"Rajah Omar Suleiman"
Pinagmamasdan ni Edon ang mukha ni Shimatar habang naghihintay siya sa isasagot ng binatilyo. Alam niya kung magsisinungaling sa kanya ang kausap o hindi. Kung natatakot o kinakabahan. Naririnig niya ang tibok ng puso.
"Nakita ko ito na nakatarak sa buto ng isang patay na dragon at binunot ko."
"Saan mo nakita ang patay na dragon?"
Doon sa itaas ng bundok ng Amagi. May isang kweba roon na pinasok ko. Nasa loob ang patay na dragon."
"Astura alam mo ang kwebang sinasabi niya?"
"Oo Edon. Doon din niya natagpuan si Elderon noong itlog pa lang."
Nagtago naman ang itim na musang sa likod ni Elderon para hindi siya mapansin ni Edon.
"Samahan mo ako Astura. Puntahan natin ang sinasabi niyang kweba. Dumito lang kayo Shimatar. Babalik kami."
Naunang lumipad si Astura. Sumunod si Edon.
"Umuwi na muna kayong lahat. Ang iba ay bumalik na sa pastulan. Hindi naman pala kalaban ang dumating." Sabi ni Mohandi.
Naiwan silang mag-aama. Lumapit si Shimatar kay Elderon.
"Elderon ano ang ginawa ninyo kanina ni Eldon. Bakit idinikit ang ulo niya sa iyo?
"Nakita namin ang nakaraan, ang pinagmulan niya o ako at ang pagkakapatay sa ama niyang si Bahatma. Naramdaman kong parang ama ko rin si Bahatma. Sabi ni Edon ay magkapatid kami pero hindi ko pa naramdaman na ako ang isa sa mga ginintuang itlog na ninakaw.
Napatingin si Shimatar kay Glendo na sumisilip sa likuran ni Eldoron. Hindi niya maaaring sabihin na alam na niya ang pinagmulan nina Edon at Eldoron dahil malalaman nila kung sino si Glendo. Kailangan mapatawad ni Eldoron si Glendo ng hindi niya alam kung sino si Glendo para mawala ang sumpang mantra ni Gondolf at manumbalik ang pagiging tao at Shaman ni Glendo.
Sa itaas ng bundok Amari ay nakatayo sina Astura at Edon sa harapan ng bunganga ng itim na kweba.
"Ito ang Guyana ang itim na kweba. Sa loob nakita ni Shimatar ang patay na dragon at si Eldoron noon. "
"Mukhang maliit ang bunganga para makapasok ako sa loob Astura. Kaya mo bang pumasok sa loob?"
"Hindi rin ako magkakasya Edon."
"Hmmmm. Kakausapin ko na muna si Rajah Omar."
"Elcid nasaan kayo ni Rajah?"
"Naririto kami sa hardin ama. Bakit?"
"Sabihin mo sa kanya na ginintuang dragon nga ang sinasabi ni Shintao. Maaaring kapatid ko pa siya. Bata pa at tatlong buwang gulang pa lang. Eldoron ang pangalan." Naghintay siya sa sagot ni Elcid. Hindi naririnig ni Astura ang kanilang usapan.
"Sino raw ang nakatagpo kay Eldoron?
"Shimatar ang pangalan. Isang binatilyong Nomadi. Sabihin mong nakita ko rin ang gintong sundang dito."
"Saan mo raw nakita riyan?"
"Hawak ni Shimatar. Binunot daw niya mula sa kalansay ng isang dragon dito sa loob ng kweba sa bundok ng Amagi."
" Ama pupunta kami riyan. Gustong makita ni Rajah ang kalansay ng dragon at maka-usap si Shimatar."
"Sige. Hihintayin ko kayo dito sa itaas ng bundok Amagi."
BINABASA MO ANG
The Desert Prince . . . Shimatar (On Going)
FantasyIto ang kasaysayan ni Shimatar, ang kanyang buhay, pakikibaka, at pag-ibig. Siya ang prinsipe ng malawak disyerto. Isinilang siyang isang Maharlika sa loob ng isang marangyang palasyo pero lumaking mahirap sa disyerto na iba ang kinilalang mga magul...