan ang itsura ng binata.

Jakob was wearing a casual jean, black V-neck shirt with the big white check prints top with the navy-blue leather jacket and a pair of signature white shoes. Hindi niya maaninag ang mga mata nito dahil naka-shades ang lalaki na hila-hila ang luggage bag nito. Hindi natagalan ang binata na mahanap ang puwesto niya.

Suwabeng kumaway ito sa kanya saka matamis na ngumiti. Hindi na siya nakatiis pa, lumusot siya sa barikada at patakbong nilapitan ang binata na napatigil sa kinatatayuan.

Lumipas ang ilang segundong katahimikan bago nagsalita si Jakob. "Hon..." hindi niya pinansin ang pagtawag nito imbis ay mangiyak-ngiyak na pinulupot niya ang mga braso paikot sa beywang ng binata na mukhang natigilan sa ginawa niya.

Sinubsob niya ang mukha sa matipunong dibdib ng binata saka pinagsawa ang ilong sa mabangong panlalaki na amoy ng binata. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang dalawang braso nito na pumulupot payakap sa beywang niya saka marahan na hinimas ang likod niya.

"I miss you...Damn! I really do miss you." Naramdaman niya ang paghalik nito sa buhok niya na ngayon ay hinihaplos na nito. "I love you. How have you been hmmmm? Nay Lory texted me last night that you cried again. Hindi ba sinabi ko naman sayo na babalik ako hmmm."

When A 'Certified' Single Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon