Part 6 ... Prinsesa Lin Zhen

25 4 0
                                    

"Prinsesa Lin Zhen"

Masama ang tingin niya sa disyerto. Mainit ang sikat ng araw at nakikita niya sa ibabaw ng ginintuang buhangin ang pagsingaw ng alon-alon na alimuom na likha ng mainit na buhangin. Kumuha siya ng buwelo at tumakbo ng mabilis. Bumabaon sa buhangin ang kanyang mga paa. Iniladlad niya ang kanyang dalawang malalaking pakpak at ikinampay ng mabilis. Umangat siya ng mga sampung dipa.
Matutuwa na sana siya dahil umangat na siya sa ere nang bigla siyang nawalan ng balanse at bumagsak sa mainit na buhangin. Sumubsob pa ang kanyang ulo.

"Ha ha ha! Eldoron! Ilang beses mo ng pinagtangkaang lumipad. Hindi ganyan." Kantiyaw ni Shimatar sa kanyang dragon. Tinignan siya. Nagsasanay sa paggamit ng gintong sundang ang binatilyo. Pinapaikot niya sa kanyang mga daliri ang mabigat na sundang.

"Ikaw na lang kaya ang lumipad Shimatar. Mabigat yata ako kaya hindi ako umaangat."

"Kaya mo iyan. Mabuti pa ay magpaturo ka na kay Astura kanina pa siya umiiling-iling sa ginagawa mo."

Sa awa ni Astura ay lumapit siya kay Eldoron.

"Tuturuan mo na ba ako Astura?"

"Oo. Gawin mo ang sasabihin ko sayo mamaya."

"Sige."

Dumapa sa buhangin ang higanteng dragon.

"Umakyat ka sa likod ko Eldoron. Huwag ka munang gagalaw hanggat hindi ko sinasabi."

Sumunod ang ginintuang dragon. Lumadlad ang mga malalaking papak ni Astura. Tumayo siya. Biglang umigkas paitaas at ikinampay ang mga pakpak. Muntik pang mahulog si Eldoron. Tumaas ng tumaas ang lipad ni Astura. Pumaibabaw siya sa mga ulap. Naramdaman ni Eldoron ang malakas na bugso ng hangin sa kanyang mukha. Natuwa siya. Ngayon lang niya naranasan ang makarating sa ibabaw ng mga ulap.

"Nakita mo ba kanina paano ako umigkas at nakalipad?"

"Oo."

"Kaya kang dalhin ng mga pakpak mo gaano ka man kabigat. Isipin mong kasing gaan ka ng ulap bago ka umigkas paitaas at lumipad. Naramramdaman mo ba ang hangin?"

Huminto sa pagkampay si Astura. Nakaladlad lang ang kanyang mga pakpak.

"Gayahin mo ang aking mga pakpak. Salubungin mo ang malakas na hangin kapag hindi ka kumakampay. Kung gusto mong puma-itaas ng hindi kumakampay ay hanapin mo ang mainit na hangin. Iaangat ka ng init pataas."

Lumadlad ang mga pakpak ni Eldoron habang nasa ibabaw siya ni Astura. Naramdaman niya ang pag-angat ng kanyang katawan. Nalaman niya ang kakaibang lakas ng pagdaan ng hangin sa ilalim at ibabaw ng nakaladlad niyang pakpak. Biglang lumipad ng patagilid si Astura at napahiwalay si Eldoron na nagulat pa.

"Ikampay mo na ang iyong mga pakpak ng marahan dahil nasa itaas ka na."

Sumunod siya sa sinabi ni Astura. Hindi bumababa ang kanyang paglipad. Natuwa siya.

"Nakalilipad na ako Astura."

"Sumunod ka sa akin. Gayahin mo lahat ang gagawin ko. Tignan mo ang aking mga pakpak at ang kilos ng aking buong katawan at buntot."

"Sige."

Mabilis na natuto sa paglipad ang ginintuang dragon. Kahit ang pagtikom ng kanyang mga pakpak sa ere ay nagagawa na niya. Sumisidsid na rin siya pababa ng mabilis. May pa-zigzag at patagilid na lipad na siya. Hanggang sa maituro na lahat sa kanya ni Astura kung ano ang gagawin. Natuwa sina Shimatar at Glendo na nanonood sa ibaba.

Lumapag si Eldoron malapit kina Shimatar at Glendo. Naglakad siya ng buong yabang. Natawa sa kanya ang dalawa.

"Dahil marunong ka nang lumipad ay may isang tupa ka mamaya Eldoron."

The Desert Prince . . .  Shimatar (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon