CHAPTER SEVEN | Confessions behind their smiles

22 4 0
                                    

tw: bullying, abuse, self-harm

***

ARIANNE

"Arianne, saan ka pupunta?" tanong ni Martin sa'kin subalit kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin siya lilinungin bago ko tahakin ang daan patungong tricycle station. Simula kanina ay pinipigilan ko ang pag-usbong ng mga luha sa'king mga mata magmula noong inamin niya sa'kin na gusto niya ako, pero kahit anong gawin niya ay hindi ko maitatangay sa isipan ko ang pangakong hindi ako magmamahal ng kahit na sino sa kanila dahil sa isang rason-

Ayoko nang masaktan ulit.

"Jade, wait up-"

"Hindi mo ba alam na anti-romantic ako?" singhal ko sa kanya. Ako'y hinihingal habang sandamukal na luha ang umagos sa'king mga mata habang si Martin naman ay naiwang nanigas sa harapan ko nang marinig niya ang balitang iyon.

"Oo, alam mo ang tungkol sa nakaraan ko, pero hindi ibig sabihin nito ay pwede mo akong mahalin muli. Martin, are you out of your mind?"

He froze for a second.

"Sariwa pa rin sa'kin ang break-up namin ni Gio kung kaya't hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko, even my parents!"

"What do you mean?"

I mumbled with tears spilling on my eyes before showing my wrist, now full of scars and some of them are still healing, "Countless suicide attempts! Sa ilang beses kong paghiwa sa'king braso pakiramdam ko sa sarili ko ay gusto ko nang mamatay at umalis sa kahihiyang ginawa ko. Sinubukan ko ang sarili ko na huwag gawin, pero kahit anong pagpigil at pagkontrol ko ay parang gusto ko na lang mawala nang dahil lamang sa nangyari!"

I lowered down my wrist before cursing out of nowhere, "My summer has become a downfall because of him, for all of a sudden I felt like they envied me - my family, my friends, everything. I locked myself in my own room to realize my mistakes and yet I ended up hurting myself, thinking negatively, remembering some hurtful words they said to me and what's worse? I totally blame myself for what happened. The last time I checked on myself, I felt like I'm dying.

My eyes filled with agony and sadness as I blurted out those words. "Pakiramdam ko sa sarili ko na gusto kong humimlay nang mahabang-mahaba dala ng nangyari sa'kin noon. Kaya lang naisip ko, kung hindi ko ginawa ang lahat ng ito... paano si Mama? Paano sina tito at tita, si Kuya Kenzo tsaka si Marco? Hindi ko na alam na pati sarili ko pinipili kong saktan nang dahil dito... because I don't want to left my mom on my side."

Napailing na lamang ako sa kanya, "Hindi ko siya kayang pwedeng iwanan nang basta-basta... dahil mahal ko siya. Mas mahal ko siya kumpara sa tatay ko na siyang nang-iwan sa kanya noong bata ako. I love her more than anyone else in this world, sure thing that I love my best friends, including you. Pero mahal ko ang pamilya ko at ayoko silang iwanan nang dahil sa'kin. Nang dahil sa sitwasyon ko ngayon."

"Tangina, hirap na hirap na ako..." pagsusumamo ko kay Martin. "Nasasaktan pa rin ako..."

Napaupo ako malapit sa sahig at dito'y bumuhos ang ilan sa mga hikbi na dumadapo sa'kin. Walang akong pakialam kung tignan o kahiya man ako ng mga tao roon, mailabas ko lang ang mga luhang na siyang dumidikit papunta sa sahig ng katabing bahay. Sumabay si Martin sa kanyang pagluha at dito'y niyakap niya ang dalaga bago siya yumuko sa kanyang likod.

"Ari, I'm so sorry..." malungkot nitong saad. Tumalikod ako sa harapan niya bago ko siya titigan sa kanyang mga mata, "Alam mo ba, katulad mo rin ako. Nasasaktan, nahihirapan. Pero sa kabila ng lahat ng ito, sisibol ang isang panibagong umaga na siyang magsasabi sa'yo na, 'Kaya mo iyan. Malalagpasan mo ang lahat ng ito.'"

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon