Chapter 29

438 12 0
                                        

Napapatulala na lamang si Lucy habang tuloy-tuloy ang pagpapaliwanag ni Jakob sa dalawa na ngayon ay namumutla na. Si Spencer naman ay pangisi-ngisi lang sa tabi niya.

Hindi man niya gustuhin na humanga ay napapanganga na lamang siya sa galing at consistent nito sa pagsagot sa mga sinasabi ng abogado ng kabilang panig. Sa bawat sagot ng abogado ng kabila ay may nakahanda na itong sagot.

“…If I were your client Mr. Gomez I suggest we settle this now if you don’t want to exposed the illegalities and irregularities inside your boutique. I won’t double think to put your client in prison.” pinal na wika ni Jakob

Gusto nga sana niyang palakpakan ang binata lalo pa’t sumusukong tumango ang dalawa kaso naisip niya kung anong kag*guhan ang ginawa sa kanya nito noon. Kaya ‘wag na lang. Sa limang taon na nakalipas alam niya sa sarili na napatawad na niya ang binata.

It’s her own volition kahit pa nga alam niya ang mga posibilidad na mangyari. Kaya kung ano man ang kinalabasan ng desisyon niya ay dapat na tanggapin niya after all wala na rin naman siya magagawa kung ayaw sa kanya ng binata. Bagama’t hindi na niya maiaalis sa isipan ang nangyari sa nakaraan. Hindi nga ‘ata sa kanya applicable ang quotation na ‘Let bygones, be bygones”

Nakaramdam siya ng awkwardness sa kanilang apat pagkalabas sa presinto. Pagkatapos ng mga pirmahan ay lumabas na sila roon.

“T-Thank you.” bulong niya.

Mabilis na iniiwas niya ang mga mata nang magtama ang mga mata nila ni Jakob. Binalingan niya si Spencer na katabi nito. Pati tuloy siya naguguluhan kung para kanino sa dalawa ang sinabi niya.

“Salamat, boss Spencer. Kung hindi dahil sa ‘yo baka nakulong na talaga ako kanina. Bayaran ko nalang ‘yong nagastos. Nakakahiya na-abala ka pa.”

“Wala iyon. Mabuti na lang at nakita ka namin ni Sap. Saka na-miss din kita.” Malawak na ngiti nito saka inakbayan ang nobya nito.

“Salmat rin Sap ha.”

Ilang minuto pa sila nagkamustahan ng dating amo napatigil lang silang dalawa ng may malakas na tumikhim sa gilid nila. Napa-ayos siya ng tayo nang balingan ang seryosong mukha ng abogado.

“Next time be careful para hindi ka na makaabala pa sa ibang tao.” Biglang may umahon na inis sa dibdib niya saka pekeng ngumiti rito.

“Thank you sa tulong. At pasensya na rin kung nakaabala ako, huh? Nakalimutan ko na hindi ka nga pala tumatanggap ng mga maliit na kaso tulad nito.”aniya saka talikod dito.

“Did you just use a sarcastic tone to me? Alam mo bang mahigit dalawang oras ang sinayang mo sa oras ko dahil sa padalos-dalos mo?”

Nag-init ang ulo niya sa sinabi nito. Pinupuno talaga siya nito. Kung umasta ito parang wala itong nagawang kasalanan sa kanya. Maging si Jacy ay nagtatahol rin sa lalaki. Ang siste parang pinilit pa talaga niya itong pumunta roon at tulungan siya. 

“Kung labag sa loob mong tulungan ako, dapat hindi ka na nakealam pa. Masyado kang pa-VIP. Akala mo naman ang linis-linis mo.” namumula sa galit na wika niya saka nagmamadaling hinila na ang maleta papalayo sa puwesto sa kontrabida ng buhay niya.

Pero nang may maalaala ay binitawan niya ang maleta saka bumalik sa harapan ng lalaki  saka niya sinampal ito ng malakas.

“Nakalimutan ko ‘yan gawin noon, kaya ngayon na lang. Gago! Mabaog ka sana!” galit na galit na singhal niya sa binata na hindi inaasahan ang ginawa niya dahil natulala na at sapo ang namumulang pisngi.

Narinig niya ang pagsinghap ni Sap at tawa ni Spencer. Nahihiyang bumaling siya sa dalawa na mukhang enjoy na enjoy na pinapanuod sila ng abogado. Ngumiti siya sa dalawa saka mahinahon na nagpaalam. Sinulyapan pa niya si Jakob na hindi pa rin makagalaw sa puwesto.

When A 'Certified' Single Falls In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon