"Shaman Prinsipe"
--------
Nakasakay si Prinsesa Lin Zhen at Glendo kay Kaido. Handa na sila. Nakahanay ang mga mandirigmang walang kabayo ng prinsesa. Handa na ang kanilang mga pana at palaso. Sa likuran nila ay ang mga nakakabayo.
"Heneral bakit hindi pa tayo ang unang sumalakay?"tanong ni Commander Tsiao.
"Maghintay tayo. Sundin natin ang plano ni Shimatar."
"Bigyan mo ako ng sampung libo heneral at sasalakay kami sa kaliwa nila."
"Commander Tsiao huwag kang magmadali. Makinig ka!" Sabi ni Heneral Go Peng na nainis na sa makulit niyang komandante,
Lumipad si Kaido at sumama sa ibang puti at asul na dragon. Nasa malawak na parang ang mahigit sa tatlong daang libong mga mandirigmang Barnak at Otto. Ngayon lang nakakita ng ganito karaming kalaban ang prinsesa. Malahigante pa ang laki ng mga Barnak.
Nagpa-ulan ng sunod-sunod na libo-libong mga palaso ang mga Barnak sa mga mandirigma ng QinChin bago sila sumalakay. Isang itim na Shaman ang humudyat. Nagtakbuhan na sila at sumabay sa kanila ang mga mandirigmang nakakabayo ng Otto. Sa itaas ay ang mga pula at itim na dragon na may sakay na Hoodo ang iba. Nangunguna sa mga pulang dragon si Asok na may tatlong ulo. Sakay niya sa likuran si Prinsipe Wareq.
Itinaas ang mga malalapad na kalasag ng mga mandirigmang QinChin. Nagdikit-dikit sila. Umatras ang mga nakakabayo upang hindi sila abutan ng mga palaso ng mga Barnak. Dumilim ang kalangitan sa dami ng mga palaso na karamihan ay may kalakihan. May tinatamaan pa rin sa kanila na nilalapitan ng mga nimpa upang gamutin kaagad.
Sumenyas ang heneral at sila naman ang nagpa-ulan ng libo-libong palaso. Naghihiyawan ang mga Barnak sa pagsalakay. Hindi nila pinapansin ang mga palasong tumatarak sa kanila. Ang gusto nila äy makapatay kaya bumilis ang kanilang mga takbo.
Sumugod na rin ang mga pulang dragon na sinalubong nina prinsesa at ng mga alagad na dragon ni Edon.
"Prinsesa ang mga Hoodo ang unahin mo bago pa sila makapaminsala ng husto."sabi ni Glendo. Nakatayo ang prinsesa na nakadikit ang katawan sa suportang kahoy na nasa likod ni Kaido at naka-upo si Shaman Glendo.
Nagpapakawala ng mga maraming palaso at punyal ang mga Hoodo sa mga mandirigmang QinChin. Ang iba ay gumagawa ng bolang apoy na hinahagis nila. Nagbubuga naman ng apoy ang kanilang mga sinasakyang pulang dragon. Sinalubong sila ng mga puting dragon upang hindi sila makapaminsala ng husto sa mga mandirigma ng QinChin. Hinabol rin sila ni Kaido. Nakita ng mga Hoodo ang prinsesa. Siya naman ang kanilang hinarap.
Bumulong si Shaman Glendo at isang liwanag na harang ang bumalot sa kanila kasama si Kaido. Sinasangga ng harang ang mga palaso, punyal at bolang apoy ng mga Hoodo. Itinaas ng prinsesa ang gintong sundang. Ipinukol ito sa hinahabol nilang Hoodo. Nakita ng Hoodo ang gintong sundang at bumigkas siya ng mantra ng mahika negra pero hindi niya napigilan ito. Tumarak sa kanyang leeg. Napaupo siyang nangingisay sa likod ng pulang dragon nä bumuwelta para harapin si Kaido.
"Eros!" Sigaw ng prinsesa. Nabunot ang gintong sundang at mabilis na lumipad pabalik sa kanya na muli niyang ipinukol nang mahawakan.
Tumusok si Eros sa ilalim ng leeg ng pulang dragon na umabot sa puso. Umikot ito sa ere pabagsak sa lupa. Nahulog ang sakay niyang patay na Hoodo.
"Eros!"
Nakaabot ang mga sumasalakay na Barnak sa lugar na nilagyan ng mantrang mahika ni Shimatar. Bigla naging basa ang lupa. Naging malambot at malapot na burak. Hindi makahakbang ng mabilis ang mga Barnak at mga kabayong ng mga mandirigma ng taga Otto. Habang gumagalaw sila ay lalo silang bumabaon sa putik. Pina-ulanan sila ng mga palaso ng mga mandirigma ng prinsesa. Sumisid ang mga asul at puting dragon at binugahan nila ng apoy ang mga Barnak. Nangamoy sunog na karne at kasuotan ng mga Barnak ang paligid. Nagsisigawan sila na ang iba ay lumulubog na sa lupang naging kumunoy na burak.
BINABASA MO ANG
The Desert Prince . . . Shimatar (On Going)
FantasyIto ang kasaysayan ni Shimatar, ang kanyang buhay, pakikibaka, at pag-ibig. Siya ang prinsipe ng malawak disyerto. Isinilang siyang isang Maharlika sa loob ng isang marangyang palasyo pero lumaking mahirap sa disyerto na iba ang kinilalang mga magul...