Part 1 "Ang Simula"

91 3 0
                                    

Ito ang kasaysayan ni Shimatar, ang kanyang buhay, pakikibaka, at pag-ibig. Siya ang prinsipe ng malawak disyerto. Anim na malalaking kaharian ang naglaban-laban upang masakop ang buong kontinente ng Lemuria at isa lang ang mananaig.

*********
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

*******

"Tigidig! Tigidig! Tigidig!"

"Hiyaaaaaaa! Hiyaaaaaa! Bilisan mo pa Buhawi! Maabutan na natin sila!" sigaw ni Shimatar sa kanyang kabayong puti.

Hindi alintana ni Buhawi ang init ng araw at buhangin ng disyerto. Mahahaba at mabibilis ang mga hakbang ng kanyang mga paa. Hinahabol nila ang apat na bandidong nakasuot ng purong itim na damit. May suot silang itim na turban at nakatakip ng itim na tela ang mga mukha na tanging mga mata lang ang makikita.

"Hiyaaaaa!"

Malapit nang abutan ni Shimatar ang apat. Lumingon sa kanya ang dalawa. Itinaas nila ang kanilang mga pana.

Yumuko si Shimatar at humaging sa kanyang katawan ang dalawang palaso. Binunot niya ang kanyang korteng half-moon na espada. Kumintab ito sa liwanag ng araw.

Naabutan niya ang dalawang nahuhuli sa apat. Bumunot sila ng kanilang mga espada.

Tinabihan ni Buhawi ang kabayo ng isa. Umulos ang bandido na nasangga ni Shimatar. Umikot ang kanyang espada. Sinakyod ang kilikili ng bandido.

"Ughhh!"

Wakwak ang ilalim ng kamay ng bandido. Nahulog siya sa kabayo. Sinundan ni Buhawi ang ikalawang bandido. Gumuhit ang espada ni Shimatar sa likod ng bandido.

"Werggghh!"

Biyak mula batok pababa ang likod ng bandido at nahulog na rin sa kabayo. Hinabol ni Buhawi ang natitirang dalawang bandido.

Sa gitna ng dalawang kabayo ay pumasok si Buhawi. Iwinasiwas ni Shimatar ang kanyang espada sa kaliwa at kanan. Hindi nasangga ng dalawang bandido ang mga taga ng prinsipe. Lumipad ang ulo ng isa. Putol naman ang buong braso ng ikalawa. Pareho silang nahulog sa kabayo.

Tumigil sa pagtakbo si Buhawi. Bumalik sila. Bumaba si Shimatar kay Buhawi at nilapitan niya ang mga bandido. Kinuha niya ang mga nakulimbat nilang mga ginto at pilak na salapi.

"Sino ka?" tanong ng isang buhay pa. Bumubulwak ang dugo niya sa naputol na braso.

"Ako si Shimatar. Pag-aari ko ang buong disyerto. Walang sino man sa inyong mga tulisan ang maaring makaliligtas sa akin. Uubusin ko kayong lahat!"

Lumapit si Buhawi sa prinsipe. Sumakay siya. Iniwan nila ang naghihingalong tulisan.

"Tayo na Buhawi! Hiyaaaaa!"

Umalimbukay ang alikabok sa bilis ng takbo ni Buhawi.

******

Ang Simula . . .

Lemuria , isang malaking kontinenteng halos ikatlong bahagi ng mundo ay nasasakupan. Nahahati ang kontinente sa pitong kaharian o bansa na may limang klima.

Urartu, bulubunduking kaharian ng mga dragon sa Kanluran. May dalawang buhay na bulkan na tirahan ng mga pinakamabagsik na dragon. Bibihirang tao ang nakararating dito na nakalalabas ng buhay. May tatlong uri ng mga dragon ayon sa kanilang lakas at laki. Ang pinakamalaking bulkang Halendra ay ang tahanan ng mga puti at asul na dragon. Isang ginintuang dragon ang namumuno sa kanila, si Edon. Kinatatakutan siya ng lahat ng mga dragon dahil sa kanyang laki, tapang at lakas.

The Desert Prince . . .  Shimatar (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon