CHAPTER THIRTEEN | One call received

17 1 0
                                    

MARTIN

"TJ, kamusta si Arianne?"

Ito ang naging tanong ko sa kanya pagkatapos tawagin ng subject teacher namin galing sa Class 9-6. Hawak ko ang kanyang laptop na kasinggaan ng bag kong puno ng mga notebooks ay mabilis niya akong tinitigan sa kanyang mga mata bago niya sagutin ang tanong ko, "Ayos naman siya as of now. It's day three of seven since she filed an excuse to leave due to her personal problems, yet I still miss her..."

"Neither do I," I answered back, filled with agony followed with my mouth curled as a sign of sadness. "Lumipas na ang mga araw na hindi ko naririnig ang tawa at pagmasdan ang kumikinang niyang ngiti sa'kin — I mean, sa'ting lahat. Missing her is the worst thing that I have ever felt since..."

"Since what?"

I exhaled, "Since I have a crush on her. Nevertheless, my mind keeps telling me that I shouldn't love her easily after the break-up with her bastard ex and yet—"

"Hey, don't say that word!"

"But it is true!" I defended before reaching Class 8-2. "As someone who is concerning about her past, she shouldn't deserve any of this. Hindi ko pwedeng hayaan na masaktan ko siya nang ganoon ganoon na lang nang dahil sa lalaking iyon na kaparehas ng ginawa niya sa'kin unang pasok pa lang!"

"Oo nga, Martin. Pero hindi ka pwedeng mahulog sa patibong niya dahil katulad ng sabi ng kuya  mo, malaking gulo ang mapapasukan niyong dalawa kapag nagkaganoon. Hindi ba pwedeng ayusin niyo muna ang sarili niyong gusot bago pakiramdaman ang isa't isa?"

Napaisip ako sa sinabi ni TJ, kung hindi pa kayang ayusin ang problemang kinakaharap ni Arianne ngayon, ganoon din ako.

Ayokong isipin ng mga tao na may gusto ako sa kanya, sapagkat hindi ako makakausad hangga't hindi ako nakakapaghilom mula sa'king nakaraan. Gusto kong palayain ko muna ang sugat na bumalot sa'kin bago ito linisin at kalimutan ang masalimuot na nakaraang meron ako, paunti-unti... hanggang sa masabi ko sa sarili ko na ayos na talaga ako.

Na fully healed ako pagkatapos ng lahat.

He left a sigh as we reached the classroom before placing the things on the teacher's desk. We murmured to ourselves as we went back to our seats before our adviser got in, however, I sneakily got Arianne's purple extra notebook and turned all of the pages inside her notes.  Naroon ang mga schedules, to-dos at scribbles na kanyang ginawa, ngunit ang kapansin-pansin ay ang dulong pahina ng kanyang kwaderno — walang drawing ni sulat man lamang sa lagayan nito. Ilang minuto ang nakalipas ay kaagad kong sinulatan ang ilan sa'king sasabihin para sa kanya, at nang dumating ang teacher sa next subject ay sakto ko siyang tinapos bago ko ito isara para wala nang makabasa sa sinulat ko.

Only Arianne Jade will read my passage. Not them.

***

"Banana milk!" sigaw ng aleng nagtitinda sa labas habang nagba-bike papunta sa campus. Mabilis kong nilingon ang buong paligid na puno ng mga bulaklak at mga bahay sa tabing bahay subalit tila ako'y nililigaw ng landas nang nakita ko si Marco na kumaripas ng takbo na para siyang nasa sprint running. Hinabol ko siya papunta sa nagbebenta, maging sina TJ, Alexis at Ate Louisse ay sumunod na lamang papunta sa direksyong tinatahak ko.

"Marco! Narinig mo lang itong banana milk, bibira ka na agad!" iritableng tanong ni Louisse sa kanyang kaibigan habang siya'y bumibili ng limang pakete bago ibigay ang pera sa babae. He softly glanced at her, "E sa favorite natin 'to?"

Napahagikhik kaming tatlo samantalang binibigyang-diin nito ang salitang "natin" sa kanyang kaibigan. Nang nilagay ni Ale ang nasabing inumin ay kinuha namin iyon isa-isa — teka, bakit kinuha ni Marco ang dalawa?

Ibig sabihin ba nito...

"O Louisse, banana milk para sa'yo," anito sa kanyang kaibigan: na ideal type rin pala. "Para sa'yo. Special iyan."

Tumugon naman siya bago sila magngitian, "Salamat."

Kami naman ay kinantyawan ang dalawa bago sila uminom ng banana milk nang sabay, pero nabasag ito nang nilahad ni TJ ang banana milk niya kay Alexis at sila'y nagkampay, habang ako?

Ito, naiwan na lamang sa gitna ng mag-jowa at sa dalawang taong sabay uminom ng banana milk sa gilid. Sige, ayos lang. Sino ba naman ako para bigyan ng banana milk ng isa riyan?

I'm still standing as a fifth wheel beside them when suddenly, someone got a call that rings inside my phone. I gradually grabbed it in my pocket and as I saw her name, my whole world suddenly changed. It's like a time machine that whenever I speak or see her name in any other kinds of direction, nostalgia takes me. A decision to turn back the time hits me as I formed a small smile on my face, leaving the two of them behind before her younger cousin asks me. 

"Bro, who got you smiling?"

I shrugged before tapping the green button, hoping that someone would answer the call that I'm hoping for. And as I heard her placid voice, the little hairs from my body shivered and they're dancing to the theme song that I loved the most.

Even with her.

"Hello, Martin?" she started from the other line that made my heart pounding like a beating drum in any fiestas. "Nandoon ka pa rin ba sa campus?"

"Oo naman. Bakit?"

Tatlong araw ang lumipas noong huli kong marinig ang kanyang tinig pero sa nasabing bilang na iyon ay buong kaluluwa ang kusang kinilig at nababaliw sa saya nang nakausap ko siya sa kabilang linya. Kung ako ang iyong tatanungin, para sa'kin, hindi ko pa rin maatim ang saya na naramdaman ko dahil sa wakas, namiss kong pakinggan ang malamyos na tinig na siyang namumutawi sa kagandahan ni Arianne at ito'y umaabot papunta sa'king mayuming damdamin.

"Wala naman, kinakamusta lang kita," sagot nito nang mahinahon. "Namiss ko kasi kayo, e. Sayang nga dahil hindi ko naabutan ang incentives na binigay niyo noong Intrams."

"Meron. Natatandaan mo ba?"

Ramdam ko ang kaliwanagan na umusbong sa utak ng nasa linya. Tuluyan na niyang naalala ang excemptions na binigay sa'min, lalo na si Arianne na kakatapos lang panaluhin ang titulo bilang Miss Intramurals. Nilayo ko naman ang phone ko sapagkat narinig ko siyang tumitili sa sobrang tuwa bago sa'kin pinasabi sa adviser namin once na papasok siya bukas.

"Salamat Martin, a! Kung hindi dahil sa incentives e di sana hindi ko ginawa ang best ko upang manalo ang team namin plus, para sa pageant. Siya nga pala, free ka ba ngayon?"

I nodded before saying yes to her, "Why are you asking?"

"Pwede ba tayo magkita sa simbahan ng 4PM? Ikaw, kung gusto mo."

Kaagad akong pumayag sa alok niya sa'kin, siguro ito na ang unang pagkakataon na magkakausap kaming dalawa nang masinsinan — walang mandidistorbo ni commercial break. Iyon nga lang, akin namang hinihiling na sana hindi mambulabog si Kuya Benj sa nasabing lugar sapagkat doon sila pumupunta kasama ng girlfriend niya tuwing monthsary; at everytime na pumupunta siya roon ay palagi niya akong ginugulat lalo na kapag mag-isa ako at ang tangi ko na lamang gawin ay magpahangin at isipin ang dapat isipin.

Pero itong araw na ito? It will speak as a memorable day to me.

Basta't kasama siya.

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon