Chapter 37: Trespassing

11 0 0
                                    


===Issei===

May 25, 2020, 7:00 PM

Matsouka Residence, Lotus Street

“JUSKO! Pataas nang pataas na ang kaso ngayon sa naturang virus,” wika ni Mom habang inaasikaso si Zenrie sa lab. Habang pinupunas ang kanyang braso ay kasalukuyan kaming nakaantabay sa isang livestream interview sa Facebook.

Since the results came out, it turned out to be our worst nightmare. Kaya binalik ulit ang ECQ status sa siyudad. Ganoon na rin sa ibang lugar na kung saang may malaking kaso ng RespiroRoach Virus.

“Ayon daw sa balita, magkakaroon ng bagong pangalan ang naturang sakit. I just knew it when the scientists and researchers noticed that the virus mutated,” mausisang saad ko habang nag-ta-type sa aking laptop. Kumuha na rin ako ng chopsticks para kumain ng ginawa kong chicken tonkatsu.

Mom scratched her head after she finished her task. Agad niyang hinawakan ang kamay ng aking Sleeping Beauty na pinsan habang tinitignan ang kalagayan niya.

So far, her vital signs are stable. Lagi kasing sinusuri ni Tita Pricilea ang kalagayan niya. Maliban doon, tumulong din siya sa paghahanap ng solusyon sa nangyaring ambush sa Sirius Tech building. Halos magdadalawang buwan na siyang naghahanap ng solusyon para matanggal ang bug na inilagay sa supercomputer— ang bagay na humawak sa buong virtualrealmnet at nagpakulong sa kamalayan ng lahat ng estudyante.

O kahit na rin hindi.

Kumarera na rin ang death toll sa virus at sa bangungot na kinahuhunatnan ni Zenrie. Balita ko’y tumaas din ang mga pasyenteng nagkaroon ng mental breakdown at… iyon.

Hidoi.

“Mabuti na lang at nakauwi ka nang matiwasay habang naka-quarantine ka pansamantala sa airport. The protocols are getting tighter since we're in extreme ECQ,” saad niya't kinuha ang isang basong tubig. Bigla namang napakunot ang noo niya. “Dahil nga r’yan ay hindi makauwi si Romeo sa kanila. Kala ko ba uuwi siya sa pugita at pusit na ubod ng salot sa buhay ng mga pamangkin ko.”

“Mom, as long as Tito Romeo never did anything wrong at this moment, we have to let him here. Baka nakakalimutan nating siya pa rin ang ama ni Zenrie,” malumanay kong sabi.

“Kelan pa naging mabuting ama ang Romeo na ‘yan matapos bihagin ng lintik na pugitang iyon sa sugal?” Mom scoffed.

Napabuntonghininga na rin ako sa mga sinabi niya. Mahirap talagang kalimutan ang mga pangyayaring iyon lalo na't nakakatrauma.

Okeych, Alexa, play Trauma by Seventeen. Charot!

“Mom, just let Tita Haruka dwell in their sleeps. Hahampasin niya ng katana ang mga ‘yon,” natawa pa ako nang konti. Mom did woke up and choose violins for today ha.

“Paano kung ako na lang gagawa? Matagal-tagal na rin akong hindi nahahawakan ang katana ko.”

“Mom… baka multuhin ka ni Ti—”

“Torisei, pasensya na sa abala.” Muntikan na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang kamay sa aking balikat. Jusko mami! Si Tita Pricilea lang pala!

“Epekto na ‘yan sa panonood mo ng asylum kagabi,” mapang-asar na sabi ni Mom kaya napataas ako ng kilay.

“The audacity of who recommended the movie,” my lips slightly pouted and rolled my eyes. Mukhang ang saya ni Mom matapos nirecommend sa'kin ang lintik na movie na ‘yon.

Tita Priscilea chuckled and rubbed my head. “Mag-ina nga talaga kayo. I'm pretty sure Haruka is right about your unique bonding,” dagdag pa niya sabay kuha ng salad greens sa tray.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now