CHAPTER FOUR | Friend Request

34 9 3
                                    

ARIANNE

"Walang hiya ka, Arianne!" ani TJ sa'kin noong na-realize niya na kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng canteen. Wala nang mga tao sa labas dahil lahat sila'y umakyat na papunta sa kani-kanilang mga campus at kasama na roon sina Andrea, Martin at Alexis. "Nakakahiya ang binigay mo sa'kin na tanong, a!"


"Bakit ba?" banat ko sa kanya habang umiinom ng tubig sa basong babasagin, bagay na ibato ko sa pagmumukha ni TJ kapag nagsinungaling siya sa'kin.

Joke.

"Anong hindi? Simula noong kumakain tayo kanina e di maalis ang tingin mo sa kanya habang kumakain! Alam na namin nina Andrea iyon, kaya tatanungin kita ulit since ganito ang naibato ko last year."

Sasabihin ko sana ang tanong na ibabato ko sa kanya nang bigla siyang dumighay… at sa tabi ko pa mismo!Diring-diri ako sa ginawa niya sa'kin na siyang dahilan para ako'y lumayo mula sa pwesto niya.

Pero bago iyon ay kaagad ko siyang binatukan nang mahinahon, "Bwisit ka, TJ!"

"Bakit na naman?" anito na tila ito'y naiinsulto sa nagawa ko kanina. Kumunot naman ang noo ko sabay iwas ng tingin sa kanya bago isukbit ang wallet sa bulsa papunta sa klase.

Hindi pa ako nagtatanong e nagawa niya pa akong ikahiya! Sa bagay, alam ko naman ang sagot sa tanong niya — kalog, matalino, cute tignan… nakakaasar! Sige TJ, ayos lang. Sino ba naman ako para masabihan ng ex-boyfriend ko about sa'kin? Sana hindi masarap ulam niyong dalawa ng nobya mo, bahala kayo diyan.

***

Mula sa dalawang oras kong pagkatulog nang mahimbing sa kama ay dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata kasabay ng pagtanggal ng konting mga muta sa'king mga mata. Tinignan ko ang oras sa digital clock — 5:43pm. Kinuha ko ang bag ko upang hanapin ang Math notebook at quiz pad bago ko ito ilagay sa kama para kunin mamaya. Hindi pa ako nakakakain ng meryenda sa lagay kong 'to kung kaya't agad akong pumunta sa kusina para buksan ang refrigerator sa tabi ng dingding, nang biglang may isang note ang nakadikit sa may pintuan nito:

Ate Arianne, may turon po sa lamesa. Binili ko po iyan kanina pagkatapos ng klase namin, iyon nga lang tulog ka kaya kinain namin ni Kuya ang dalawa. Tatlo po kasi dapat iyon, e.
— B.M

Napangiti na lamang ako sa sulat ni Marco na tila isang bata na tuwang-tuwa sa pasalubong na binigay sa kanya ng mga magulang pagkatapos ng kanilang trabaho. Iniwan niya sa itaas ng tupperware ang isang ube cheese turon sapagkat napansin niya siguro na pagod ako galing sa klase at gusto ko nang magpahinga sa bahay.

Umupo ako sa lamesa at kinuha ang pagkain bago ko ito kainin, nang sa gayon ay maganahan ako sa pagsagot sa assignment bago maghapunan. Dala ang aking cellphone ay binuksan ko ang wifi at hintayin na sumabog ang notifications ko sa phone ko, mabuti na lang at naka-silent ang phone ko para kahit papaano ay maramdaman namin ang katahimikan na tila isang lugar na kung saan ang tangi mong ramdam ay ang ihip ng hangin at ang umiikot na tumbleweed sa lupa nito.

Mahigit isang minuto ang nagdaan at kinuha ko ulit ang cellphone at pagkakita ko — 56 new uploads, 11 new notifications at may mga ilan naman na nagsasabing live na ang favorite kong bias sa isang streaming app. I cleared those notifications that popped up on my screen, except for one thing.

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon