"Buhawing Apoy"
------------
Galit na galit si Sultan Tariq Umran sa kanyang nakita sa bolang kristal nang sibatin ni Prinsesa Lin Zhen si Prinsipe Wareq. Pabalik na sa kanya ang kanyang anak na prinsipe na duguan at maging ang dragong si Asok ay nabawasan ng ulo.
"Ahhhh! Buwisit! Paano napunta sayo ang gintong sundang ni Rajah Omar Suleiman?" Bulong niya. Nangagaliiti siya sa galit.
Pinagmamasdan niya rin ang kanyang mga Barnak at mga Otong mandirigma na nahinto sa pag-atake dahil sa malawak na kumunoy. Halos nangalahati ang kanyang mga tauhan dahil sa kumunoy.
"Sinong shaman kaya ang may gawa ng kumunoy? Parang katulad ng nangyari sa Amagi na nagkaroon ng kumunoy ang disyerto." Bulong niya.
"Shaman Mansood itigil muna ninyo ang pag-atake. Umatras muna kayo. Pupunta ako riyan." Mula nang mapasakanya ang aklat ng itim na mahika ay nagagamit na niya ang kanyang isipan para maka-usap ang gusto niyang kausapin gaano man sila kalayo. Kina-usap niya ang ikalawang namumuno sa kanyang mga mandirigma.
"Opo panginoon. Nasugatan nga pala si Prinsipe Warek at pabalik na siya sa Lugok."
"Alam ko! Isa kasi siyang tanga. Sige na gawin mo na ang pinag-uutos ko."
"Opo panginoon."
"Sokar pupunta tayo sa labanan sa QinChin. Matatalo tayo kung hindi ako kikilos."
"Paano si Prinsipe Warek at ang aking anak na si Asok. Kapwa sila may malalang sugat?" Sabi ng pulang dragon na yumuko para makasakay ang sultan sa kanyang likod.
"Sasalubungin natin sila. Tayo na."
Umangat ang pulang dragon at lumipad palabas ng kweba.
-----
Sa itaas ng mataas na burol ay tinitignan ni Heneral Go Peng ang kanilang mga kalaban sa kapatagan. Patuloy pa rin ang pagpana ng kanyang mga mandirigma sa mga Barnak na nakalublob sa kumunoy. Nagtaka siya kung bakit umatras ang mga kalaban nila. Maging ang mga pula at itim na dragon na ang iba ay may sakay na mga Hoodo ay lumipad papalayo sa labanan.
Napilitang bumalik na rin sina Prinsesa Lin Zhen. Lumapag si Kaido malapit sa grupo nina Heneral Go Peng. Bumaba ang prinsesa at si Glendo. Lumapit sila sa heneral na bumaba naman sa kanyang kabayo.
"Heneral umatras na sila. Nanalo tayo." Sabi ng prinsesa na natutuwa.
"Baka taktika lang nila ang pag-atras kamahalan. Tuso si Sultan Tariq. Komandante Tsiao patigilin mo na ang mga namamana."
"Opo heneral." Sumenyas ang komandante at tumigil na sa pagpana ang kanilang mga mandirigma.
Habang wala pang labanan ay nagpatuloy sa panggagamot sa mga sugatan ang mga nimpa. Pumasok sina prinsesa at heneral sa isa sa mga itinayong tolda.
"Malaking tulong ang kumunoy na ginawa ni Prinsipe Shimatar, kamahalan. Kung wala iyon ay ewan ko na lang baka marami ang nalagas sa ating mga mandirigma."
"Ano na kaya ang nangyayari sa Amagi? Kakaunti lang ang mga mandirigmang Nomadi." Nag-aalalang sabi ng prinsesa.
"Kamahalan, malaki ang tiwala ko kay Prinsipe Shimatar. Hindi niya hahayaang matalo sila."
"Sana nga Heneral Go Peng."
"Heneral, kamahalan, may kababalaghang nagaganap sa labas!" Sabi ng tauhan nila na pumasok sa tolda.
"Ha?" Kagyat silang lumabas lahat.
"Heneral isang higanteng ipo-ipo iyan!" Sabi ng prinsesa nang makita nila sa kalayuan ang kapatagan.
BINABASA MO ANG
The Desert Prince . . . Shimatar (On Going)
FantasyIto ang kasaysayan ni Shimatar, ang kanyang buhay, pakikibaka, at pag-ibig. Siya ang prinsipe ng malawak disyerto. Isinilang siyang isang Maharlika sa loob ng isang marangyang palasyo pero lumaking mahirap sa disyerto na iba ang kinilalang mga magul...