CHAPTER TWENTY-FOUR | Farewell once again

6 0 0
                                    

ARIANNE

Dalawang araw na ang lumipas simula noong natapos ang biyahe namin pabalik ng Maynila at heto ako ngayon, nasa loob ng kwarto ng 5:28am. Iniisip ko pa rin kung bakit ko ba naramdaman ang lahat ng ito, kung bakit sa edad kong 'to, ay naranasan ko pa ring masaktan, mapag-iwanan, at ang mas masakit pa ay nagagawa nila iyon sa pare-parehas na dahilan.

Being ungrateful to someone is so hard that I even have the guts to experience those. Sabay-sabay na trauma ang pumasok sa'kin dahilan upang mapabalik ako sa square one, at kahit alalahanin ko ang mga araw na binilinan ako nina Mama, Kuya Kenzo at ng mga kaibigan ko na huwag sasama kay Gio, hindi na ako nakatiis pa.

Huminga ako nang malalim. Tumayo muna ako sa kama at kaagad kong pinagmasdan ang labas ng bahay namin. Kokonti at wala pang tao sa labas ng bahay namin kung kaya't may iilan sa kanila ang maagang nagising upang bumili ng pandesal.

Naisipan ko munang pumunta ng rooftop para magpahangin, pero bago iyan ay inayos ko muna ang kama ko bago ako pumunta sa itaas ng bahay. Pag-akyat ko ay nagpahangin ako kahit saglit at kung minsan ay sinasaksak ko ang earphones sa cellphone para makinig ng music.

Hindi ko pala namamalayan na 5:43 na ng umaga ay nakaramdam ako ng pagkaantok kaya pinili ko na lang na matulog dito kaysa sa kwarto ko. Presko ang hangin kaya malaya na akong makakapagpahinga nang walang masyadong iniisip.

Unti-unti ko nang ipinipikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako. Nang lumiwanag na ang kalangitan ay saka ako inimulat ang mga mata ko at tinignan kung sino: si Marco.

"Ate Arianne, gising na po pala kayo," pagwiwika niya sa'kin. "Siya nga pala, bakit dito po kayo sa rooftop natutulog?"

Iniangat ko ang magkabilang balikat ko bago ako magsalita, "Wala lang, gusto ko lang. Mahangin kasi."

Tumango-tango na lamang siya. "Ate Arianne, mag-agahan na po kayo. Bumili po si mama ng pandesal para po sa'tin. Tapos mamaya may bibisita po sa inyo."

"Sino?"

He shrugged for a moment. "Hindi niya sinabi ang pangalan eh. Pero alam kong kilala niya po kayo at gusto niya po kayong makausap."

"Okay..." iyan na lamang ang tangi kong nasagot.

***

Kumain na ako ng agahan at pagkatapos ay nakipagkulitan kina Kuya Kenzo at Marco. Nasa rooftop kaming tatlo ngayon at pinapanood namin si Kuya Kenzo na sumayaw sa harapan pero nakatalikod. Tila isa siyang K-Pop trainee dahil sa ginagawa niya, pero ang hindi niya alam ay pagtitripan namin ni Marco itong kuya niya, kaya anong ginawa ng nakababata niyang kapatid?

Tumayo siya sa kinaroroonan niya at dito ay pinindot nang tatlong beses gamit ang kanyang hintuturo ang batok ng kuya niya saka siya tumakbo papunta sa'kin. Naghagikhikan kami hanggang sa nalaman iyon ni Kuya Kenzo. Nagturuan kaming dalawa bago kami tumakbo at habulin na parang mga prey na palaging tinatakasan ang isang leon sa gubat.

Hingal na hingal kaming dalawa sa staircase nang aming maulinigan ang boses ni Mama, "Arianne! May naghahanap sa'yo!"

Pagod man, pero kumakapit pa rin ako sa magkabila kong tuhod bago bumaba. "Kuya Kenzo, Marco, time first muna ako. Kayong dalawa na muna ang bahala."

Bumaba ako galing itaas para hanapin iyon kung may lumitaw na agad sa harapan ko. Nakasuot siya ng white t-shirt, white pants and black slippers, at kung hindi ako nagkakamali, si Gio iyon.

Pero ba't parang umunat ang buhok niya?

Tinawag ko ang kanyang pangalan, "Anong ginagawa mo rito?"

Nasa labas ako ng bahay kung saan hindi kami pwedeng makita ni Kuya Kenzo dahil malaki ang galit nito sa kanya pagkatapos ng break-up at sa pagkikita namin noong victory party ng Mr. and Ms. Intramurals. Ito rin ang dahilan kung bakit sa parehas na panahon ay nagtangka akong magpakamatay pero mabuti na lang at pinigilan iyon ni Marco bago ako mawalan ng ulirat.

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon