Chapter 8

497 14 0
                                        

Sinalubong ng maingay na musika si Jakob pagpasok niya sa C-Bar na pagmamay-ari ng kaibigan na si Craig. Agad niya na-spotan ang mga kaibigan sa second floor.

“Jakob! Man! Kamusta ang pagkapanalo na naman ng kaso mo?” Salubong sa kanya ni Torrence.

“Grand slam, bro. Dumating na ba si Ray?” mayabang na tinapik niya sa balikat si Torrence saka umupo sa hanay ng mga kaibigan.

Kakapanalo lang ng dalawang malaking kaso na hinahawakan niya. After, several days ng sunod-sunod na sessions nila ay sa wakas. Makakapag-gimick na ulit siya.

“Wala pa. Pero malapit na raw.”

“Asan si Alas?” usisa niya kay Clive na nagkibit balikat lang.

“Greece. Business meeting as usual.”

“Bro!” muling nag-ingay si Torrence nang dumating si Ray. Wala pa man ay mukhang lasing na agad si Torrence mabilis talagang malasing ang isang ito.

Mabilis na kinuha niya ang papel na iniabot sa kanya ni Ray. “Ayos na ang lahat.”

“Ano yan?” usisa ni Nich na napansin ang papel.

“Nothing.”

Spencer chuckled. “Kung bakit mo kasi tinanggihan tapos palihim mo rin naman palang tutulungan.” Patawa-tawa nitong ani na s’yang ikinakunot noo nila Nich at Clive habang tinititigan siya.

“Shut the fuck Spencer. What?” Saway niya sa dalawang kaibigan na may nakakalokong tingin at ngiti.

“In denial ang gago. Sinasabi ko sayo malapit ka nang maka-move on kay Tamara, pare.” Yakap sa kanya ni Torrence na agad niyang kinalas at itinulak.

“Mga gago! Tigilan nyo nga ako.” Singhal niya saka diretsong nilagok ang alak na nasa baso. Nagtawanan lang ang mga kaibigan niyang pinagpupustahan na siya at ang lovelife niya.

Move on, my ass!!! Aniya sa isip saka kinapa ang kaheta ng kwintas na pinsadya pa niya sa kilalang jewelry maker.
***

Pagpasok pa lamang sa resto na pagmamay-ari ni Spencer ay hindi na mapakali si Jakob. Halos mabali na ang leeg niya kakatingin sa mga staff. Kumpara ng mga nakaraang araw ay halos mapuno ang loob ng restaurant.

“Jakob? Are you okay?”

“Y-Yeah.” aniya kay Tamara saka inilalayan ito maupo sa isang bakanteng lamesa.

Epic fail nga siya dahil maagap na nai-booked ang mga VIP lodge ng restaurant kaya sa first floor lang siya umabot sa reservation. Hindi na mana siya nag-abala pang magpa-booked sa iba dahil punuan rin dahil sa magkakasunod na holiday. 

“May hinahanap ka ba? para kasing hindi ka mapakali.” Puna ng dalaga nang inalalayan niyang umupo.

“N-Nothing. Just don’t mind me.” Ngiti niya.

Birthday ni Tamara kahapon kaya niyaya niya ito para sa dinner at dahil alam naman niyang kasama nito si Neon kahapon kaya ngayon na lang niya ito pinilit na lumabas. Mabuti nga at pumayag. May plano rin kasi siya ngayon. Sa huling pagkakataon gusto niya ulit mag-confess sa dalaga. Ang kaso sa hindi malaman na dahilan ay hindi siya kinakabahan sa pagkakataon na iyon sa halip ay may ibang tao ang pilit sumisiksik sa utak niya.

“Tam?”

“Hmm?” nakangiting wika nito.

Kinapa niya ang kaheta ng kwintas na pinasadya pa niya sa kilalang jewelry maker. Ipinatong niya iyon sa lamesa saka kinapa ang malambot na kamay ng dalaga na siyang natigilan.

“Belated Happy Birthday.”

“T-ta—” hindi niya natapos ang kinabisadong linya ng may umupo sa kabilang lamesa kalapit nila.

When A 'Certified' Single Falls In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon