Part 12 . . . "Rajah Roshan Suleiman"

23 3 0
                                    


"Rajah Roshan Suleiman"

Naunang nakarating sa tipanan na lugar nila ni Shimatar sa hardin ng kastilyo si Prinsesa Lin Zhen. Dahil wala pa ang binata ay nag-ensayo muna siya ng kanyang espada. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng niyayapakang tuyong dahon. Huminto siya sa pag-eensayo at napalingon sa pinangagalingan ng ingay. Lumabas mula sa madilim na bahagi ng hardin ang isang lalake.

"Shimatar. Kanina ka pa riyan?"

"Oo at pinagmamasdan kita. Mag-ensayo tayo Prinsesa Lin Zhen!" Nagulat ang prinsesa sa tawag sa kanya ni Shimatar. Lumapit ito sa kanya habang iwinawasiwas sa ere ang kakaibang hawak na espada.

"Sige!" Pumorma ang dalaga. Umatakeng bigla si Shimatar. Kakaiba ang uri ng pag-atake. Malalakas ang mga taga at may intensiyong manakit. Panay ang depensa ng prinsesa.

"Teka lang Shimatar. Hindi na ensayo ang ginagawa mo!"

Hindi sumagot bagkus ay lalong bumilis ang kilos at palakas ng palakas ang bawat pagtaga sa dalaga.

Sa pinto ni Shaman Beowol ay may malalakas na katok ang nagpagising sa Shaman. Nabuksan ang pinto.

"Bakit Prinsipe Wareq? Hatinggabi na nangigising ka!"

"Gurong Shaman. Magpapahangin sana ako kanina sa aking balkonahe ng makita ko sa hardin na naglalaban sina Shimatar at Prinsesa Lin Zhen. Mukhang balak patayin ni Shimatar ang prinsesa."

"HA! Halika at puntahan natin sila!" Nakabihis ng pantulog ang Shaman na nagmadaling lumabas ng silid.

"SHIMATAR ANO ANG NANGYAYARI SAYO?" Pasigaw na ang prinsesa.

"Gusto mo ng magandang laban pa?" Sabi ni Shimatar. Sumenyas siya at lumabas mula sa mga halaman ang tatlong taong kahoy na may hawak na malalapad at matatalim na espada. Umatake sila sa prinsesa na naguguluhan na. Bawat isa ay gustong patayin ang prinsesa. Nag-uunahan sila sa pag-atake. Bumilis ang kilos ng dalaga. Kaliwa't kanan ang pagsangga niya sa kanilang mga ulos. Umiikot siya at tumatalon ng mataas. Sumusunod ang kanyang apat na kalaban.

Nangunguna sa harapan niya si Shimatar na nanlilisik ang mga mata at malalakas ang pagwasiwas ng espada. Sa kaka-atras ng dalaga ay naka-apak siya ng bato at natumba. Isang malakas na bigwas ng espada ni Shimatar ay nabitawan ng dalaga ang kanyang espada at tumilapon ito.

"Katapusan mo na Prinsesa Lin Zhen!" Itinàas niya ang espada para tagain ang leeg ng dalaga na isasangga ang dalawang kamay.

Pagbagsak ng espada ay biglang may sumangga rito. Isang gintong sundang. Napatingin ang may hawak ng espada sa may-ari ng gintong sundang.

"Nag-iisa lang akong Shimatar, impostor." Sabi ng binata sabay ikot ng kanyang gintong sundang at tumarak ito sa dibdib ng impostor na Shimatar na nanlaki pa ang mga mata. Nabitawan niya ang kanyang espada at hinawakan ang gintong sundang.

Lalong idiniin ito ng binata na tumagos sa likod ng impostor. Nangingisay itong nakatayo at nagbabago ang anyo. Napatayo ang prinsesa habang pinagmamasdan niya ang taong gustong pumatay sa kanya.

Tumigil sa pagkilos ang tatlong taong kahoy ng mamatay ang ang taong nag-utos sa kanila. Siya namang pagdating nina Shaman Beowol at Prinsipe Wareq. Tinignan ng Shaman ang nakatayong patay. Tinanggal ang talukbong upang kilalanin kung sino. Walang buhok at kilay. Nagingitim ang kulay ng balat at dilat ang pulang-pulang mga mata.

"Isa itong Hoodo! Pinasok tayo ng mga Hoodo!" Sabi ng Shaman. Itinaas ng Shaman ang kanyang kanang kamay at tumunog ang malaking kampana sa itaas ng isang tore. Nagbukasan ang mga lampara ng mga silid. Naglabasan ang mga Shaman.

The Desert Prince . . .  Shimatar (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon