Part 7 ... Shimatar

27 4 0
                                    

"Shimatar"

Matagal niyang pinagmamasdan ang isang kagandahan na ngayon lang siya nakakita. Makinis na makinis ang kutis. Namumula ang mga labing maninipis. Mahaba ang buhok na parang buhok ng mais. Humahalimuyak ang kanyang kakaibang bango na wala sa mga kababaihan ng mga Nomadi. Tulog pa rin ang prinsesa. Maraming naggagandahang babae sa kanilang tribo pero walang nakapukaw ng kanyang mga mata. Inamoy niya ang kanyang kamay. Kakaiba talaga ang bangong dumikit nang mahawakan niya ang mahabang buhok at ang malambot na kutis na malarosas ang kulay.

"Hmmmmm!"

"Gising na siya!" Sa isip niya. Dinampot niya ang lagayan niya ng inumin at lumapit sa nagigising na prinsesa.

Dumilat ang mga mata ng prinsesa. Nakaramdam siya ng pananakit ng kanyang balikat, katawan at matinding pagka-uhaw. Nahihilo pa siya at may kalabuan ng paningin.

"Uminom ka muna." Isang boses ng lalake ang kanyang narinig at naramdaman niya ang mainit na palad na humawak sa kanyang batok at inaalalayan siyang maka-upo. Naamoy niya ang tubig sa inilapit sa kanyang bibig. Sa uhaw niya ay kaagad siyang lumagok at hinawakan niya pa ang kamay na nakatangan sa lagayan ng tubig para maka-inom siya ng marami.

"Tama na muna iyan. Mamaya naman." Muli niyang narinig ang boses na kakaiba ang lengguwahe. Lumilinaw na ang kanyang paningin at pag-iisip. Bryzantinian ang lengguwahe ng lalakeng kumaka-usap sa kanya at ngayon lang niya napagmasdan ang mukha. Mabuti at napag-aralan niya lahat ang mga lengguwahe ng ibang mga bansa. Bata pa at mukhang kaedaran pa niya ang lalakeng naka-upo sa kanyang harapan. Malaki ang katawan. Mahaba ang buhok lampas batok na itim na itim. May katangusan ang ilong at mahaba ang mga pilik mata ng mga matang na may kalaliman at kulay asul. Matangos ang manipis na ilong. Parang tumatagos sa kanya ang maamong tingin. Nakangiti.

"Sino ka? Nasaan ako?" Ang kanyang nabigkas at kinapa ang kanyang nanakit na balikat. May nakabendang tela sa sugat.

"Dahan-dahan ka lang. Baka bumuka ang sugat mo. Ako si Shimatar. Nakita kita sa disyerto at sugatan kaya ginamot kita. Sino ka naman?"

Bumalik ang kanyang alaala. Nakikipaglaban nga pala siya sa mga nakaturbang itim. Naisahan siya ng kalaban.

"Ako si Lin Zhen, taga QinChin. Maraming salamat. Isa kang Bryzantinian?" Hindi niya sinabi na isa siyang prinsesa.

Inayos niya ang kanyang pagkaka-upo. Nasa tabi niya ang baluti.

"Hindi. Isa akong Nomadi rito sa disyerto ng Maurya."

Inayos niya ang kanyang damit. Namula siyang bigla. Nakitaan ba siya ni Shimatar? Ang kanyang naitanong sa sarili. Baka nahipuan pa siya? Walang sino mang lalakeng taga Qin Shin ang nakakita pa kahit binti man lang niya o braso. Ngayon ang binatilyong nasa harapan niya ay maaaring nagsasaya sa sarili.

Napansin ng binatilyo na iba ang pagkakatitig ng prinsesa sa kanyang damit.

"Pasensiya ka na at humihingi ako ng paumanhin at patawad. Kailangan kong alisin ang damit mo kanina. Hindi kita magagamot kung nakadamit ka. Huwag mag-alala, nakapikit ako kanina kaya nga medyo nahirapan ako.

"Naiintindihan kita. Maraming salamat ulit." Lumuwag ang kanyang pakiramdam sa sinabi ng binatilyo.

"Gising na pala siya." Napalingon ang prinsesa at nakita niya ang nagsalita. Nagulat siya.

"Isang ginintuang dragon!"

Tumayo si Shimatar at lumapit kay Eldoron.

"Ito ang aking kaibigang alagang dragon, si Eldoron. Kasama kong nagligtas sayo kanina. Lin Zhen ang pangalan niya Eldoron"

The Desert Prince . . .  Shimatar (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon