ARIANNE
"Good morning, Arianne!" panimulang bungad ni Kuya Kenzo sa'kin papalapit sa'king mukha. Jusko, anong ambag ng pinsan kong 'to at bakit nilapit niya ito tsaka... ewww! Naamoy ko yung mabaho niyang hininga na pang isang isda na lumalansa papunta sa'ming ilong!
Nice Insan, ang gandang bungad niyan sa'kin ah. Sa suot niyo pong all-white sando, short at slippers ay kitang-kita ko ang tindig ng katawan niyo, yun nga lang, para na akong masusuka dito sa amoy panis na hininga niyo!
"Yikes, Kuya!" pandidiri kong banggit sa kanya. Nilayo ko ang aking mukha bago ako tumayo sa kama, "Ang baho po ng hininga niyo! Hindi na naman po ba kayo nagsipilyo?"
He shrugged.
"Sabi ko na po ba! Siguro ganyan yung ginawa niyo kay Marco, ano po?"
Then he nodded one more time before I finally realized. Siguradong iba ang magiging reaksyon ni Marco kapag naamoy niya ang mabahong hininga ng kuya niya.
"O bakit ikaw? Di ka ba nagsipilyo kagabi bago tayo matulog?" tanong niya sa'kin. Aba, sa suot kong all red sleepwear ay makikita mong nagsipilyo ako kagabi sa lababo ng kusina!
"Opo!"
"Sure ka?" Tumango naman ako, "Weh?"
"Nagsipilyo po ako, noh! Si Marco rin, nagtoothbrush! Sadyang hindi lang kayo nagsipilyo sa'ting tatlo. Mouthwash lang sapat na po sa inyo," paliwanag ko sa kanya nang biglang...
"Kuya Kenzo! Ate Arianne! Ano po bang hinihintay niyo?" wika ni Marco sa'ming tatlo habang nakatapis ang kanyang puting tuwalya sa ibaba. "Maligo na po kayo at may pasok po tayong tatlo!"
Nagkatinginan kami ng pinsan ko, oo nga ano! May pasok pala kami at isa pa, sabay kaming magpapahatid patungong campus. Ano ba naman iyan, Arianne!
"Wait lang, Marco! Aayusin ko lang yung higaan ko," banggit ni Kuya Kenzo papalayo bago niya ako inutusan. "Jade, 'yung higaan mo!"
"Opo, kuya!"
Sa'ming tatlo, si Marco ang maagang gumigising. Maaga pa lang ay gising na agad siya bago kami... sadyang ang kuya niya lang ang 6AM kung gumigising kakapuyat sa ka-chat niya kaya minsan ay nalelate sa campus.
"Morning po, ma!" bati ko sa mama ko na ngayon ay naghahanda ng baon at breakfast sa'ming tatlo. May nakalagay na tigta-tatlong isang daan sa lamesa kaya kinuha namin iyon. At syempre, may nakahandang agahan na niluto para sa'ming tatlo.
"Morning, Arianne. At good morning sa inyo, Kenzo at Marco. Heto, agahan niyo," malumanay na wika ni mama bago kami umupo sa hapag at kumain. Habang kumakain kami ay may biglanng nag-vibrate sa phone ko. Binitawan ko ang isang tinidor para buksan iyon at nang makita ko, si Samara pala iyon.
Samara:
Arianne!
Anong balita sa date nyo ni Martin?Hays. Heto na naman po siya. Hinayaan ko na lang ang phone ko na magpatunog ng notifs at nagpatuloy sa pagkain nang bigla akong tanungin ni Kuya Kenzo, "Jade, sino yung tinitignan mo sa phone? Si Martin?"
"Hindi po," tanggi ko, "si Samara po. Nagtext sa'kin."
Tumango si Kuya Kenzo at nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Nang matapos ay tinignan ko ang oras. 6:38AM na. Hindi ako pwedeng ma-late…
Ngayon pa lang ay nagpaalam na kaming tatlo kina mama, sina Tita Clarisa at Tito Jun mamaya pa sila gigising dahil as usual, mga 11pm sila natutulog. "Bye po tita!" paalam na banggit ni Kenzo kay Mama sabay halik sa pisngi, ganoon din si Marco. Niyakap ko na rin siya at lumabas kaming tatlo para maghanap ng masasakyang traysikel.
![](https://img.wattpad.com/cover/212167396-288-k731044.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Hearts And Lost Souls
Teen FictionChasing dreams. Past encounters. Unexpected moments. Well, that's what life is. ***** After her tragic experience, Arianne Jade Umali promised herself not to fall in love again until she met a person who'll surely protected from her chained an...