“Itigil ang kasal!”
Napasinghap ang mga tao na nasa loob ng simbahan saka bumaling kay Lucy. Napansin niya si Erys na katabi ni Cal. Nakasuot rin ito ng puting bestida.
“L-Lucy, anong ginagawa mo rito?” Hindi niya pinansin ang traydor niyang kaibigan. Imbis ay dumiretso siya sa harapan ng dalawang tao na kinamumuhian niya sa mundo.
Ang kakapal ng mga mukha ng dalawa na magpakasal, matapos siyang iwan sa ere. Ganoon? Gano’n na lang bai yon?
“Hindi nyo pwede ituloy ang kasal!” Nangigigil na pigil niya sa pari na mukhang naguguluhan.
“Itigil nyo ang kasalan na ito!” dagdag pa niya habang matalim na nakatingin kay Jakob katabi si Tamara.
Pero biglang may humablot sa braso niya saka siya hinila papalayo sa sa dalawa. “Anong kasalan pinagsasabi mo diyan, Lucita! Binyag ito tanga!” sigaw pabalik sa kanya ni Goyo.
Natigilan siya saka nilingon si Jakob at Tamara na may kargang mga sanggol sa bisig. May mga anak na sila? Sila ba ang happy ending talaga? Teka…
Bakit ganoon?
Na sa binyag siya? Walang sa kasalan?
At bakit amoy usok?...
“Lucy! Taena! gumising ka! Bilis! Nasusunog ang bahay! Shit! Shit!” Mabilis na napamulat at napatayo siya sa kama nang makita ang usok sa loob ng kuwarto nila ni Selma.
Umubo siya dahil sa usok na nalanghap buti na lamang at tinapunan siya ng basang damit ng pinsan na nagkukumahog sa isang backpack na puno ng papeles. Agad niyang tinakpan ng basang damit ang ilong para maiwasan na ma-suffocate.
“Bilisan mo! Taena bakit ba kasi ang hirap mong gisingin.” Hindi na niya inintindi pa ang sinabi nito.
Mabilis na kinarga niya si Jacy na tahol ng tahol at hinablot ang maleta kung saan niya itinatago ang mahahalagang dokumento saka nagkukumahog na naglagay ng ilang damit bago siya hinigit ni Selma papalabas. Mabuti na lamang at hindi pa tuluyang naabot ng apoy ang bahagi ng bahay kung na saan sila natutulog kaya nakalabas pa sila ng maayos. Bago makalabas ay nahablot pa niya ang itim na backpack kung saan nakalagay ang ilang mahahalagang gamit niya.
Sila lamang dalawa ng pinsan ang na sa bahay dahil na sa bahay ni Avel ang tiyuhin.
Nang makalabas sila nagkakagulo na ang mga kapit-bahay sa paghahakot ng mga gamit nila at sa pagtulong sa paghupa ng apoy. Niyakap niya ng mahigpit si Jacy na tahol pa rin ng tahol sa braso niya. Tinitigan nila ni Selma ang bahay na unti-unting nilalamon na ng apoy. Hindi na rin makapasok ang mga kapit bahay na tumutulong sa pag-apula sa apoy.
“Selma! Lucy!” Nilingon nila si Maddy na naiiyak. Kaagad sila niyakap ng kapitbahay.
“Jusko! Ang laki na nang apoy sa bahay nyo. Grabe! Salamat sa Diyos at nakalabas kayo ng maayos. Ang tiyo ninyo? Nasaan? ”
“Na kila Avel si Uncle. Wala na bang nadamay sa sunog maliban sa bahay namin?”
Umiling ito. “Wala. Sa mismong bahay nyo nagmula ang apoy. Nakatawag na si papa ng saklolo.”
“Ano bang nangyari? Bakit nagkasunog sa amin?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Selma sa kanila habang nakamasid sa dalawang palapag na bahay ng tiyuhin na nilalamon ng apoy.
Saan na sila pupunta nito?
“Hindi rin naming alam eh. Basta naka-amoy si papa ng gasoline tapos usok. Tapos ayon, nakita na n’ya na nag-aapoy nga bahay nyo. Parating na ang bombero. Oh, ayan na pala.”
BINABASA MO ANG
When A 'Certified' Single Falls In Love
Romance"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperial ay isang certified single na kadikit na 'ata ang mga kamalasan sa buhay. Sa mahabang panahon ay n...
