Chapter 25

438 11 0
                                        

Malungkot na hinawakan ni Lucy ang picture ng binata na nakangiti habang nakatingin sa camera katabi't naka-akbay kay Ms. Tamara.

Ilang oras matapos lumabas ang litrato ng dalawa na magkasama ay nagsulputan na rin ang mga blogpost tungkol sa paghihiwalay nila Ms. Tamara at Neon at ang bagong relasyon ng dalaga sa abogado. Wala pa namang pahayag ang tatlong nasasangkot sa issue pero mas pinatibay lang ang espekulasyon ng mga tao na may relasyon na sila Tamara at Jakob nang mag-post ng mga litrato si Jakob sa mismong social media account nito na magkasama at magkahawak kamay ang dalawa.

"Lucy? Please, open the door pamangkin..." Kinatok ng tiyuhin ang pintuan ng kuwarto niya. Doon siya tumuloy matapos makita ang mga litrato at balita sa cellphone.

Naninikip man ang dibdib ay kailangan niyang kumalma. Kailangan niyang makausap ang binata. Hindi niya tinigilan na kontakin ang numero ng binata pero wala talaga. Lakas loob rin na tinawagan niya ang mga kaibigan nito na puro iniiwasan ang mga tanong niya.

Natapos lang ang pagbabakasakali niya ng mag-message sa kanya si Jakob gamit ang messenger nito. Pero hindi niya alam na iyon rin pala ang magiging simula ng pagkawasak ng puso niya.

We're done. Sorry. I still love Tamara.

'Yan ang huling mensahe nito bago ito nag-deactivate ng mga social media account. Hindi na muli siya nakapasok pa sa trabaho simula noon. Ilang araw lang siyang nagkulong sa loob ng kuwarto habang umiiyak.

Tatlong araw mula nang padalhan ng mensahe ni Jakob ay mas lumalala ang sitwasyon niya.

Lunes. Dumating sila Pamona, Erys at Goyo na mukhang tinawagan ng tiyuhin niya. Hindi siya nag-abala na batiin ang tatlo. Nakatalukbon siya ng kumot habang tahimik na umiiyak. Pinipigilan na gumawa ng anumang tunog.

"Lucy? Okay lang?"

"M-Masakit." 'Yon lang ang nasabi niya sa tatlo. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng mga ito. Bago hinila ang kumot na nakabalot sa katawan.

"Alam namin, Lucy. Halika nga rito. Hug ka namin." Hinila siya ni Goyo paupo saka mabilis na kinulong sa yakap ng tatlo.

Wala siyang nagawa kung hindi ang sumobsob sa dibdib ni Erys. Naramdaman niya ang paghimas ng mga ito sa buhok at likod niya.

Doon siya humagohol.

"H-Hindi ko alam k-kung a-anong k-kulang. S-san ako sumablay. B-Biglaan eh. A-Ang sakit. First boyfriend ko sya eh. Akala ko fairy tale na yun... Hindi pala..." Iyak siya ng iyak. Maya-maya ay hinawakan ni Erys ang mukha niya saka ipinaharap sa mukha nito.

Umiyak ng umiyak lang siya habang pinupunasan ni Erys at Pamona ang mga luha niya.

"Listen. Listen to us, Lucy. Walang kulang sa iyo, Lucy. Do not blame yourself. Wala kang sablay. Siya ang may mali. SIya ang may problema." mariin na wika ni Erys.

"P-Paano ako? Paano na ako? Wala na siya."

"Shhhh. Magpatuloy ka. Continue with your life, Lucy. You can do it. Andito lang kami para sayo." Hindi siya naka-imik sa sinabi ni Goyo. Umiyak lang siya nang umiyak hanggang sa bumigat ang mga talukap ng mga mata niya.

That time ramdam na ramdam niya ang pagod at sakit.

Hindi siya iniwan ng mga kaibigan at ng tiyuhin na palagi siyang pinapasaya. Sila Goyo at Pamona ay halos tumira na sa bahay nila sa kakamusta sa kanya. Palagi rin siya ng mga itong niyayaya na lumabas. Katulad na lamang ngayon na pilit siyang hinihila ni Pamona para mag-bar sila.

"Lucy, bumangon ka na. Come on. Gigimick tayo, girl."

"Huwag mo ng sayangin pa ang mga luha mo sa kanya. Ilang araw ka ng ganito. Ni hindi ka lumalabas ng dito sa kuwarto mo. Aba, ano ka? May balak ka bang maging ermitanyo?"

When A 'Certified' Single Falls In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon