Part 15 . . . "Barnak "

30 4 0
                                    


"Barnak"

-------------

Mohenjo isang malawak at mahabang maputik na lambak na pinamumugaran ng iba't ibang uri ng mga mababangis na hayop. Walang gustong mangaso ng mga hayop dito dahil bawat naliligaw sa lambak ay hindi na nakaka-uwi. Nasa pagitan ang lambak ng Mohenjo ng dalawang magubat na bundok na ang dulo nito ay ang malawak na karagatan ng Ocina.

Ayon sa unang kasaysayan ng Lemuria ay sinalakay ng mga Barnak ang kontinente noong nagsisimula pa lang umunlad ang limang kaharian. Walang nakakaalam kung saang kontinente sila galing. May nagsasabing nagmula ang mga Barnak sa kontinente ng Mauritia pero walang makapagpatotoo.

Malalaking taong mandirigma at mababangis ang mga Barnak. Wala silang kinakatakutan. Wala silang patawad. Bawat nilalang na maliban sa kanila ay tinuturing nilang mga mababang uring mga nilalang. Bihasa sila sa ano mang uri ng labanan.

Libo-libong malalaking barko ang dumaong sa dalampadigan ng Mohenjo. Ang iba ay nasa karagatan. Dito sa lambak sila unang nakita ng mga Lemurians noon. Wala silang mga kabayo at libo-libo silang tumatakbo ng walang kapaguran. Unang sinalakay nila ay ang kaharian ng Otto. Bawat makita nilang buhay na walang silbi para sa kanila ay kanilang pinapatay at ang iba na kanilang napipili ay kanilang binibihag upang gawing mga alipin. Sa loob lamang ng tatlong buwan ay halos lahat ng limang kaharian ay kanilang nasakop. Namundok ang mga mandirigma at mamamayan ng mga kaharian upang makaligtas sa kalupitan ng mga Barnak.

Isang nakahahawang sakit ang nagpatigil sa mga Barnak na magpatuloy sa pananalasa. Umatras sila. Walang magawa ang kanilang mga manggagamot. Daang libo ang mga namamatay araw-araw. Dito sa lambak ng Mohenjo nila inilibing ang mga namatay. Ipinasok ang iba sa mga yungib ng dalawang bundok. Sa mahigit na isang milyong sumalakay na mga Barnak ay wala pa sa limangpung libong mandirigma ang nakasakay ng kanilang mga barko at umalis. Ang mga libo-libong naiwang mga barko ay niluma ng panahon sa karagatan at sa katagalan ay lumubog.

Sa itaas ng isang burol ay nakatayo si Sultan Tariq Uhmran kasama ang daan-daang itim na Shaman at Hoodo. Katabi niya si Prinsipe Wareq. Pinagmamasdan nila ang kahabaan ng lambak na tinubuan ng maliliit na mga puno. Inilabas ng sultan ang gintong silindro.

" Fom protegat iniuriam magicae!"

Lumiwanag ang gintong silindro. Tinanggal niya ang takip at inilabas ang nakarolyong katad ng hayop. Nagliliwanag ang bawat titik ng nakasulat na mantra.

" Omnia oriri et, ut iubes me Barnak servi eritis mihi in aeternum!" Malakas niyang sigaw.

Dumilim ang kalangitan. Lumakas ang hangin sa lambak. Kumikidlat na hindi naman uulan. Nagkagulo ang mga hayop sa lambak na parang mayroon silang kinakatakutan. Nagtatakbuhan sila palabas ng lambak. Parang kumulo ang maputik na lupa. Nabibiyak at umaalsa. Nagsimulang maglabasan mula sa mga nabibiyak na umumbok na lupa ang mga mabubutong kalansay na mga kamay na nagkakalaman at balat. Lumilitaw ang mga malalaking ulo habang umaalsa ang lupang kanilang himlayan. Nagtayuan ang mga mukhang bangkay na mga Barnak na hindi na mabilang sa dami. Mula sa mga lumang kweba ay naglalabasan sila at bumababa sa bundok.

Nangamoy malansa at nabubulok na laman ang buong lambak dahil sa hindi ganap na buo ang mga balat ng mga katawan ng ibang nabuhay. Mahahaba ang kanilang mga buhok na ang karamihan ay nakakalbo. Gula-gulanit at nadudurog ang mga suot nilang mga damit at nangangalawang na baluti dahil sa sobrang niluma na ng panahon. Tumingala silang lahat at tinignan ng mga pula nilang mga mata ang kanilang bagong panginoon na nakataas ang dalawang kamay na natayo sa ibabaw ng isang burol.

"HA HA HA HA! PAGMASDAN NINYO ANG AKING MGA MANDIRIGMA. IHANDA ANG MGA GINAWA NINYONG MGA DAMIT AT BALUTI NILA. IBIGAY ANG KANILANG MGA SANDATA. GUMAWA PA KAYO NG MARAMING SANDATA. IHANDA SILA SA NALALAPIT NA PAGSALAKAY NATIN SA BRYZANTINIA AT QINCHIN!" Sigaw ng sultan. Tinakpan niya ng itim na tela ang kanyang bibig.

The Desert Prince . . .  Shimatar (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon