Chapter 13

482 10 0
                                        

Sabado. Day off ni Lucy at dahil wala siyang magawa ay nagpahila na lang siya kila Pamona na manunuod daw ng Basketball sa loob ng subdivision nila Erys. Ang subdivision ng mga yamanin na mga tao ika nga ni Goyo. Paano ba naman karamihan ay mga sikat at mayaman na personalidad ang nakatira sa mga mala-mansiyon na bahay sa loob. Mabuti na nga lang at kilala na sila ng security doon dahil kay Erys.

Pagdating nila sa malawak na covered court ay malalakas na hiyawan ang bumungad sa kanila. Nag-uumpisa na ang laro. Halos mapuno na rin ng mga manunuod ang loob. Hindi na siya nagulat nang makitang maraming naghihiyawan particular na ang mga kadalagahan dahil naggwagwapuhan nga naman ang mga naglalaro sa loob ng court.

"Lucy! Bakit ngayon lang kayong dalawa." bati ni Goyo na may hawak pang-lobo at winawagayway iyon.

"Eh, ikaw? Bakit ka nandito na? Akala ko ba sabay-sabay tayo pupuntang bruha ka?"

Ngumiti lang si Goyo sa kanila. "Ang tagal nyo kasi sis. Alam nyo naman na maglalaro ang jowa ko eh."

"Tangi anong jowang pinagsasasabi mo dyan? Ilusyuda!" Pabirong sinabunutan ito ni Pamona.

"Naglalaro iyong asawa ni Erys kasama 'yong mga kaibigan niya." wika ni Goyo, sabay turo sa mga players na naka-white na jersey.

"Sino namang mga kalaban niyan?"

"Mga taga-kabilang subdivision. In fairness magagaling din. Naghahabulan nga ang dalawang kupunan eh." Napatayo si Erys nang maka-shoot ang asawa nito. "Go, honey!"

Natatwang hinila nila ang kaibigan na buntis paupo dahil baka kung mapaano pa ang babaita kakasigaw para sa asawa nito. "Gaga kang buntis ka! Wag ka ngang padalos-dalos at baka biglang lumabas iyang inaanak namin."

"Inggit lang kayo noh. Dahil NBSB pa rin kayo hanggang ngayon." Simangot na asar sa kanila ng kaibigan.

"Hoy! Hoy! Malapit na akong magkajowa noh. Kapag sinagot ako niyang si Air my loves who you ka sa akin. Itong si Lucy ang sabihan mo niyan at mukhang magpapakamatandang dalaga na lang."

Inirapan lang niya ang mga kaibigan na mukhang siya na ang naging topic. Sa kanilang tatlo kasi ay siya lang ang walang pagbabago sa lovelife niya na wala naman. Okay naman siya sa lovelife niya lalo pa't ayaw rin naman niya ng sakit sa ulo.

"Kung ako sa iyo, Lucy reto na lang kita doon sa kaibigan na abogado ni Cal. Ayon oh. Yung number twelve. Ang gwapo 'di ba?" patuloy ni Erys. Saka turo sa nakasuot ng number twelve na white jersey.

Hindi na siya nagulat nang mapagsino ang tinutukoy ng kabigan. SI Jakob na lutang na lutang ang kakisigan at kagwapuhan sa suot na jersey. Naikwento na rin kasi ni Goyo at Erys na may biniling bahay nga raw ang abogado sa subdivision na iyon. Halos lahat kasi ng kaibigan ng binata ay may kanya-kanyang property sa subdivision dahil na rin sa magandang lokasyon at mahigpit na security sa loob.

Sinundan niya ng tingin si Jakob na siyang may hawak ng bola ngayon. Maliksing nalusutan nito ang dalawang matangkad na lalaking bantay saka swabeng tumalon sa three-point shot line. Wala pang ilang segundo ay parang lumutang ito sa ere saka isi-shoot ang bolang hawak.

Napuno ng tilian at hiyawan nang swabeng pumasok ang bola sa ring. Mukhang nakita naman siya ng binata na tumigil ang mga mata sa pwesto niya saka ngumiti bago muling bumalik sa laro.

"EHHHHHHH!!!! Sh*t! mga bessy nginitian ako ni Sir Jakob my loves YIEHHHHH!!!" tili ni Goyo.

"Tangi ako ang nginitian niya sizzz! Ang gwapo talaga ng abogado na iyan... sabi na nga ba sa akin rin ang bagsak niyang hottie lawyer na iyan eh." hindi nagpapatalong ani ni Pamona.

Hindi na lamang siya umimik sa mga kaibigan na ngayon ay nagbabangayan kung sino sa kanila ang tinitigan at nginitian ni Jakob. Hanggang sa sumapit ang third quarter ay puro sigawan ang loob ng court. Nasa second half na ng game nang muntikan na siyang mapatayo nang tumalsik si Jakob sa gilid nang court dahil sa intensidad na pag-aagawan ng bola.

When A 'Certified' Single Falls In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon