CHAPTER TWENTY-ONE | An unexpected visitor

14 0 0
                                    

ARIANNE

"Marco! Nasaan ba ang star ng Christmas Tree?"

Isang araw na bago ang Pasko at ngayong umaga ay kasalukuyan nang binubuo ang Christmas Tree namin para sa Noche Buena mamayang gabi. Pinapatanong ni Ate Monique sa pinsan ko kung nasaan ang star na siyang ipapangsabit sa itaas ng puno. Parang kailan lang, puro swerte at malas ang dumating hindi lang para sa'kin, maging ng pamilya ko. Paano na lang kaya kapag isa pang pagsubok pa ang darating sa'min hanggang sa matapos ang taon?

Hindi ko na alam.

"Nandito sa'kin!" Nilakasan niya ang kanyang boses dahilan para ito’y marinig ni Ate Monique bago isabit sa itaas. Matapos ang ilang oras na pag-aayos, sa wakas at nakabuo kami ng isang simple pero magarbong Christmas Tree na siyang inipon mula sa storage room. Mula sa mga Christmas balls na kulay gray at red hanggang sa decorations na pinagplanuhan namin tulad ng snowflakes, gold lights, brown and gray stringed garlands, ganoon na rin ang tinsels na parehas ang kulay. Mukhang maganda naman siya, pero may sinabi si Kuya Kenzo sa'min. Palipat-lipat siya ng tingin mula sa Christmas tree hanggang sa'ming apat. 

"Alam niyo, parang may kulang."

"May… kulang?" rinig kong banggit ni Marco sa kuya niya. Tumango muna siya bago siya naglakad papalayo sa'min. Narinig ko ang bawat padyak ni Kuya Kenzo dahil tila may kukunin siya sa itaas ng kwarto nilang dalawa. Pagkatapos niyan ay bumaba siya papunta sa'min dala ang dalawang regalong nakabalot at inilagay iyon sa ibaba ng Christmas Tree. 

"Heto, mukhang mas maganda siya kaysa sa inaasahan," suhestyon niya bago kami utusan. "Arianne, Marco, tulungan niyo akong kunin yung mga regalong pinadala nila galing doon sa Maynila. Bilisan niyo, ha!" 

Sumunod naman kaming dalawa at salitan kaming kumuha ng regalo na ilalagay namin sa ibaba ng punong iyon, habang sina Ate Trina at Monique naman ay kumuha na rin ng puting parisukat na unan at puting laundry rack na pabilog para sa iba pang mga regalo. 
Nang matapos ay lumingon kaming lima at palipat-lipat rin ang tingin namin sa mga sinabit namin sa loob ng bahay. 

"That's looks perfect,” bulong ni Marco habang tinatanaw niya ang mga iyon. Sumilay ang mga ngiti na nangniningning mula sa’ming mga mata na parang ramdam na ramdam namin ang Pasko. Nagtawanan kaming lima at pagkatapos ay tinungo namin ang lamesa para roon kami mag-agahan pagkatapos ng ginawa namin kanina.

***

"May isa pa akong kwento na hindi ko pa nasasabi kina Arianne at Kenzo," panimula ni Ate Trina pagkatapos niyang punasan ang kanyang kamay dala ng kanyang paghugas. “naikwento ko na kasi ito kay Marco noon." 

Break time na namin ngayon at bago kami magpatuloy ay kakain muna kami ng agahan — tinapay at palaman na may kasamang gatas. Niyaya namin si Marco na kumain na, pero aniya, susunod na lang siya dahil may aasikasuhin siya kasama si Tito.

"Ano po iyon?" tanong ko sa kanya bago siya umupo at inumin ang kanyang gatas. She sighed, ready to tell her story about her boyfriend. Matagal na yatang walang balita sa'min kung kamusta na ba sila ng nobyo niyang si Elijah, kung nag-aaway na ba sila o hindi. 

"2 months ago, Elijah and I broke up due to the fact that his ex got pregnant," she revealed melacholicly without shedding any tear in her eyes. "That night was a painful day for me. I gave him all that I wanted, binigay ko na ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya, lahat ng efforts ko ginawa ko tuwing monthsary namin, na kahit busy siya, tinuloy-tuloy ko pa rin iyon. Ni sarili ko nga wala akong matira dahil nasa kanya lahat ang atensyon ko.

"Pero noong gabi na naghiwalay kami, sabi ko sa sarili ko, sana maging okay na ang lahat sa'ming dalawa. Noong mga isa o dalawang linggo halos ‘di na  kami nagkakausap kaya tinatak ko sa isipan ko na, 'Siguro masaya na siya ngayon sa ex niya.'" Sa kinuwento niyang iyon ay hindi niya ito maiwasan na mapaluha sa situwasyon niya. Bawat salaysay mula sa  kanialng nakaraan ay may kaakibat na luha na basta na lang nangilid sa kanyang mga mata, dahilan upang siya'y yakapin ng pinsan kong si Kenzo. Hinagod niya muna ang likuran niya bago niya ito pakalmahin at punasan ang kanyang luha sa huli.

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon