From halfway there, new scenes will be added and rewritten on the story.
***
THIRD PERSON
Pink printed crop top, black skirt at grey na rubber shoes — ilan lang ito sa napiling suot ni Arianne na siyang gagamitin para sa birthday party ng kuya ni Martin, bukod pa rito ay hinanda niya ang regalo na hawak niya at ang purple rounded sling bag na may lamang cellphone, wallets, panyo at mga tirang kendi sa bulsa.
Kinuha niya ang pulbo sa itaas ng drawer bago niya ilagay sa buong mukha niya dahilan upang matakpan ang mga tagiyawat na nagmumula sa bawat sulok ng kanyang mukha, at para mas lalong gumanda ay pinahid niya ang light pink niyang lipbalm na nabili sa isang tiangge malapit sa bahay ni TJ.
"Arianne, parating na ang traysikel!" bulyaw ni Kenzo sa kanyang pinsan mula sa malayuan. Iniangat niya muna ang kanyang labi sa loob para tignan kung may naiwang lagpas bago ito alisin. She popped her lips for one second, plastering a smile on her face as on cue.
"Ayan, lalo ka nang bumu-blooming, Arianne Jade!" masiglang bati niya sa kanyang sarili sabay hagod sa kanyang itim na buhok. Sinuot niya muna ang sling bag bago nilisan ang kanyang kwarto at sinarado ang pinto. Bumaba siya sa kanyang kwarto at nakita niya sina Kenzo at Marco — na ngayon ay pormang-porma sa kanilang sarili na tila manonood sila ng sine sa isang mall.
Weird.
Tinawag niya ang panganay sa kanyang pangalan, "Alam niyo po, hindi po bagay sa inyo ang magsuoy ng beret lalo na po't sa bahay lang naman tayo ni Kuya Benj pupunta."
"Oo nga naman po Kuya," ani Marco na nakasuot ng itim na leather jacket na sa loob ay may plain white na damit, itim na pantalon at puting sapatos na talagang sumisilay ang kagwapuhang tinataglay niya. Maunat ang buhok ni Marco, bilugan ang kanyang mga mata na siyang hinahaluan ng pagkatangos ng ilong at pagkanipis ng kanyang labi.
Sa kanilang dalawa ni Kenzo, sa ina ni Marco namana ang mala-gatas niyang balat at ang kanyang visuals na tila kamuhang-kamukha ng kanyang ina mismo sa unang tingin pa lang. Mula sa mga litrato ay magkakahawig sila ng ngiti subalit pagdating sa tangkad, nataasan na ng binata ang height ng kanyang ina na nasa 4'9 ang sukat.
The older one rolled his eyes, "What? This is my style—HEY!"
Tinanggal ni Marco ang asul na beret na suot ni Kenzo bago niya pinasa ang trono kay Arianne, subalit nang pinasuot siya nito ay agad siyang namangha sa kanyang nakita.
"Kuya… siguro naman alam niyo na po kung kanino bagay ang beret niyo," ani Marco sa kanyang panganay na sinabayan pa nito ng hampas sa kanyang tagiliran.
Napadaing siya nang peke, "Masakit, a!"
***
"Mag-ayus-ayos ka na, p're," ani Samara sa kanya habang tinatapik ang braso ni Martin ilang minuto bago ang party. Magmula noong elementary ay naging magkaibigan na sina Samara at Martin at kahit kailan ay hindi sila napaghihiwalay ng panahon subalit pagkalipas ng kanilang Graduation ay nauna nang pumasok ang dalaga sa SBNHS bago ang binata.
"O, ayos na ba?" anito sa kanyang kaibigan nang natapos nang ayusin ang kanyang sarili. He's wearing a shirt with pink, green and white stripes, light blue maong jacket, white pants and black shoes that perfect suits his style for his day today. Ang kanyang unat na buhok ay napantayan dahil nasuklayan nang maayos at higit sa lahat, hindi niya pwedeng kalimutan ang brown niyang bracelet na binigay sa kanya ng kanyang kuya bago siya lumipat sa school ng kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts And Lost Souls
Dla nastolatkówChasing dreams. Past encounters. Unexpected moments. Well, that's what life is. ***** After her tragic experience, Arianne Jade Umali promised herself not to fall in love again until she met a person who'll surely protected from her chained an...