Sa pinakamalaking palasyo sa bansang Qin Shin ay nagdaratingan ang maraming dignitaryo at maharlikang bisita nina Emperador Xia Shin Lao at Emperatris Shao Min upang bumati at ibigay ang kanilang mga regalo sa bagong panganak na prinsesa. Si Prinsesa Lin Zhen ay ang natatangi nilang anak. Apat na beses nang nalaglagan ng anak ang Emperatris at hindi na maaaring madalangtao pa. Kahit may mga anak na lalake at babae ang Emperador sa iba niyang mga royal concubines tanging ang bagong silang na prinsesa lamang ang tagapagmana ng korona ng imperyo. Kaya marami ang galit sa mga kabit ng Emperador ng isilang ang prinsesa dahil nawalan sila ng pag-asang mapapunta sa kanilang mga anak ang trono ng imperyo.
"MAHAL NAMING EMPERADOR AT EMPERATRIS DUMATING SI Shintao!" sigaw ng taga-pagbalita.
"Papasukin ninyo!"
Sa malawak na harapan ng malaking palasyo ay nakahanay ang libo-libong royal guards. Sila ang mga bantay ng kaharian na bihasa sa lahat ng uri ng laban at paggamit ng iba't ibang mga uri ng sandata. Sa gitna nila ay nakatayo ang dalawang puting dragon na kalalapag pa lang. Ang isa sa mga dragon ay may kaliitan. Dalawang buwang gulang pa lang siya. May sumenyas na nakatayong bantay sa malaking pintuan ng palasyo. Pinapapasok ang dalawang dragon sa loob. Lumakad ang dalawang dragon at umakyat sa matàas na hagdanang bato ng palasyo. Pumasok sila sa loob.
Yumuko ang mga ministro at bisita ng dumaan ang dalawang dragon sa gitna nila sa loob ng malaking bulwagan bilang paggalang at takot na rin. Si Shintao na dambuhala ang laki ay siyang katulong ng Emperador upang masakop ang mga maliliit na nagrerebeldeng kaharian sa imperyo.
"Ahhhh! Shintao! Mabuti at naririto ka na." sabi ng Emperador gamit ang kanyang isipan.
"Kasama ko na ang aking anak. Gaya nang naipangako ko sayo ay narito si Kaido upang maging bantay ng prinsesa."
"Salamat Shintao. Lumapit ka Kaido."
Lumapit ang maliit na puting dragon sa harapan ng dalawang trono na sa kanang tabi ay may kuna na gawa sa purong ginto. Nakahiga sa loob ng kuna ang isang mag-iisang buwang sanggol na prinsesa. Pinagmasdan ni Kaido ang munting prinsesa.
"Nabasa ko na ang kanyang isipan mahal na Emperador. Magka-ugnay na kami. Sabay kaming lalaki at handa kong ibigay ang aking buhay sa kanya."
"Magaling Kaido. Mula ngayon ay sa katabing malawak na hardin ng silid ng prinsesa ka na maninirahan upang siya ay iyong mabantayan."
Isang opisyal na kasulatan ng Emperador ang binasa ng isang ministro na si Prinsesa Lin Zhen ay siyang tanging tagapagmana ng korona ng imperyo pagsapit ng kanyang tamang edad.
"Dalhin ang opisyal na kasulatang ito sa lahat ng mga kahariang nasasakupan ng imperyo upang malaman ng buong mamayan ng Qin Shin ang pahayag ng ating mahal na Emperador Xia Shin Lao!" sigaw ng ministrong nagbasa ng opisyal na pahayag.
Matapos marinig ng ibang mga ministro ang opisyal na pahayag ay nagbulungan sila.
"Ang ating prinsesa na ba kaya ang sinasabi ng matandang hula ng mga sina-unang paham ang magiging Haring Supremo?" Pabulong na tanong ng isang ministro.
"Maaari dahil ipinanganak ang prinsesa ng naging kulay asul ang bilog na buwan. Hindi naman sinabi sa matandang hula kung lalake o babae ang magiging hari ng lahat ng mga tao at dragon." Tugon ng isa sa mga ministro.
"Kung ganoon ay dapat nga tayong magbunyi dahil darating ang araw kikilalanin ang ating bansa at maghahari na sa buong Lemuria."
Sa labas ng palasyo ay nagsisigawan ang mga libo-libong royal guards. Ipinagbubunyi nila ang opisyal na pahayag ng Emperador.
BINABASA MO ANG
The Desert Prince . . . Shimatar (On Going)
ФэнтезиIto ang kasaysayan ni Shimatar, ang kanyang buhay, pakikibaka, at pag-ibig. Siya ang prinsipe ng malawak disyerto. Isinilang siyang isang Maharlika sa loob ng isang marangyang palasyo pero lumaking mahirap sa disyerto na iba ang kinilalang mga magul...