Pert ... 4 "Eldoron"

25 3 0
                                    

"Eldoron"

Nakabalik na sa kanyang palasyo si Rajah Omar Suleiman. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang  masamang balita sa kanyang Rani. Ayaw niyang masaktan ng labis ang Rani. Inilabas niya ang mahiwagang perlas na bigay ng nimpang si Deirah.

Pumasok siya sa kanilang silid at nadatnan niyang umiiyak na nakahiga sa kama si Rani Noorah. Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang mahabang buhok ng kanyang kabiyak. Sinimulan niyang sabihin ang masamang  balitang kinasapitan ng kanilang anak na prinsipe. Tumahan sa pagluha ang reyna at umupo. Yumakap siya sa Rajah. Hindi kumibo. Tumalab ang kapangyarihan ng perlas na hawak ng Rajah sa kaliwang kamay.

Ipinatawag ni Rajah Omar ang kanyang pangunahing ministro. Ibinigay sa ministro ang kanyang isinulat na opisyal na Pahayag para ibalita sa buong Bryzantinia na dinukot ng isang dragon ang kanilang prinsipe at napatay. Isang buwan silang magluluksa sa pagkawala ng prinsipe.

Nag-iyakan ang mga mamamayan ng Bryzantinia ng basahin na ang Pahayag ng Rajah. Kumalat ang malungkot na balita sa buong Bryzantinia at sa ibang mga bansa. Mahal na mahal ng mga mamayan ang nawalang prinsipe.

Lumipas ang mga araw, linggo at sa ikatlong buwan ang kalungkutan ng mga mamayan ay    napalitan ng saya. Isang bagong opisyal na Pahayag ang binasa. Nagdadalangtaong muli ang kanilang Rani. Nagbunyi sila.

Sumapit ang araw ng panganganak ni Rani Noorah. Hindi mapalagay ang Rajah na naghihintay sa labas ng kanilang silid. Nang lumabas ang matandang babaeng manghihilot ay kaagad na sinalubong siya ng Rajah.

"Mahal na Rajah, lalake ho ang inyong anak at kapwa sila ligtas ng mahal na Rani.

Nagtatalon sa tuwa ang Rajah at kagyat na pumasok sa kanilang silid. Nakangiti sa kanya ang kanyang kabiyak. Katabi ang kanilang anak na bagong prinsipe. Lumapit siya at hinalikan niya sa mga labi ang Rani. Hinaplos niya ang ulo ng kanyang bagong silang na anak.

"Prinsipe Elmar Suleiman ang itatawag nila sayo aking anak. Kikilanin  kang  pinakamahusay na mandirigma at magiging hari ng lahat ng Lemuria. Ituturo ko sayo lahat ng nalalaman ko. Hindi kita pababayaan. Edon, salamat sa pagbabantay mo sa aking mag-iina."

Yumuko si Edon na nakahiga sa malaking balkonahe ng silid. Mula ng magdalangtao si Rani Noorah ay hindi na siya umalis sa palasyo.

"Mahal na Rajah, dadalhin ko rito ang aking panganay na anak para siyang maging bantay ni Prinsipe Elmar."

"Sige Edon. Maraming salamat. Hindi  mauulit sa kanya ang nangyaring pagkawala ng  kanyang kapatid. Pangako ko iyan Edon." 

-----------

Makalipas ang 16 na taon ay ganap ng binatilyo si Shimatar. Lumaki siyang malaking bulas na halos kasing laki na ng pangangatawan ng kanyang dalawang kapatid na nakatatanda. Halos anim na talampakan na ang kanyang tangkad. Matipuno ang pangangatawan. Tinuturuan siya ng kanyang ama at ng mga mahuhusay nilang mandirigma sa lahat ng uri ng pakikipaglabang pisikal, sa paggamit ng iba't ibang uri ng sandata at pangangabayo.

Wala ng tumalo sa kanila ni Buhawi ang kanyang alagang puting kabayo sa habulan ng mga kabayo sa disyerto. Natutunan na rin niya ang pagsakay sa likod ni Astura ang asul na dragon ni  Mohandi.

Isang araw ay nagpapastol ang tatlong magkakapatid ng mga alaga nilang hayop ng humahangos na dumarating ang isa mga kasamahan nilang nagpapastol.

"Benzar, sumalakay na naman ang musang. Dalawang babaeng tupa ang pinatay niya at nawawala ang isang batang tupa."

"Peste na talaga ang musang na iyan. Kailangan na nating kumilos. Ilang  taon na siyang namiminsala sa ating mga hayop. Benzar kunin mo ang ating mga pana. Hahanapin natin muli ang musang." Sabi ni Adnan. Tumayo si Shimatar. Hawak niya ang kanyang punyal at may inuukit siya sa isang kahoy.

The Desert Prince . . .  Shimatar (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon