Part 20 . . . Hubo't hubad na Sultan

23 3 0
                                    

"Hubo't hubad na Sultan"

--------

Lalong lumakas ang buhawing apoy na likha ni Sultan Tariq Uhmran. Humihina na ang harang na pinalalakas nina Glendo, mga QinChin shamans at ni Deirah ang reyna ng mga nimpa. May nagsisimula ng lumusot na mga bolang apoy sa harang at nasasabugan ang mga mandirigma ng QinChin.

"Kamahalan kailangan nating umatras pa. Hindi na kaya nina Reyna Deirah ang buhawing apoy."

Nag-iisip si Prinsesa Lin Zhen. Nasa kamay niya ang mga buhay ng kanilang mga mandirigma. Pero kung aatras sila ay wala ng hahadlang pa sa mga mandirigma ni SultanTariq. Manganganib ang buong imperyo. Mamiminsala na rin ang buhawing apoy sa kanilang imperiyo. Nilapitan niya sina Glendo.

"Glendo, Reyna Deirah kaya pa ba ninyong pigilan ang buhawing apoy?"

"Napakalakas ng buhawi prinsesa. Mapipigil ko ng isang oras." Sagot ng reyna ng mga nimpa.

"Ako rin kamahalan." Sabi ni Glendo.

"Kamahalan! Masdan ninyo sa ibaba ng buhawing apoy!"

"Ang mga Barnak!" Sabi ng prinsesa.

Umaatake na ulit ang mga Barnak at hindi sila naaapektuhan ng buhawing apoy.

"Humanda kayong lahat! Lalaban tayo hanggang sa kahuli-hulihang mandirigma ng QinChin. Kapag nakalusot sila sa atin ay manganganib ang buong imperyo." Sigaw ng prinsesa.

"HUM! HUM! HUM!

Sabay-sabay na sagot ng mga mandirigma. Pinupukpok na nila ang kanilang mga panangga gamit ang kanilang mga espada.

"Kamahalan bumalik na muna kayo sa palasyo. Kami na ang maiiwan dito." Sabi ni Heneral Go Peng.

"Hindi heneral. Katungkulan kong ipagtanggol ang imperyo."

Malapit na ang mga Barnak. Kasunod nila ang mga nakakabayong mga mandirigma ng Otto.

"Wala ng magagawa ang inyong harang. Ano mang saglit ay mabubuwag na iyan ng aking buhawing apoy. Huli na para kayo ay umatras. Hindi ko rin tatanggapin ang inyong pagsuko. Wala akong ititirang buhay sa inyong lahat. Ha ha ha!" Sigaw ni Sultan Tariq na narinig ng lahat dahil pinalakas niya gamit ang kanyang mahika negra.

Karamihan sa mga mandirigma ng QinChin ay nangangamba na. May ilang dahan-dahang umaatras. Hindi lingid ito sa prinsesa pero hindi niya sila pinipigilan o sinasabihan.

Sa likuran ng buhawing apoy at ng mga sumusugod na mga mandirigmang Barnak at taga Otto ay lumitaw ang isang portal. Lumaki ito. Unang lumabas ay isang ginintuang dragon, si Elderon. Kasunod niya ay si Shimatar na nakasakay kay Buhawi. Nakasunod ang may sampung libong nakakabayong mandirigmang Bryzantinians. Lahat sila ay hindi nakikita dahil sa mahika ni Shimatar maliban kay Elderon.

Nakita ng binata ang dambuhalang buhawing apoy. Malapit na nitong masira ang harang ng mga taga QinChin.

"Ignem turbo cessisti ac substitit nere. Sequere ordinem meum. Tu sub mea potestate es."
"(Umatras ka buhawing apoy at tumigil sa pag-ikot. Sundin mo ang utos ko. Nasa ilalim ka ng aking kapangyarihan.)" Sigaw ng binata.

Umatras at huminto sa pag-ikot ang malakas na hangin. Nanatili itong mukhang buhawi dala ang makapal na alikabok na bumababa sa lupa. Nagbagsakan naman sa lupa ang mga bolang apoy. Ang iba ay bumagsak sa mga Barnak at mandirigmang taga Otto. Sigawan sila dahil nasusunog ang kanilang mga katawan.

Nanlaki ang mga mata ni Sultan Tariq. Hindi niya alam kung bakit huminto sa pag-ikot ang buhawing apoy.

Nagtataka naman sina Prinsesa Lin Zhen sa nangyari. Tinignan niya si Sultan Tariq na tumayo na sa likod ng kanyang pulang dragon. Nakatingin ang sultan sa ibaba.

The Desert Prince . . .  Shimatar (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon