ARIANNE
"Hello mahal!" I joyfully said as I immidiately answered his call. Sabado ngayon, maliwanag ang sikat ng araw na sumisinag sa'kin at sa blue tarpaulin na nagsisilbing yero para sa rooftop. Iyon nga lang, noong nagsalita siya ay napapansin ko sa boses niya na parang kakaiba.
"Hi, Arianne..." aniya. "May sasabihin sana ako sa'yo."
"Ano iyon? May problema ka?" tanong ko sa kanya. Anito, wala naman siyang problema pero... bakit sa tono ng boses niya tila naguguluhan siya?
"Bakit parang naguguluhan 'yung isipan mo?"
Huminga siya ng malalim na siyang naririnig ko mula sa kabilang linya. "Mahal, kaya ako napatawag sa'yo kasi... ngayon pa lang e mukhang mas mabuti na sigurong marinig sa'kin 'to," malungkot niyang saad.
"Mas mabuti na ang alin?"
Nagulat ako nang biglang sinabi sa'kin ang isang nakakalungkot na pangyayari na sa di inaasahan ay magagawa niyang sabihin iyon. His voice was in pity as he said those words, "Mas... mabuti na lang kung tapusin na yung relasyon natin."
Doon ako nataranta. Tatapusin na ba niya ang relasyon naming dalawa?
Pero bakit ganoon?
Sa loob ng isang taong relasyon namin ay matatapos na ang lahat sa tawag man lang at hindi sa personal?
Nagsimula na namang umusad ang mga luha ko mula sa'king mga mata, hindi ako makakapayag na hiwalayan niya ako nang ganoon ganoon na lang dahil alam ko sa sarili ko na minahal ako ni Gio subalit... bakit?
Nagtaka naman ako, "T-teka bakit? May mali ba akong nagawa?"
"W-wala. Wala kang kasalanan."
"Pero bakit ka nakikipaghiwalay sa'kin? Magbigay ka nga ng paliwanag."
Nagsalita naman siya, "Pero Arianne-"
I cut him off, thus I released myself. Screaming in fury, letting out all the pain while tears are trembling in my eyes.
"God damn! Would you please give me an explanation why you're breaking up with me? Langya naman, o!"
Halos napasigaw na lang ako sa galit na nararamdaman ko laban sa kanya na tila ang mundo ko'y pinagsakluban ng langit at lupa. Umiiyak pa rin ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sumagot si Gio sa mga tanong ko.
Katulad ng nangyari kay mama, nabasag na ako. Nasaktan na naman ako na katulad ng isang pader na kapag gumuho ito gamit ang wrecking ball, tiyak pira-pirasong mga bato ang sasalubong mula sa lupa kasabay ng mga malalaking tipak nito sa bawat gilid.
Kinuwento ko sa kanya lahat ng napapansin ko tungkol sa kanya, "O ano? Di ka magpapaliwanag? Uunahan na kita, mula noong nagbago ka ay parang ang sagot mo sa'kin kapag nagtatanong ako ay, 'ok lang ako', 'sige', kahit ang totoo ay may itinatago ka sa'kin noon pa man.
"Noon pa man ay iniisip ko kung may iba ka na ba o may nangyari bang masama sa'yo, tapos ngayon di mo ako bibigyan ng explenasyon kung bakit mo ako hihiwalayan? Alam mo, isa lang ang masasabi ko. Duwag. Duwag ka lang talaga. Duwag ka lang talaga kasi hindi mo sinasabi kung anong meron sa'yo!"
He stormed off, "So, pinapalabas mo sa'kin na duwag ako, ganoon?"
"Oo! Duwag ka lang talaga. Ngayon, tatanungin na kita. May iba ka na ba? Ha?" I said, full of gloom and melancholy. Natahimik naman siya.
"Sumagot ka, Gio!"
He raised his voice na siyang nagpapikit sa'kin nang mariin, "Oo na, oo na, sige na, Arianne Jade! May iba na ako! Oh, masaya ka na?"
BINABASA MO ANG
Broken Hearts And Lost Souls
Teen FictionChasing dreams. Past encounters. Unexpected moments. Well, that's what life is. ***** After her tragic experience, Arianne Jade Umali promised herself not to fall in love again until she met a person who'll surely protected from her chained an...