Part 17 . . . "Simula ng Ikalawang Digmaan sa Lemuria"

32 4 0
                                    


"Simula ng Ikalawang Digmaan sa Lemuria"

------------

Pinulong ni Rajah Omar Suleiman ang kanyang mga pinunong Lakan matapos silang kumain. Nasa loob ng malaking bulwagan sina Edon, Elcid at Elderon. Pinag-uusapan nila kung anong estratehiya ang kanilang gagawin ngayong papalapit na ang digmaan. Nakikinig lamang si Shimatar sa ama. Katabi pa rin niya ang kanyang ina sa bulwagan. Iba ang kanilang pinag-uusapang mag-ina. Gusto niyang makabawi kahit man lang sa mga ganitong sandali dahil malapit na siyang bumalik sa Amagi. Nasa gitna na ng pagpupulong ang mga pinuno ng ibalitang dumating na ang mga nimpa.

Kaagad na pumasok sa palasyo ang magkapatid na Meliae at Deirah.

"Kaibigang Rajah nagsimula ng kumilos ang mga Barnak." Ang pambungad na balita ni Meliae. Kumumpas siya sa ere at lumitaw ang malaking pangitain. Napatayo ang binata at napagpaalam sa ina. Lumapit siya sa mga nagpupulong. Gusto niyang makita ang mga Barnak.

"Marami nga sila. Tila nahahati sila sa tatlong grupo. Sàan ito Meliea?"

"Palabas ng parang ng Mohenjo iyan kaibigang Rajah.

"Tatlong grupo pero iba-iba ang direksyong pupuntahan. Ilabas ang mapa ng Lemuria.

Isang pinuno ang naglabas ng isang nakarolyong balat ng hayop. Ipinatong ito sa malaking mesa.

Pinagmasdan ng Rajah ang mapa at ang pangitain. Itinuro niya sa mapa ang lambak ng Mohenjo kung nasaan maaaring nagmamartsa ang mga Barnak. Tinignan niya ang direksyon ng kanilang pupuntahan.

"Sasalakay sila sa hangganan ng QinChin, Amagi at sa ating hangganan ng Kapella. Ang gitnang grupong ito ay hindi dadaan ng Amagi. Tatlong sabay-sabay na pagsalakay ang gagawin nila. Katulong nila ang mga alagad ni Sokar. Maaaring mga Hoodo ang mga nakasakay sa mga pula at itim na dragon."

"Lumabas na rin sa syudad ng Anzio ang mga mandirigma ni Sultan Tariq Uhmran. Sasanib sila sa mga Barnak." Ipinakita ng reyna ng mga nimpa ang mga mandirigmang naka-kabayo. May suot silang itim na damit at itim na baluting bakal. Itim ang kanilang mga turban at nakatakip ang kanilang mga mukha. May dala silang mga bilog na kalasag, pana, sundang at espada.

"Pinalalakas ni Sultan Tariq ang kanyang puwersa. Sa mga Barnak pa lang ay malakas na sila."

"Malalaki ang mga Barnak ama. Saang lupalop kaya sila galing?" Paano sila nakarating ng Otto?" Nag-alala siya ng makita ang mga Barnak dahil naisip niya ang prinsesa na lalaban din sa kanila.

"Nasa kasaysayan ng Lemuria ang mga Barnak Shimatar. Muntik na nilang masakop ang buong Lemuria noong unang panahon. Marahil ay tinulungan tayo ni Bathala noon kaya umatras silang lahat. Ngayon ay muli nating kailangan ang tulong ni Bathala.

"Kaibigan Rajah. May iba pang pangkat ang pasalakay sa Amagi."

Lumitaw sa pangitain ang mga nakakabayong mandirigmang Mumbas na palabas sa kanilang malaking bayan na nasa isang lambak. Nangunguna ang ilang mga Shamang naka -itim na damit.

"Ama katulad sila ng mga sumalakay noon sa Amagi."

"Oo Shimatar. Noon pa ay duda na akong si Sultan Tariq ang may pakana ng pagsalakay sa Amagi."

"Kaibigang Rajah, hindi lang si Sultan Tariq ang gustong sumalakay ngayon. Kapatid ipakita mo sa kanya ang naramdaman at nalaman natin." Sabi ni Deirah.

Nagbago ang pangitain at lumipat sa malawak na lawa ng Aspen. Naglalayag ang mga malalaking pangdigmang barko ni Haring Ragnar. Sa hangganan ng Maurya at Nordik at nasa disyeto na ang mga mandirigmang nakakabayong Nordik. Sa bulubunduking patungo sa hangganan ng QinChin at Nordik ay may nakakabayong mandirigma rin na naglalakbay. Sa karagatan ng Ocina ay higit na marami ang mga barkong pandigma ng Nordik na naglalayag patungong Bryzantinia.

The Desert Prince . . .  Shimatar (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon