Kulang na lang ay hilingin ni Lucy na lamunin na siya ng lupa matapos siyang bulabugin ng tiyuhin sa kuwarto niya kinabukasan.
“U-Uncle? Pwede bang ulitin nyo po ulit ang sinabi nyo?” nakatulalang aniya habang nakaupo sa magulong kama at nakabalot pa rin ng kumot.
“Gusto mo ba talagang ulitin ko ulit kung gaano ka kalasing kagabi, Lucita?” paninigurado nito na siyang ikinatango niya ng dahan-dahan.
Hindi pa rin niya ma-digest ang mga nangyari kagabi matapos niyang malasing ang naaalala lang niya sa ngayon ay ang usapan nila ni Sir Nich. Pagkatapos noon…pagkatapos noon…
“Ano nga ulit ang nangyari?” nakatulala pa rin niyang bulong.
Pumameywang ang tiyuhin niya sa harapan niya saka natatawang hinablot ag kumot sa ulo niya.
“Hay, naku! Hindi mo ba talaga maalaala o ayaw mo lang alalahanin?” Umiling-iling siya. Paunti-unti nang bumabalik ang alaala niya at ayaw lang talaga niya iyon tanggapin.
“Alam mo ba kung anong oras nang nakauwi si Attorney dahil ayaw mong pakawalan.” palatak ng tiyuhin.
Muli niyang kinuha ang kumot at ipinatong sa ulo. Dahan-dahan siyang umiling-iling habang nakatulala sa sahig. Bumalik sa isip niya ang nangyari kagabi. Kung paano siya umiyak at umungot sa binata na huwag itong umuwi. Kung gaano kahigpit ang yakap niya rito. At kung paano siya paulit-ulit na umamin sa binata.
Habang naaalala ay padiin ng padiin ang pagkakakagat niya sa labi.
“Ang higpit-higpit pa ng yakap mo sa kanya. Para kang bata na ayaw magpaiwan. At akala ko ba hindi ka magkakagusto roon kay attorney? Eh, minu-minuto mong isinisigaw na mahal mo iyong binata na iyon eh.”
Napahilamos siya sa mukha. “Isinisigaw?”
“Uhuh!” Tumingin siya sa mga mata ng tiyuhin saka napasubsob sa unan.
“Arrghhhh! Nakakahiyahhhhhh! B-Bakit? Bakit hindi mo ako tinulungan uncle?!” naiiyak na sigaw niya.
Binato siya ng nahulog na unan ng tiyuhin. “Aba, ewan ko sayo. Si Jakob nga hindi ka mapigilan. Ako pa kaya? Kung hindi nga lang kita pamngkin at mahal tinampal na kita kaka-inarte mo kagabi.” Napairap sa kanya ang tiyuhin na siyang ikinatawa niya.
“Ehhh? Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya uncle?” Muli siyang umupo saka tinanggal ang kumot sa ulo.
Lumapit ang tiyuhin at hinawakan ang mukha niya saka iniharap sa mukha nito. “Ito…Itong mukha na ito. Don’t worry pamangkin ang cute cute mo kagabi.” nakangiting anito.
“Talaga?”
“Uhuh. Sayang lang at hindi mo nakita kung gaano kagwapo si attorney habang namumula ang mukha sa mga pinaggagawa mo sa kanya. Bilib nga ako sa batang iyon ang tatag ng pasensya sa iyo.”
“Eh? talaga?”
Tumango-tango ito bago pinulot ang mga gamit niyang nalaglag sa kama.
“Uncle, paa—” hindi na niya natuloy ang sasabihin ng malakas na tumunog ang cellphone niya. Natataranta na iniabot niya sa tiyuhin ang telepono nang makita kung sino ang tumatawag.
“Anong gagawin ko diyan?”
“Si Jakob ang tumatawag, uncle.” Iniharap niya ang telepono sa mukha ng tiyuhin na tinabig ang cellphone na muntikan nang mahalikan.
“Oh? Ano naman?” nakapameywang na baling nito. Panandaliang nakalimutan niya na tiyuhin niya ito at mahinang hinampas sa braso.
“Uncle! Sagutin mo. Sabihin mo uhm…tulog ako. Ganoon. Ikaw na bahala…” Nang maiabot ang cellphone ay mabilis siyang lumayo rito saka muling bumalik pahiga sa kama.
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romance"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...