"Itim na Puso"---------
Hindi mapalagay si Punong Shaman Ageolf. Hindi niya matanggap na sa ilalim ng kanyang pamamahala pa nakapasok ang Hoodo sa Velgotha. Pagkatapos ng agahan ng anim na Tiro ay nagmadali siyang umalis.
"Ilan kaya silang pumasok? Kailan ay mahuli sila kaagad. Ano pa kaya ang pakay nila rito sa Velgotha. Ang aklat ni Shaman Gondolf! Ahhh! Hindi maaaring ang aklat ang pakay pa nila!" Iniisip niya habang paakyat sa hagdang bato. Huminto siya sa tapat ng saradong pintuan ng silid ng kaliwang tore. Lumingon muna siya sa kanyang likuran bago binigkas ang mahikang mantra . . .
"Fac me introire!"
Bumukas ang pinto. Muli siyang lumingon sa likuran bago pumasok. Sumara ang pintuan ng nasa loob na siya ng silid. Walang gamit o ano mang bagay sa loob ng pabilog na silid. Malinis. Tinignan niya ang sahig. Makapal ang alikabok. Walang bakas maliban sa bagong likhang bakas ng kanyang mga sapatos.
"Surge est mihi!"
Umangat ang bilog sa gitna ng sahig na semento hanggang sa kasing taas niya. Nasa loob ang isang makapal na lumang aklat. Kinuha niya. Bubuklatin sana ng biglang may tumama sa kanyang ulo. Nabitawan niya ang aklat. Nawalan siya ng malay tao at natumba.
Umangat ang aklat at lumutang ito sa ere. Kusang bumuklat ng ilang saglit at sumara.
"Fac me introire!" Isang boses ang nagsalita at nabuksan ang pinto ng silid. Lumabas ang lumulutang na aklat. Bumaba ito ng hagdanan. Dumaan sa mga pasilyo hanggang sa makarating sa tapat ng pinto ni Prinsipe Wareq. Bumukas ang pinto at pumasok ang aklat. Lumitaw ang prinsipe nang nasa loob na ng kanyang silid.
"Nakuha mo ang aklat mahal na prinsipe," sabi ng isang Hoodo.
"Oo. Asok umuwi ka mamayang gabi sa Otto. Dalhin mo itong aklat kay ama."
Lumapit siya sa pulang dragon at inilagay niya ang aklat sa lagayang bag sa likod nito.
"Prinsipe Wareq naramdaman namin ang makapangyarihang mantra ni Shaman Gondolf kanina. May nakakita na!"
"Alam na ba ninyo kung nasaan ngayon ang mantra?"
"Oo. Nasa ilalim ng kastilyo. Sa lihim na libingan ng mga Punong Shaman."
"Makukuha ba ninyo ngayon?"
"Kung papayagan mo kaming lumabas ay makukuha namin."
"Sige pero mag-ingat kayo sa mga Cerberus. Hindi sila tinatalaban ng Mahika Negra."
"Alam na namin kung paano sila maiiwasan."
"Sige bilisan ninyo. Babalik ako ng silid aklatan para hindi sila maghinala."
Lumabas siya ng silid kasunod ang dalawang Hoodo. Magkaiba sila ng direksyong nilakaran sa pasilyo. Naglaho ang dalawang Hoodo habang naglalakad.
Walang tao ang pasilyong patungo sa silid akalatan. Nagmamadali siya sa paglakad. Malapit na siya sa pintuan ng silid aklatan ng sa kabilang kanto ng pasilyo ay lumabas sina Shimatar at ang musang itim. Nakita siya ng dalawa. Naghintay siya. Tinignan niya ang hawak na gintong esdada ni Shimatar na nakasukbit sa baywang ng binata.
"Mukhang may kalaban ka sa loob ng silid aklatan Shimatar. May dala kang espada."
"Ito ba ang tinutukoy mo Wareq?" Tinanggal niya sa pagkakasukbit ang espada at binunot sa lagayan nito. Kuminang ang matalim na gintong espada. Biglang tinakpan ni Wareq ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Desert Prince . . . Shimatar (On Going)
FantasyIto ang kasaysayan ni Shimatar, ang kanyang buhay, pakikibaka, at pag-ibig. Siya ang prinsipe ng malawak disyerto. Isinilang siyang isang Maharlika sa loob ng isang marangyang palasyo pero lumaking mahirap sa disyerto na iba ang kinilalang mga magul...