MARTIN
"Kinakabahan ka na ba?"
Ito ang naging tanong ko kay TJ habang kami ay nasa labas ng school at hinihintay si Arianne — ang kapartner niya sa last day ng Intrams. Dagsaan ang mga taong nagkukumpulan sa loob at labas ng SBNHS dala ang kanilang mga banners at kung minsan ay may kanya-kanya silang mga lobo na siyang gagamitin bilang suporta sa mga representatives ng bawat kulay mula sa bahaghari. Bukod dito ay may mga nakaparadang mga sasakyan na nakapark sa likod, at ang kulang na lamang ay kay Arianne na ngayon ay parating pa lang base sa nasagap kong chat.
"Oo, e. Lalo na't rarampa ka sa harap ng maraming tao," saad niya sa'kin bago niya ako harapin sa'king mga mata. "Tignan mo ako, pang-boy band ang visuals, may talent ako pero sadyang pinairal ang pagiging mahiyain ko, at ang mas malala, e bakit pa ako ang napili nila na maging representative?"
Tinapik ko ang likod niya bago ko siya linungin at sagutan nang simple, "Kasi nakikita nila ang potensyal mo bilang isang tao. You see, if you keep telling yourself that you're shy, there is no room for you to improve yourself, right? Kaya kailangan mong harapin ang takot mo at sanayin ang sarili, kumbaga practice lang. Train yourself until you get better, okay?"
Napatango ako sa sagot niya bago niya guluhin ang buhok ko na tila ako'y isang aso na inaalagaan niya. Sa suot niyang plain purple shirt, itim na maong pants, rubber shoes at medyas ay tumitingkad pa rin sa kanya ang charm at karisma niya — mahiyain nga lang.
Napasarap ang pag-uusap namin nang bilang dumating ang car truck ni Arianne na kulay itim na may kulay lilang lobo sa likod na siyang hudyat upang salubungan siya ng bulung-bulungan galing sa mga so-called "Marites" sa campus.
"There she is! Our precious Jade!"
"Go, Arianne Jade!"
"Para sa Purple Skies! Fighting!"Samu't-saring mga hiyawan ang maririnig mo mula sa mga tao ng SBNHS dahil sa kanya, lalo na't noong lumabas na siya ng sasakyan ay mas lalo siyang hinangaan pa ng husto dahil sa mga sumusunod: una, natural ang make-up niya at maganda ang pagkakatali ng buhok nito, pangalawa, parehas sila ng suot ni TJ, at panghuli, hindi ko alam pero kahit ako mismo, nalulula at nabihag sa kagandahan na kanyang tinataglay.
"Tignan mo TJ, ang ganda niya!" I complimented her from afar habang nakatitig sa nakakabibighani at mala-porselanang mukha niya, "Kahit malayo, she's still beautiful…"
Bigla niya akong binatukan nang mahinahon, "Gago ka, anti-romantic iyang si Jade! Hindi ka ba nadala simula last week?"
"Walang hiya ka—"
Napatigil ako sa kakasalita nang bigla kong naalala ang sinabi ni Arianne sa'kin noong isang linggo sa labas ng bahay ni Kuya Benj, na alam ko ang tungkol sa nakaraan niya pero hindi ibig sabihin nito ay pwede niya na akong mahalin muli.
Bawat singhal sa'kin ay kapalit ng pagiging indecisive ko sa'king nararamdaman para sa kanya. Unti-unti na lamang akong napayuko at napalitan ng lungkot na namuo sa'king damdamin, tinikom ko na lamang ang aking bibig at ang bawat mabigat na pinagdaanan niya ay tuluyang naglalaro sa'king utak.
"JM? You okay?"
Tumango ako bilang sagot, "May inalala lang kasi ako."
Hindi nagbigay ng kahit anong tanong si TJ nang biglang tumunog ang xylophone sa campus, hudyat na magsisimula na ang announcement para sa lahat ng estudyante ng SBNHS.
"Calling all candidates of Mr. and Ms. Intramurals, please proceed to Class 7-3 for some important announcement," rinig ng principal namin sa campus na siyang umulit hanggang sa kumumpas ulit ang xylophone, hudyat ito na tapos na ang announcement. Nang makatayo na kaming dalawa ay agad ko siyang tinulak-tulak papunta sa loob ng klase, "O, Tyler Jude Moreno! Pumunta ka na roon dali!"
BINABASA MO ANG
Broken Hearts And Lost Souls
Teen FictionChasing dreams. Past encounters. Unexpected moments. Well, that's what life is. ***** After her tragic experience, Arianne Jade Umali promised herself not to fall in love again until she met a person who'll surely protected from her chained an...