MARTIN
"Sir, magha-half day lang po sana ako," paalam ko sa kanya habang nasa loob ngayon ng opisina niya. Ngayon ay July 2, ang sampung taon kung kailan kami nagkakilala ni Arianne sa St. Bernadette High. 24 years old na ako ngayon at nagtatrabaho na ako bilang isang staff sa isang phone company malapit sa apartment na tinutuluyan ko, kaharap ang boss naming si Sir Patrick na istrikto minsan pero mabait sa'ming mga staff members.
"Bakit naman, Martin?"
"Magkikita po kasi kami ng kaibigan ko. Mga 4:00pm, out na po ako sa trabaho."
Usually kasi, 9:00pm ang tapos ng pasok ko at ang simula nito'y 1PM, iyon nga lang, kapag nasa traffic jam na ay umaabot ako ng mga around 1:30 or 2PM. Naiintindihan naman ni Arianne iyon dahil kilala naman niya ako, minsang nale-late sa klase, pero si Sir Patrick hindi. Minsan akong napapagalitan dahil sa sobrang traffic, kahit ako mismo naiinip na makapasok habang nasa biyahe.
Ito na yata siguro ang mahirap kapag nagka-trabaho ka na, lalong-lalo na kapag sasabak ka sa daan. Mag-uunahan ka sa mga nag-aabang na pasahero at kung minsan ay kung kailan punuan na saka ka nila iiwanan. Mahirap makahanap ng sasakyang makakarating ka papunta sa trabaho o sa eskwelahang papasukan mo. Pero wala, ganyan talaga ang buhay…
"O sige, Martin."
Minsan kasi nakikita ako ni Sir na subsob ako masyado sa trabaho kaya minsan umuuwi ako ng hanggang 11:00pm, "Sa totoo lang, naawa ako sa'yo sa ginagawa mo. Pero ngayon, ito na ang unang beses na magha-halfday ka sa trabaho mo. You deserve some rest, after all."
I chuckled softly, "Opo eh. May nag-aantay na po kasi sa'kin kaya po ako pumunta sa'yo para magpaalam agad."
"At sino naman iyon?" tinitigan niya ako nang mata sa mata na parang hindi alam kung sino ang tinutukoy niya. Pero mas pinili ko na lang na huwag ituloy dahil mas lalo nila akong aasarin kapag nasabi ko sa kanila na si Arianne ang tinutukoy ko.
"Hindi ko po masasagot iyan," nahihiya kong banggit sa kanya. Inilunok ko rin ang laway ko dahilan para mawala ang hiya na nararamdaman ko sa loob-loob ko. Nang matapos ang konting pag-uusap namin ay agad akong lumabas ng opisina niya at kaagad bumalik sa pwesto ko. Grabeng pagod, dedication at pressure ang nararamdaman ko habang patagal ako nang patagal sa trabahong pinapasukan ko. Paminsan naman ay nadadapuan ako ng mga negatibo kong pag-iisip at habang tumatagal ay tila kinukulong nila ako sa isang bilangguan kapag absent ako — katulad na lang ng nangyari ten to eleven years ago.
2:45pm na ngayon at may 1 hour and 15 minutes na lang ako para magtrabaho at para maihabol ko na siya sa mga deadlines. Masasabi ko na hectic siya sapagkat mayroon akong mga gagawing trabaho na dapat kong ipasa at ihabol sa abot ng aking makakaya, at ngayon ay isa na lang ang kailangan kong tapusin.
Nakahanda na rin ang tinimplang kape sa tumbler ko, earphones para sa music, USB at syempre, ang laptop ko para sa gagawin kong ito at nang makapagsimula na.
Kaya mo iyan, Martin! Laban lang!
***
3:50pm at sa wakas, nakatapos na ako sa ginagawa kong 'to. No disturbance, just me and my hour and five minutes of busy life. Agad ko siyang tinransfer sa USB bago ko siya tanggalin at nang maipasa ko kay Sir.
Pinatay ko muna ang laptop saka ako pumunta sa opisina ni Sir dahilan para maipasa ko 'yung output na ginawa ko. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago ako pumasok ulit sa silid niya, "Sir, heto na po yung USB ko. Nariyan rin ang output ko na kakatapos lang po ngayon lang."
![](https://img.wattpad.com/cover/212167396-288-k731044.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Hearts And Lost Souls
Teen FictionChasing dreams. Past encounters. Unexpected moments. Well, that's what life is. ***** After her tragic experience, Arianne Jade Umali promised herself not to fall in love again until she met a person who'll surely protected from her chained an...