Bahagyang hinimas ni Lucy ang balikat matapos galawin-galawin iyon. Sobrang dami nilang customer ngayon kaya halos wala silang pahinga sa pag-aasist ng mga order. Dalawang magkasunod na araw na rin siyang nag-oover time dahil sa sunod-sunod na dagsa ng mga customer.
“Lucy, VIP.” Nakangiting kinuha niya ang tray ng pagkain bago muling nag-asikaso.
Pero natigilan siya nang masulyapan si Jakob na may kausap na lalaki sa di-kalayuan na lamesa. Sa lamesa na inupuan rin nitong noong kasama nito si Ms. Tamara at nagkasagutan sila.
“Good evening, ma’am…sir. Enjoy your dinner.” bati niya sa mukhang mag-asawa na customer.
Pasimple pa niyang sinulyapan ang binata na ilang araw na rin niyang hindi nakikita. Ni hindi pa nga niya naibabalik rito ang coat na pinahiram nito noog nakaraan. And talking about the coat nasa locker nga pala niya iyon. Ilang araw na rin kasi niya hinihintay ang lalaki na magpakita para ibalik iyon. Mukhang mamahalin pa naman iyon.
Ang kaso…napangiwi siya nang maalaala ang nangyari noong nakaraang araw habang pinaplantsa niya ang coat nito. Hindi niya sinasadyang masunog ang likuran na bahagi niyon. Kaya ngayon hindi na niya alam kung paano ibabalik o kung anong sasabihin sa binata. Tiyak na magagalit na naman ito.
Hindi muna siguro siya magpapakita sa binata hangga’t hindi pa nakakapag-ipon ng ipambabayad sa coat nito. Iyon ang balak niya kaso mukhang nakita siya nito at tinawag sa table ng mga ito. So, no choice siya kung hindi nakangiting lapitan ang dalawa.
“Lucy.”
“Sir?”
“What time is your out?” nagtataka man ay sumulyap siya sa relong suot saka sinagot ang binata.
“Seven? Bakit po sir?” pabulong na sagot niya saka sinulayapan ang lalaking may benda sa ulo na kausap nito. Ngayon lang niya napansin na kamukha ni Jakob ang kausap na lalaki na nakangiting nakamasid sa kanila.
Tumango-tango lamang ang binata saka binalingan ang kausap. “Ah, yeah. She’s Lucy. Lucy he’s my brother.” Nag-aalangan naman ay tinanggap na rin niya ang kamay na nakalahad ng kapatid nito saka tipid na ngumiti.
Hindi na siya nagtagal doon dahil baka sabunutan siya ng mga kasama sa trabaho na hagas na hagas ngayon tapos siya ay more chicka sa dalawa. Mag-aalas otso na siya nakapag-out kasabay nila Kitty at Albert. Abala sila sa paghihintay ng masasakyan nang pumaradang kotse sa harapan nila at tinawag ang pangalan niya ni Jakob na s’yang nagmamaneho.
Nagdududang tiningan siya ng mga kasama. “Oh? Mga isip nyo ha gumagawa na kaagad ng issue.” Puna niya sa nakangising mga kaibigan.
Inirapan muna niya ang mga ito bago nilapitan niya ang binata. “Attorney? Ano pong atin?”
Tiningnan siya nang masama ng binata na kanyang pinagtataka. “Ano na naman ang nagawa ko sa iyo?” naguguluhan na tanong niya sa binata na akala mo naman ay inapi niya.
“Kanina pa kita hinihintay. Kung hindi ko pa napansin na papaalis ka na ay hindi kita maabutan.” wika nito na hindi niya ma-gets kung bakit ba siya nito hinihintay.
“Eh, bakit mo ba ako hinihintay?”
Hindi nakasagot ang binata dahil sumingit na si Albert.
“Good evening Attorney Ladesma.” Kumaway si Albert sa likuran niya na s’yang binatukan ni Kitty dahil sa ingay ng nobyo.
“Bakit ba? Makikisabay lang naman kay attorney ah, malay mo pumayag hehe.” Kakamot-kamot na ani Albert. Hay, naku umiral na naman ang kakapal ng mukha ng nobyo ng kabigan.
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romance"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...
